IX

1737 Words
"Manang, ako na maghuhugas ng mga pinggan," prisinta ng dalaga sa isa sa mga maids na naglilinis ng pinagkainan niya noong gabing iyon. May bahid ng takot ang sagot ng matanda. "Naku, Ma'am Rian, huwag na. Magpahinga na po kayo." Labag man sa loob ay walang ibang nagawa ang dalaga kung hindi ang maglakad palabas ng dirty kitchen at tumuloy sa hardin. Pinagmasdan niya ang mga magagandang bulaklak na namukadkad noong buwan na iyon. Nang magsawa ay tumuloy siya sa loob ng mansiyon at pumasok sa kanyang silid. Ilang araw na rin ang lumipas simula no'ng unang tumira si Rian sa mansiyon ni Liam Hayes Astoria. Marami itong tagapagsilbi at hindi rin siya madalas lumalabas kaya naman buryong na buryong si Rian buong maghapon. Binilhan siya ni Liam ng bagong smartphone pero hindi niya pa naman kabisado kung paano gamitin iyon kaya hindi niya rin masyadong ginagamit. Maliban kay Claude na madalas niyang nakakakuwentuhan ay pansin niya na ilag ang ibang mga tagapagsilbi sa kanya, lalo na ang mga lalaki. Marahil ay inutusan ang mga ito ni Liam.   Parang nag-iibang tao ang lalaki sa paningin ni Rian tuwing gabi. Kung sa umaga ay hindi na niya ito nasisilayan paggising niya dahil maaga itong umaalis para asikasuhin ang mga negosyo nito. At kapag umuwi na ito ay bigla na lang siyang papasok sa loob ng kuwarto ng dalaga para lang pagmasdan siya buong gabi, lango sa alak. Minsan ay natutulog ito sa tabi niya. At ang mga hindi maipaliwanag na emosyong nakapinta sa mukha nito ay parang kutsilyong tumatarak sa dibdib niya. Para itong naliligaw na tupa sa gabi kapag nakikita niya itong nakatitig  sa kanya. At hindi niya maipaliwanag kung bakit nasisiyahan ang kanyang puso kapag kahit ilang sandali at nasisilayan niya itong mahimbing ang pagtulog. Ngunit ang gabing ito ay iba sa mga nakaraang mga gabi. Hindi nagtungo ang kanyang amo sa kuwarto niya. Hindi malaman ni Rian kung nakauwi na ba ito o iniiwasan siya. At mayroong kakaibang lungkot na humahaplos sa dibdib niya kapag hindi niya ito nakikita. Ang pagdating na lang nito ang kanyang hinihintay sa buong araw, hindi pa mangyayari?  Lumabas siya ng kanyang silid at naglakad sa mahabang pasilyo ng ikalawang palapag. Bumaba siya papunta sa dirty kitchen kung saang madalas nakatambay si Claude dahil ugali nito na uminom ng tsaa sa gabi. Hindi nga nagkamali ang dalaga. Inabutan niya roon ang matanda, umiinom ng tsaa habang may binabasa sa hawak nitong mga papel. Napalingon ito sa kanya nang pumasok siya sa loob ng silid.  "O, Miss Rian. Bakit gising ka pa?"  Humigpit ang kapit ni Rian sa kanyang suot na bestida. Nilunok niya ang kanyang hiya ay nagsalita. "Nasaan si Liam, Claude?"  Sandaling hindi umimik ang matanda bago sumagot. "Nasa study room. I highly suggest you to sleep now, Miss Rian. Baka magalit iyon kapag nakita ka na gising pa, dis-oras ng gabi."  Imbes na sundin ang payo ng matanda ay mabilis na tinahak ni Rian ang daan papunta sa study room. Katabi lang iyon ng kuwarto ni Liam at madalas niyang nadadaanan iyon. Minsan ay nagbabasa siya ng mga libro na nakatabi roon para matuto ng wikang Ingles. Hindi pa man nakakalapit ang dalaga sa kuwartong iyon ay narinig niya na ang tunog ng pagkabasag ng salamin. Patakbo na lumapit ang dalaga roon at binuksan ang pinto. Tumambad sa mga mata ng dalaga ang pigura ni Liam na nakayukyok sa study table nito, habang nakakalat sa lapag ang bubog mula sa