VIII

2029 Words
Hindi maintindihan ni Rian ang kanyang amo. Halos kanina lang ay kulang na lang ay makipagtalik ito sa kanya habang nasa banyo sila, ngayon naman ay halos kasinglamig ito ng yelo. Walang imik ang lalaki habang nagmamaneho. Nakikiramdam lang ang dalaga. Ramdam niya ang kakaibang emosyong lumulukob sa kanyang sistema simula pa no'ng gumising siya. Hindi maintindihan ni Rian kung bakit hindi niya mapigilan na hindi isipin ang nangyari kagabi. Katulad nga ng sabi ni Liam, dapat ay masanay na siya dahil parte iyon ng kasunduan nila. "Claude said your sister's still in the ICU, pero stable na ang lagay niya. Your brother's in their new home. After visiting her, I'll buy you things." "Puwede ko bang makuha 'yong ibang mga damit ko sa apartment namin?" "No," may halong tigas na sabi nito. "I already told you, you'll have to leave your old life behind." Napalunok siya. Seryoso pala talaga ito nang sabihin nito na titira siya sa mansiyon nito. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Ngunit alam ni Rian kung gaano kabilis tinatambol ang puso niya kapag nasa malapit ang lalaking ito. Baka mamaya, bigla na lang siyang atakihin sa puso lalo na kapag hinahawakan siya nito. "Rian." Napapitlag siya sa pagtawag nito sa pangalan niya. Mabilis siyang napalingon dito. "Yes, Sir?" " 'Sir'?" "A, ibig kong sabihin, Liam." Humugot ito ng malalim na hininga bago magsalita. "Nothing. I'm just checking out on you." Hindi siya umimik at ibinalik ang atensyon sa labas ng bintana. Malapit na sila sa ospital. Tahimik pa rin ang loob ng sasakyan. Hindi niya rin naman alam kung anong itatanong niya sa amo at pihado niya na hindi rin naman ito mahilig magsalita. Nang pumasok ang sasakyan sa loob ng parking lot ay nag-ayos ang dalaga. Unang lumabas si Liam ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Nang sinenyasan siya nito na kumapit sa braso nito ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib habang naglalakad sila papalapit sa elevator. Hindi niya alam kung kinikilig siya o nahihiya, kahit na hindi niya rin maialis sa isipan niya ang arogranteng imahe ng lalaki sa kanyang isip. Pero parang kagabi at kanina lang... Huwag mong sabihing nagkaka-crush ka na naman sa amo mo, Rian? saway niya sa sarili. Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit niya sa braso ni Liam. Napalingon ito sa kanya "Is there any problem?" Napa-iling ang dalaga. Nagulat siya nang ang kamay ng lalaki ay napunta sa beywang niya. Hindi napigilan ng dalaga na hindi mapalunok. Bakit ganito? Bakit ngayon ay parang masyadong maginoo ang amo niya? Maginoo pero medyo bastos, sa isip-isip ng dalaga. Iginiya siya nito palabas ng elevator. Nang marating nila ang ICU kung saan naroroon ang kapatid niyang si Ronnie ay sinalubong sila ni Claude. Nilapitan ni Rian ang kapatid. Alam niya na hindi na niya makikita ang mga kapatid niya nang madalas dahil sabi ni Liam ay ihihiwalay niya ang mga ito ng bahay. Marahan niyang sinuklay ang buhok ng kapatid. "Ate..." "Ronnie," mahinang tawag niya sa pangalan nito. Kasabay niyon ay ang pagpasok ni Liam sa loob ng ICU. Napalingon ang kapatid niya rito. "Sino siya, Ate Rian?" Bago pa man makasagot ang dalaga ay inunahan na ito ng lalaki. "Hi,Ronnie. Call me Kuya Liam." Nagtataka na nilingon siya ng kapatid niya. "May boyfriend ka na pala, Ate Rian?" "Sshh, magpahinga ka na lang, Ronnie," iwas niya sa tanong ng kapatid. Ayaw niya malaman nito kung ano ang bagong trabaho niya. Alam niya na hindi pa maiintindihan nito ang kalagayan nila dahil sa mura nitong isip at walang balak si Rian na ipaalam dito ang mga nangyari. "Parang gano'n na nga, Ronnie. Ako ang boyfriend ng Ate Rian mo," singit ni Liam sa usapan. Tinambol ng hindi maipaliwanag na damdamin ang dibdib ni Rian. Hindi niya alam kung ano ang idudugtong niya sa sinabi ng lalaki. "Ahm, Ronnie, magpahinga ka na muna, okay? Para makauwi