"You're so fidgety. What's the matter?" Ngayon ang unang araw na babalik si Rian sa paaralan. At hindi niya mapigilan na hindi kabahan. Hindi kasi siya ini-enroll ni Liam sa isang simpleng university kung hindi ay doon pa sa mamahalin. Panigurado na puro mayayaman ang mga magiging kaklase niya. "Kinakabahan lang ako." "You'll be fine, kitten. Trust me." Nagulat siya nang biglang i-park ni Liam ang asul na Porsche nito sa isang gilid at tumingin sa kanya. Hindi niya mapigilan na hindi mapalunok nang magkatapat ang mga mata nila. Naglandas ang mga kamay ng kasama niya sa polong suot niya at ibinutones ang dalawang unang butones na nakabukas. "'Yan, much better." "Mukha naman akong jologs n'yan, Liam." Mahina itong tumawa. "Ikaw na yata ang pinakamagandang jologs na nakita ko." Mabilis