basag na baso at lampshade nito. May takot man ay marahang nilapitan ng dalaga ang lalaki. Nangninginig ang mga kamay niya na marahang tinapik ang balikat nito. "Liam..." Alam ng dalaga na lango ito sa alak dahil ganoon din ang kanyang ama kapag umuuwi ito galing sa sugalan. Halos hindi na siya matingnan nito nang diretso. Inulit niya ang pagtapik sa balikat nito bago ito umungol at dahan-dahang tumayo. Napansin niya ang hawak-hawak na litrato ng lalaki. Sa tingin niya litrato iyon ng isang babae pero hindi niya iyon natingnan nang matagal dahil bigla siyang hinawakan ni Liam sa magkabilang balikat. "Vanessa?"  Vanessa? Nagulat ang dalaga nang bigla siyang yakapin ng lalaki at halikan sa noo nang paulit-ulit. Unang beses iyon na ginawa ni Liam sa kanya. Ngunit, alam niya na hindi para sa kanya ang halik at yakap na iyon kung hindi para sa babaeng nagmamay-ari ng pangalan na binigkas nito. "I... I missed you, babe... Saan ka ba nagpunta? Bakit mo na lang ako biglang iniwan? Did I do something wrong? I.... I..." "Liam..." Naramdaman ni Rian ang pagpatak ng mga luha nito sa tela ng suot niyang damit. 'Yon ang unang pagkakataon na nakita niya itong umiyak sa ilang mga araw na kasama niya ito. At base sa mga naririnig niya sa mga trabahador ng mansiyon, si Liam ang tipo ng lalaki na hindi umiiyak. Parang bato raw ito at bihira magpakita ng emosyon.  "We... we can plan for our wedding again. babe. Ikaw ang bahala kung saan mo gustong gawin... I'll even buy you the most expensive gown here in X city... Just... just don't leave me again, please..." "Liam, si Rian 'to..." mahinang bulong ng dalaga. Pilit siyang kumawala sa yakap nito ngunit parang bakal ang mga bisig nito. Ngunit sa tindi yata ng kalasingan ng lalaki ay hindi nito nauunawaan ang sinasabi ng dalaga. Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. "Huwag kang umalis, please..." pasusumamo nito. "Please tell me you won't leave me again..." "P-p-pangako..." Marahang hinaplos ng lalaki ang kanyang pisngi. Bahagya itong lumayo sa kanya at doon nga nakumpirma ni Rian na umiyak ito. Nang sapuhin ng lalaki ang baba niya ay nagrigodon ang puso ng dalaga. Napapikit si Rian. Iba talaga ang epekto ni Liam sa kanya. Nang ilapat ng lalaki ang mga labi nito sa kanya ay hindi niya dama ang dahas na palagi nitong ipinapakita sa kanya kapag inaangkin siya nito. Bagkus ay puno iyon ng pagmamahal. Ng panunuyo. Ng pangungulila. Marahan siyang inihiga ni Liam sa ibabaw ng study table. Nanlalamig na naman ang talampakan ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit may bigat na nararamdaman siya sa kanyang dibdib habang pinapakinggan ang lalaki na tawagin siya ng 'Vanessa'. Ngunit hindi siya umimik. Hinayaan niya lang ito na gawin ang kung anong gusto nitong gawin sa kanya. Mabilis na nagtanggal ng saplot ang lalaki. Ang tanging naiwan na lang na damit nito ay ang damit pang-ibaba nito. Sa bawat paghagod ng mga daliri nito sa kanyang balat ay ramdam ni Rian ang pagtaas ng temperatura ng paligid. Banayad ang paglapat ng mga labi nito na naglandas pababa, patungo sa kanyang leeg. Bahagyang napapa-ungol ang dalaga sa sensasyong idinudulot ng mga halik nito sa kanyang katawan. Parang naninibago ang dalaga nang marahang alisin ng lalaki sa pagkaka-zipper ang kanyang suot na bestida. Halos sanay na siya na palaging pinupunit nito ang kanyang saplot. Hindi malaman ng dalaga kung saan ibabaling ang