ka na," ang tanging nasabi ni Rian. Hinalikan niya sa noo ang kapatid pagkatapos ay tumayo. Mabilis na hinila ng kanyang kapatid ang kanyang kamay. "Ate, huwag mo 'kong iwan..." Nilingon niya si Liam upang hingin ang pagpayag nito. Tumango lang ito sa kanya at naupo sa pinakamalapit na sofa sa loob ng ICU. Hinila ni Rian ang isang stool papalapit sa tabi ng hospital ng bed. Marahan niyang hinaplos ang ulo nito. Tipid siyang ngumiti. "Sige na, Ronnie. Hindi ako aalis hangga't 'di ka natutulog." Masunurin ang kanyang kapatid kaya naman pumikit na ito at sinubukang matulog. Tahimik ang silid. Pero ramdam ni Rian ang mainit na titig sa kanya ng amo habang pinapanood niya ang kapatid niya na matulog. Hindi alam ni Rian kung gugustuhin niya bang lingunin ang amo dahil alam niya na nag-iinit ang mga pisngi niya ngayon at nagbabadya ang mga luha mula sa mga mata niya na pumatak ano mang oras. Nang masiguradong mahimbing na ang tulog ng kapatid ay tumayo ang dalaga. "Ahm, Sir, tulog na po kapatid ko. Siguro puwede na po tayong umalis." Tumikhim ang lalaki at tumayo na rin. Pagkalabas nila ng ICU ay nilapitan ni Liam si Claude. Nagbigay ng mga utos. Pagkatapos ay binalikan niya si Rian at pinakapit sa braso niya. Hindi malaman ng dalaga kung bakit ambilis pa rin ng kabog ng dibdib niya. Dahil ba sa sinabi ng amo niya na parang boyfriend niya na ito? O dahil sa ilang pulgada lang ang layo nila mula sa isa't isa? Iba ang epekto ng pabango ni Liam kay Rian. Para iyong serbesa at hindi mapigilan ng dalaga na hindi maliyo sa amoy niyon. Bahagyang nag-ekis ang mga binti niya dahilan para bahagya siyang matapilok. Buti na lang at nakakapit siya sa lalaki. Bahagyang nag-aalala ang mukha nito nang balingan siya. Mabilis na inalalayan siya nito. "Are you alright?" Nahihiyang tango na lang ang naisagot niya. Nang makababa sila sa parking lot at makasakay sa sasakyan ay may ibinigay sa kanyang box ng gamot si Liam. Binasa niya iyon. Emergency contraceptives. "That's to prevent pregnancy. If you want, you can take that." Ibinulsa ng dalaga ang kahon. Tingin niya ay kakailanganin niya iyon. Hindi naman sa ayaw niyang magka-anak. Ang gusto niya lang ay kung magkaka-anak man siya, dapat may ama ito na handa siyang tanggapin. Natatakot siya na kapag nabuntis siya ng kanyang amo ay bigla nitong takasan ang responsibilidad nito sa kanya. "But don't worry, if ever you get pregnant, I'll take care of you. Your choice, really." Lalong lumakas ang pintig ng puso niya nang parang mabasa nito ang agam-agam sa isipan niya. Hindi na siya nakapagsalita nang patakbuhin ng lalaki ang sasakyan palabas ng parking lot ng ospital. Tahimik ang buong biyahe. Hindi alam ni Rian kung saan siya dadalhin nito. Hindi rin naman siya ganoon ka-pamilyar sa siyudad. Madalas kasi ay restaurant-bahay lang ang pinupuntahan niya. Hindi siya madalas magawi sa may parte ng X na puro mayayaman ang nakatira. Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang tindahan ng mga damit. At hindi 'yon basta tindahan lang o ukay-ukay. Base pa lang sa itsura ng labas niyon ay sigurado na ni Rian na mamahalin ang mga damit na itinitinda roon. Pinagbuksan si Liam ng pinto ng mga staff. Daig pa nito ang hari nang salubungin ng mga empleyado ng boutique. Sinalubong sila ng isang babae na sa tingin ni Rian ay ang manager. "What can we do for you, Mr. Astoria?" Walang kangiti-ngiti ang mga labi ni Liam nang magsalita ito. "I want to buy clothes for her," sabi nito sabay turo sa kanya. "I want a private fitting room." Mabilis silang dinala nito sa may loob na parte ng boutique. Naupo si Liam sa couch na nasa loob ng waiting area habang binitbit naman si Rian ng manager sa loob kung saan nandodoon ang mga pinakamahal na mga damit na itinitinda ng boutique. Halos mahilo si Rian sa dami ng damit na ipinasukat sa kanya ng mga staff ng boutique. Maliban doon ay kailangan niya pa na maglakad papalabas sa waiting area para ipakita iyon kay Liam. Sa bawat damit na isinusukat niya ay ramdam niya ang pagbigat ng mga titig nito sa kanya. Ang mga itim na itim na mga mata nito ay parang espada na tumatagos sa kanyang kaluluwa. 'Ni hindi niya nga dama ang lamig ng air conditioning system dahil sapat na ang mga titig nito para mag-umpisa ng mga mumunting apoy na kumakalat sa kanyang balat. Nang matapos na ang pagsusukat niya ng damit ay isinunod naman ni Liam ang mg sapatos. Buti na lang at hindi niya na kailangang maglakad nang pabalik-balik. Pagkatapos ng ilang pares ay inip na tumayo si Liam. "You know what? I'll take everything in this store that's in her size. Ipadala niyo na lang sa address namin." Napanganga ang dalaga. Seryoso ba ito? Mahinang natawa si Liam nang makita nito ang ekspresyon niya. "Why, honey? Don't you like their clothes?" "Hindi naman sa gano'n pero..." "Pero?" "Medyo mahal?" Liam chuckled. He took steps towards her, just a few inches between the two of them. His hands went on her waist and pulled her closer, catching the attention of the staffs inside the boutique. "Have you forgotten? I'm Liam Hayes Astoria. Money's not a problem." Pagkatapos magbayad ni Liam gamit ang cheque ay lumabas na sila ng tindahang iyon. Hindi niya alam kung saan ang sunod na punta nila ngunit hinayaan niya na lamang ang lalaki. Kahit naman magprotesta siya ay kailangan niya pa rin itong sundin. Ilang oras pa ang lumipas at kung saan-saang establishimento nagpunta ang dalawa. Liam took her to a spa, to a salon, went to buy her bags, underwears and nightgowns. Kulang na lang ay matuliro ang dalaga sa dami ng binili ng lalaki para sa kanya. Kulang pa ang limang milyong utang niya kung kukuwentahin ang lahat ng iyon. Nang makasakay na ulit sila ng sasakyan ay hindi mapigilan ni Rian na hindi mapasandal sa passenger's seat sa sobrang pagkahapo. Ipipikit na sana niya ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ng kanyang amo. "Don't worry about not being able to wear all of those clothes. Panigurado maisusuot mo iyon lahat. I'll tear them, anyway." "Ha?" Ngisi lang ang itinugon nito sa kanya bago nag-drive papalayo. Hindi na alam ni Rian ang daan na tinatahak nila. Sa tingin niya ay sa may labas na iyon ng siyudad dahil wala na siyang ibang matanaw maliban sa mga malalaking bahay na nakatayo na may malalaking bakuran. Ayaw nang gumana ng utak niya. 'Ni hindi niya maproseso ang mga pangyayari. Siguro ay dahil na rin sa nawindang siya sa presyo ng mga binili ng lalaki para sa kanya. Mayamaya ay papasok na sila sa isa sa mga pinakamalalaking property sa lugar na iyon. Sa loob pa lang ng kotse ay halos mamangha na si Rian sa lawak ng lupain at sa mga grass hedges nito na nakapaligid sa lugar. When they stopped in front of a huge front door with intricate carvings, Rian's mouth dropped in amazement as she laid her eyes on the huge mansion in front of her. "Welcome to your new home, Miss Cruz," 'yon ang mahinang bulong ni Liam sa kanya. He again offered his arm to her. Sabay silang akyat papunta sa loob ng mansion. And while Rian is marvelling with the interior of the house, Liam's hands started to roam around. Sabay silang nagkatitigan nang manatili iyon sa may puson ng dalaga. Marahan nitong idiniin ang kamay nito roon. As he started to caress her with his hands, Rian felt pampered. For the first time. It wasn't because of the luxury nor the house. It was because of Liam's touch. It was a mystery to her, considering that they had only spent two days together. "So, do serve me well, Miss Cruz," bulong nito bago siya nito pangkuhin at iniakyat papunta sa second floor ng mansiyon, papunta sa kuwarto nito. She almost can't breathe when Liam placed her on top of his bed. And even more when he tore off her clothes, knowing what would happen next.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD