Malapit na maghatinggabi pero gising na gising pa rin ang dalaga. Hinihintay niya ang pagdating ng pulang sasakyan ni Liam. Palaisipan pa rin ang sinabi ni Claude sa kanya kanina. Pilit na isinisiksik ng dalaga sa utak niya na hindi siya maaaring mahulog sa kanyang amo. Imposible na mahal na niya ito ganoong ilang linggo pa lamang silang nagkakasama. At lahat ng ito, sigaw ng isip niya, ay ginagawa niya lamang dahil sa utang na loob niya rito. Hindi alintana ng dalaga ang lamig ng gabi habang naghihintay sa silid ng lalaki. Humiling kasi siya kay Claude na roon na lang maghintay. Parang nakauunawa naman ito dahil pinayagan siya nito. Suot ang isang pulang bestida na may kanipisan, backless, at hanggang sa ibabaw ng kanyang mga hita, naghintay ang dalaga sa may balkonahe kung saan tana