atensyon, sa kanyang amo ba o sa mga kamay nitong marahang naglalandas pababa ng kanyang katawan. "Liam..." "Sabi mo sa'kin dati gusto mo ng tatlong anak, Vanessa." Mahina itong tumawa. " Kung hindi ka biglang umalis e 'di sana nakatatlo na tayo." Hindi alam ng dalaga kung maaawa ba siya sa amo o kung ano. Halatang-halata na mahal na mahal nito kung sino man ang 'Vanessa' na tinatawag nito. Na sa sobrang pagmamahal nito sa babaeng iyon ay kahit sa kanya ay iyon ang nakikita ng lalaki. Bumangon ang dalaga. Sinalubong siya ng mga nagtatakang mata ng kanyang amo. Hinawakan niya ang balikat nito at marahang iginiya papalapit sa pinto. "Liam, doon na lang tayo sa kuwarto ko," halos paanas na sabi ng dalaga. "Hindi komportable rito." Parang bata na sumunod ang lalaki. Habang naglalakad papalapit sa kuwarto niya ay rinig na rinig niya ang mabibigat na yabag nito at ang paglilikot ng mga kamay nito sa may beywang niya. Hindi pa man naisasara ng dalaga ang pinto ay siniil na siya ulit ni Liam ng halik sa labi. Bahagya niyang nalalasahan ang mapait na alak na kanina lang ay iniinom nito. Pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya. Ngunit pilit niyang ipinaalala sa sarili na parte ito ng trabaho niya at hindi siya dapat magkaroon ng kahit na anong damdamin para sa amo pero... Pucha, sino ba namang hindi hahanga dito sa amo ko? tanong ni Rian sa sarili. Maliban sa napakagandang lalaki talaga ng kanyang amo ay may kakaibang atraksyon siyang nararamdaman sa pagiging tahimik nito. At higit sa lahat, gusto niya ang ginagawa sa kanya nito, kahit na hindi naman siya sobrang maalam sa mga bagay na ganoon. Pakiramdam niya ay gabi-gabi siyang natututo ng mga bagong bagay kapag kasama niya ito. Hinayaan niya itong baklasin ang natitira niyang suot. Nalaglag iyon sa lapag habang lumilikha ng mga mumunting tunog ang mga labi nito sa kanyang dibdib. Pigil ang kanyang pag-ungol nang isinandal siya nito sa pader. Hindi na napigilan ng dalaga ang sarili na mapayakap sa leeg ni Liam nang maramdaman niya ang mga kamay nito na pababa nang pababa. Halos mabaliw siya nang paghiwalayin nito ang mga hita niya gamit ang tuhod nito. His fingers reached for her center, as his lips went back to her neck. Bahagyang napapamura ang dalaga nang mag-umpisa na naman itong maglikot. Pakiramdam niya ngayon ay siya na ang lasing dahil kumakalat ang mga mumunting init sa katawan niya. She let out a soft scream when Liam's fingers entered her. Nag-echo ang mahinang pagtawa ng lalaki sa tainga niya. "You like that, Vanessa, don't you?" Kahit na hindi siya si Vanessa ay tumango na rin ang dalaga. Just as she nodded, Liam's fingers started to move inside her. Nanginginig na humigpit ang yakap niya sa lalaki. She wanted to scream out loud but his lips are silencing her. She felt her insides throbbing as he took out his fingers off of her. It felt like torture. Napangiwi ang dalaga nang kagatin nito ang kanyang dibdib. Ngunit ang sakit ay mabilis na nawala nang halikan nito iyon. He really knew how to drive her crazy. How to make her beg for more. "I love you so much, Vanessa..." Sabay silang bumagsak sa ibabaw ng kama niya. Ngunit kahit na gising na gising ang diwa ng dalaga ay alam niyang hindi siya si Rian sa mga mata ng kanyang kasiping. At hindi niya maipaliwanag kung bakit may nararamdaman siyang kaunting kirot habang iniisip iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD