X

2076 Words
Nang magmulat ng mga mata si Liam ay ang nahihimbing na mukha ni Rian ang bumungad sa kanya. Hindi agad tumayo ang lalaki dahil dama niya ang sakit ng ulo niya. Marami na naman siyang nainom kagabi. Bahagya siyang napangisi at nagtaka nang mapansin ang nakayakap na mga braso ng dalaga sa kanya. The thought of them having s*x last night just sinked in his mind when he noticed the scattered clothes and ruffled sheets. Maliban doon ay halatang-halata ang mga mumunting marka ng kanyang mga labi sa leeg nito. Fucking hangover, sa isip-isip ni Liam habang marahang hinihilot ang sentido. He glanced at the alarm clock on the bedside table. Alas siete ng umaga. Hindi muna siya tumayo at tumitig lang sa kisame. Wala siyang matandaan sa mga nangyari kagabi. Siguro ay dulot na rin ng sobrang kalasingan. Mayamaya ay narinig niya ang mahinang pag-ungol ng katabi. Parang naalimpungatan ito. Iikot sana ito at aalis sa pagkakayakap nito sa kanya ngunit pinigilan niya ito at niyakap pabalik. Kumalma ang mukha nito. Muli, ay para itong anghel na mahimbing ang pagtulog. Liam let his eyes memorize her face. That face he's been craving to see for so long. Hindi man ito ang fiancée niya. Hindi man ito si Vanessa. Mas maigi na ito kaysa sa wala, sa isip-isip niya. Guess he can always pretend. Isa pa, he only needs her to cure his loneliness, nothing more. Hanggang doon lang. At sigurado si Liam na hindi siya mahuhulog dito. Nang humigpit ang pagkakayakap ng dalaga sa beywang niya ay pakiramdam ni Liam ay para siyang pinahihirapan. Gusto niya itong halikan muli. But he needs to control himself or else... She let out a soft moan again. Liam softly laughed. He then moved closer to her ear and whispered, "Wake up, Miss Cruz." Dahan-dahang dumilat ang dalaga. Liam was mesmerized with her brown eyes. And the way she blushed when she realized that his face is just a few inches away from her. Parang si Vanessa no'ng unang nagsiping sila. "Li-liam..." "Morning, Miss Cruz." "M-morning..." Mahina siyang tumawa. "Masarap ba ako maging unan?" Lalong namula ang pisngi ng dalaga. Mabilis nitong inalis ang pagkakayakap nito sa kanya ngunit pinigilan ni Liam ito at hinila ito papalapit. "Uh, med...medyo?" "Unan lang? How about in terms of pleasuring you? Am I good?" Parang kamatis sa sobrang pula ang dalaga. Nagpipigil ng tawa ang lalaki habang pinagmamasdan niya ang mukha nito. Tumikhim siya at dinala ang mga kamay nito sa kanyang harapan. Napasinghap ang dalaga. "S-sir..." "'Sir'?" may halong panunudyo na tanong niya. mas idiniin niya pa ang mga kamay nito sa balat niya. "L-liam..." He can feel her fingers on his length. Parang gustong murahin ni Liam ang sarili. How can he be so sexually active with someone other than Vanessa? Kaya ka nagkakagan'yan kasi magkamukha sila, tanga, paalala niya sa sarili. Pinagsawa niya ang mga mata niya sa mukha nitong namumula. Bahagya siyang napa-ungol nang maramdaman niya na hinawakan nito ang kanyang alaga. Now he wanted to regret teasing her. Pakiramdam niya ay para niyang hinigit ang kanyang paghinga nang sobrang tagal lalo na nang bitawan ng dalaga ang alaga niya. "Hindi mo na sinagot ang tanong ko." "Paano ko naman sasagutin 'yon kung..." Parang ayaw nitong ituloy ang sasabihin. "Kung?" "Kung... kung ikaw lang naman ang nakauna sa akin..." Mahinang natawa si Liam. "Remember this, Miss Cruz. No one can pleasure you more than I can. Always remember that. You belong to me now." Sinalubong siya ng mga nagtatakang mata ng dalaga. "Pero... sino si..." Hindi itinuloy ng dalaga ang sasabihin. Nais man ni Liam na mag-usisa ay hinayaan niya na lamang ito na manahimik. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya at hindi niya inakala na sasabihin niya iyon sa dalaga. He sounded possessive, which is kind of true, anyway. Tumayo ang lalaki at pinulot ang boxers at trousers niyang nakakalat sa sahig. Mabilis siyang nagbihis ng pang-ibaba kahit na ramdam niya ang bahagyang pag-ikot ng paningin. Bago siya lumabas ng silid ni Rian ay binalingan niya ito. "Magbihis ka na. Join me for breakfast." Pasipol-sipol pa siya habang pababa sa first floor ng mansiyon. Mabilis siyang sinalubong ng mga maids niya na binigyan siya ng robe at pinaupo sa mahabang dining table sa gitna ng dining room. Mayamaya ay pumasok sa Claude at naupo sa kaliwa niya. Tumikhim ito bago nagsalita. "Had a good time, son?" He scoffed. "Not really. I feel like shit." Tumawa ito. "Not really pero may bite mark sa leeg at chikinini sa may dibdib. Sinong niloko mo, Astoria?" Tsaka lang siya napatingin sa kanyang dibdib at kinapa ang leeg niya. Claude wasn't bluffing. Meron ngang mga marka na naiwan doon. "Come on, Claude. Naiingit ka lang." "Whatever, son." Nang-aasar ito na tumingin sa kanya. "At this rate, tatamaan ka na ni Kupido." "Not even in my wildest dreams." "Kuh, 'wag kang magsalita nang tapos, hijo." Inihain sa hapag ang masaganang almusal para sa kanila. Kumpleto iyon mula sa bacon hanggang sa juice at kape. Inuna ni Liam inumin ang kapeng barakong itinimpla sa kanya. Pampatanggal ng hangover. "Anong schedule ko for today, Claude?" "Balman called me. Reconsideration about the partnership." Naalala muli ni Liam ang unang beses na nagkakilala sila ni Rian. No'ng tinangka itong bastusin ng bunsong anak ni Mr. Balman sa restaurant na dating pinagtatrabahuhan nito. Humigpit ang hawak niya sa mug ng kape. "I'm not going. And, on-going na ang bidding para sa bibili ng negosyo ni Balman, hindi ba? I heard that his businesses are failing so badly. If the price is reasonable, I want you to buy it for me." Napataas ang kilay ng sekretarya. "Sigurado ka, Liam? I mean, that's—" "Sure as hell. Ano pang kailangan kong gawin?" "Nothing else. " He sipped his coffee and then took a mouthful of bacon and put it in his mouth. "I'll visit the kids today, then." Napakunot-noo si Claude. "Kids?" "You know, the Cruz' siblings." Tumango-tango ito. Pagkatapos ay nang-aasar na ngumiti. "Bakit, aakyat ka na ba ng ligaw sa Ate nila?" "Ang lakas ng imagination mo, Claude." "Hindi mo isasama si Miss Rian?" Umiling siya. "Teach her how to use her smartphone and some English lessons. And maybe some make up lessons too. Call my stylist and tell her that she needs to teach someone for the whole week." Tumikhim si Claude nang pumasok ang dalaga sa loob ng malaking dining room. Pinunasan nito ang mga labi at nginitian ang dalaga. "Good morning, Miss Rian. I presume you had a good night's sleep." Nahihiyang nag-iwas ito ng tingin. "Medyo?" Parang gustong maibuga ni Liam ang iniinom niya nang maramdaman niya ang pagsipa ni Claude sa ilalim ng lamesa. He keeps on teasing him. Ibinaba niya ang mug ng kape at sinenyasan ang dalaga na umupo sa may kanan niya. Mabilis itong tumalima at pinagsilbihan ng mga maids na naka-antabay sa may dulo ng silid. The room fell silent, aside from the clanking of utensils. Mayamaya ay tumayo si Liam at nagpunas ng bibig. Binalingan niya si Claude. "I have to go, Claude. Please take care of Rian for me." Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga sa pagdaan niya bago dumiretso sa kanyang kuwarto at mabilis na nag-shower. He took out some casual polo shirt and black trousers. Pagkatapos magbihis ay bumaba siya at sumakay sa pulang Ferrari niya. Before going to the kids' place, Liam stopped by a toy store downtown to buy some toys for the kids. Unang beses niya iyon na dadalawin ang magkapatid dahil palagi siyang busy nitong mga nakaraang araw. Besides, he's bored. He has a soft spot for kids. Maybe because he badly wanted to have one before Vanessa stood him up at the altar. That's why Liam really took some time to choose the best toys he'll give to Rian's siblings. After choosing a life-sized doll, tea set, and a remote-controlled car, he quickly rode in his car and drove towards the other side of the city. Doon nakatayo ang isa sa mga magagarang bahay na pagmamay-ari niya. Mabilis siyang pinagbuksan ng mga maids at katiwala ng gate. Hindi makita ni Liam ang mga bata sa labas kaya naman tinanong niya ang head maid na sumalubong sa kanya. "Where are the kids?" Hindi pa man ito nakakasagot ay narinig niya na ang mga maliliit na yabag patakbong lumapit sa kinatatayuan niya. He can hear the childish screams of  a girl calling for Rian. Napahinto ang batang babae nang makita na hindi niya kasama ang kapatid nito at napasimangot. "Akala ko si Ate Rian na," dismayadong sabi nito. He smiled and knelt in front of the kid. "Hi, Ronnie! Naaalala mo ba ako?" Inosenteng tinitigan siya ng mga mata nito. "Ikaw ang boyfriend ng Ate Rian ko, 'di ba?" He scoffed. "Yeah. Kind of." "Asan si Ate Rian?" He took a deep breath before answering. "Well, busy kasi si Ate Rian mo. Kaya ako na lang muna ang dumalaw sa inyo. Look, I even bought you a doll!" Nanlaki ang mga mata ng bata nang makita ang bitbit niyang manika. Mabilis na kinuha niyon ang mga laruan na binili niya at pinagmasdan iyon. Pagkatapos ay ngumiti ang bata at niyakap si Liam. He felt this weird, warm sensation in his chest. Lalo na nang marinig niya na bumulong ito sa kanya. "Thank you, Kuya Liam!" "Why don't we play with your toys inside?" sabi ni Liam bago niya binuhat ang bata at naglakad papasok ng bahay. He can't help but to imagine that Ronnie is his own kid. Nang makapasok sila sa living room ay ibinaba niya si Ronnie at tinulungan iyon na ilabas ang mga laruang binili niya mula sa mga kahon nito. He watched her as she played with the toys. Mayamaya ay napansin niya na hindi ginagalaw ng bata ang malaking manyika na binili niya. Sumalampak si Liam sa sahig at kinuha iyon. "Bakit hindi mo nilalaro ang manika mo, Ronnie? Ayaw mo ba nito?" Umiling ito. "Tinatabi ko 'yan para kapag dumalaw si Ate Rian iisipan namin siya ng pangalan," inosenteng-inosente na sagot nito. Mahinang tumawa ang lalaki. "Nami-miss mo na ba ang ate mo?" Tumango ito. "Nami-miss ko na siya, sobra. Wala na nagsusuklay ng buhok ko bago ako matulog. Tapos wala na rin nagki-kiss ng sugat ko para mawala 'yong yayay..." Tears started to stream down the kid's cheeks. Bago pa man makahuma ang lalaki ay sinalubong siya ng galit na mukha ng kapatid na lalaki ni Rian. The kid crossed his arms and stood in front of him. "Kinuha mo na nga si Ate Rian namin, pinapaiyak mo pa si Ronnie?" Sandaling naalala ni Liam ang pagkapalaban ni Rian noong inalok niya ito na maging babae niya nang makita at itsura ng kapatid nito. It was the first time he met the kid, and he guesses that he's the type that's too overprotective to his elder sister. "O, hi Randall. I'm Liam—" "Kuya Randall, bakit mo siya niaaway? Boyfriend siya ni Ate Rian," saway ng bunsong kapatid nito. "Wala akong tiwala sa'yo!" matapang na bulalas ng batang lalaki. "Kapag ikaw pinaiyak mo si Ate, lagot ka sa'kin!" Hindi mapigilan ni Liam na hindi matawa sa pagbabanta sa kanya ng bata. Pa'no ba naman, hanggang beywang niya lang ito. Medyo payat pa ito katulad ni Ronnie. He stood up, and sat on the couch again. "I don't make girls cry. That's bad." Tumayo si Ronnie at naupo sa kandungan niya. "Kuya Liam, crush ka n'yan ni Kuya Randall kaya 'yan gan'yan," sabi nito. Bayolenteng lumapit ang kanyang kapatid. "Anong crush? Hindi ko crush 'yang Bumbay na 'yan, 'no! Malay ko ba kung anong ginawa n'yan kay Ate—" "I only make her scream in pleasure, kid. Relax." Hindi niya alam kung naintindihan ba nito ang sinabi niya pero umupo ito sa tabi niya, may kaunting distansya. Nakahalukiplip pa rin ito at parang batang nagtatampo. "Don't worry, guys. Ligtas ang Ate Rian niyo. I'm taking a good care of her." "Kailan namin siya makikita?" tanong ni Ronnie. Ngumisi ang lalaki. "Depends on her performance." He cleared his throat and stood up, picking up Ronnie and giving Randall the box of the remote-controlled car. Sumalampak muli ang lalaki sa sahig at sinamahan na maglaro ang mga bata. Imagining, what if, they were really his kids. Imagining if he would've been happy like on that moment, if Vanessa didn't left him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD