Author's Note: Guys, pakinggan niyo 'yong Kapag Ako Ay Nagmahal ni Jolina Magdangal habang binabasa 'tong chapter na 'to. Enjoy reading! Naalimpungatan ang dalaga nang halikan ni Liam ang noo niya. Dahan-dahan siyang napadilat. "O, aalis ka na? Ang aga pa, a." "Something came up in the office. I'm sorry, my sweet. Hayaan mo, babawi ako." Ngumiti lang siya. "Ingat ka." Nang hagkan siyang muli nito ay hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng saya. Ilang sandali lamang ay lumabas na ito ng silid. Nang masiguro na wala na ang lalaki ay parang tinedyer na nagtititili ang dalaga habang nakatakip ang kamay sa bibig. Inabot ng kamay niya ang litrato nilang dalawa na kinuha sa mall at hinagkan iyon bago naligo. Wala siyang pasok ngayong araw na ito at balak niya sana na bisitahin ang kany

