Rhian pov
Galit ako! Anong karapatan nyang halikan ako.
Lumayo ako sa kanya. Nandito ako ngayon sa rhian mall may private room ako dito na ako lang ang nakakaalam,
Ayaw kong mag pakita ng kahit na anong emosyon pag kasama ko sya. Ayaw kong ipakitang mahina ako
Baka lalo lang nya akong tawanan at insultuhin pag nalaman nyang ako nga si rain
Pinuntirya ko talaga ang pag kalalake nito para hindi na sya makapanlaban pa.
Sisiguraduhin kong sa larong uumpisahan ko ako ang mananalo.
Ipaparanas ko sayo ang pinaranas mong sakit sa akin.
Ikaw ang lalaking una kong minahal sa mura kong isipan. Pero ikaw din pala ang dahilan kong bakit hanggang ngayon nasasaktan ako ng ganito
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sinisiguro kong wala na syang puwang sa puso ko pero bakit ng halikan nya ako nag padala ako
Hinalikan ko sya para ipaalam na ako ang babaeng sinaktan nya, alam kong nagkaka idea na sya na ako nga si rain
Mukang madali kitang mapapaibig, sana sa pag kakataong ito hindi na ako mahulog sayo
***
Nandito ako ngayon sa daan papunta sa bahay nila mama. Habang nag lalakad napapatingin sakin ang mga tambay. At napapasipol
Nagulat na lang ako ng biglang may lumapit sa akin at alukin ba naman ako ng alak
"Miss lahat ng dumadaan dito tumatagay bago makadaan!" Sabi nito habang pasuray suray, at inabot sakin ang bote ng alak na hawak nito
Napangiwi naman ako sa itsura nito,
"Hindi po ako umiinom" magalang na sabi ko at akmang lalampasan sila ng hiklatin ng isa sa kanila ang braso ko
Kaya agad umigkis ang kamao ko sa mukha nito, sumugod din ang isa. Mabuti na lang alerto ako kaya nasalag ko ang kamay nitong tatama sana sa maganda kong mukha, sinipa ko ito dahilan ng pag katumba nya at ang isa naman ay unang tama palang ng kamao ko natumba na ayon naka dukdok na sa sahig mukang tulog na
"Sa susunod mamimili kayo ng babastusin nyo!" Galit na sabi ko
Ang iba naMan pumalakpak at nag salita
"Mga siga sa daan ang mga yan. Buti na lang nakahanap ng katapat" sabi ng babaeng nakasaksi sa ng yare
"Kawawa nga palagi yung mga anak ni pedro jan, palagi nilang hinihingan ng pang pulutan" dagdag na sabi nito
Ako naman nainis, sa mga kapatid kopa talaga kayo dumidilihensya ng pang inom nyo ahh
"Salamat po dapat po sa mga yan turuan ng leksyon" sabi ko at tinawagan ang kakilala kong pulis
"Hello mi lady" agad na bungad nito
"May ipapadampot lang sana ako" sabi ko
"Sino?" Tanong nito
Sinabi ko naman ang pangalan at kong san sya pupunta
"Okay, give me 5minutes I'm already there" sabi nito tss
"Boss wag mo naman kaming ipapulis mag babago na kami pangako" sabi ng isa sa kanila
" Oo nga diba pedring" tumango naman ang tinanong nito
"hmm mabait naman akong kausap kong lahat ng kinuha nyo sa anak ni mang pedro ay ibabalik nyo baka sakaling mapapayag nyo ako" ngiting sabi ko
Nag katitigan naman ang mga ito, at sabay sabay na tumango bago nag salita ang isa sakanila
"sige sige miss pag tatrabahuan namin para maibalik ang lahat ng mga iyon" sabi nito habang patango tango
"may alam akong trabaho" dagdag ko
"saan miss? Wala naman tumatanggap sa amin kase nga tambay kami, kahit gusto naming mag bago at mag hanap ng trabaho ayaw kaming tanggapin kase nga patapon na daw ang buhay namin" malungkot na saad ng isa
Kawawa naman pala ang mga ito, kahit gustong mag bago ayaw silang bigyan ng chance para mag bago.
"kong ipapangako nyong mag babago kayo at mag sisikap bibigyan ko kayo ng maayos na trabaho!" sabi kong muli
Ipapasok ko sila sa rhian mall, bilang taga stock ng mga kong ano. Siguro naman kaya nila iyon, sa laki ba naman ng katawan nila
"mukang malabo kaming matanggap sa trabaho!" malungkot na saad ng isa
"wag kang mawalan ng pag asa. Akong bahala sa inyo basta pag igihan nyo ang trabahong ibibigay ko sa inyo" saad ko
"sige miss saan ba kami mag tatrabaho ?" tanong ng mahaba ang balbas sa kanila
Napangiwi naman ako sa itsura nila, bale apat sila. yung isa mahaba ang buhok na mukhang adik, yung isa naman mahaba ang balbas, yung isa pa mukang di gagawa ng matino, then yung last tahimik lang at mapag masid sa paligid.
"sa rhian mall," tipid kong sagot dun sa mahaba ang buhok
Pare parehas silang nalungkot at mukang nawalan ng pag asa, mukang pati sila na apektuhan ni belo tss
"masungit ang may ari ng mall na yon ayaw kaming papasukin! Paanong doon kami mag tatrabaho nag papatawa kaba?" sarkastikong sabi ng lalaking kanina pa tahimik
Napakunot naman ako sa sinabi nito. Tss hindi naman ako masungit eto ngat bibigyan kopa sila ng trabaho, baka ang sinasabi nito ay si belo tss
" akong bahala sa inyo kaso baguhin nyo lang ang pananamit nyo para hindi matakot ang mga taong nag pupunta sa mall" sabi ko
Nalungkot naman ang isa sa kanila, kaya napakunot ang noo ko
"wala kaming pambili ng maayos na damit baguhin pa kaya!" sabi nito
"akong bahala"sabi ko ng nakangiti
" pano " sabi ng mahaba ang balbas
Nag labas ako ng pera at lahat sila nakatingin ng nakanganga. Nag bigay ako ng twenty thousand para sa pangangailangan nila
" oh eto tig 5k kayo jan siguraduhin nyong sa maayon ma pupunta ang perang yan kong hindi sa kulungan ang bagsak nyo" bantang sabi ko
Malawak naman ang pag kakangiti nila at masayang nag salita
"hoo mababago na ang buhay natin may trabaho na tayo, pangako miss beauty ibabalik namin ito paunti unti sayo!" masayang sabi ng isa
"ouh nga berto hindi na nila tayo mamaliitin kase may trabaho na tayo huhu" masayang sabi ng isa
"tama ka pare makakatulong na tayo sa pamilya natin!" dagdag ng isa
"yan ang gusto kong marinig" masayang sabi ko
Habang nag kakasiyahan sila sa pag uusap kong ano daw ba ang trabahong ibibigay ko ng biglang dumating ang polis na tinawagan ko
Nanginig naman ang tuhod nilang apat bago nag salita
"miss beauty akala ko ba ayos na tayo bakit may police dito?" malungkot na sabi nito
Kunot noong napatingin sa akin si yohan ang kakilala kong police
"okay na" i said in a cold voice
"what" he said
"i dont repeat my fvcking words" i said in a baritone voice
"okay okay pasalamat ka mahal kita" he said while smiling
"makakaalis kana" i said
"kiss ko muna" sabi nito habang nakanguso
"this One" sabi ko at inumang ang kamao ko
"gusto mo?" sabi ko
Umalis naman ito na kunot ang noo
"wow hanep miss beauty. Hindi ka lang maganda matalino kapa" sabi ng isa
"akalain mo police yun na takot sayo haha" natatawang sabi ng isa
Nalibang ako sa kanila, nawala sa isip ko na pupuntahan ko ang parents ko
"mauuna na po ako pupunta pa ako sa kanila mang pedro" paalam ko
Bumaling ako sa apat at mag salita
"Yung usapan natin, 9am bukas sa rhian mall walang ma li-late ok"
"ahh miss beauty wala sila jan nasa hospital sinugod yung asawa nya"
Bigla parang nawalan ako ng lakas. Umalis na lang ako basta ni hindi ko na nagawang mag pa alam
***
Shon pov
Nandito ako sa kotse ko nag mamasid sa paligid, base sa nakuha kong information ang mga umatake sa akin ay ang kaagaw ko sa pagiging top 1 bilang isang mafia
Ito ang isa sa dahilan kong bakit ayaw kong pumasok sa seryosong relasyon dahil maaari nilang gamiting kahinaan ko ang babaeng aking magugustuhan.
Hindi ko alam kong bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon, bigla na lang pag gising ko ako na ang humahawak sa arganisasyong ito
Maraming natutulungan ang organisanyong ito dahil ginagamit sa mabuti, ilang orphanage na ang naitayo at natulungan. Marami din nabibigyan ng tulong
"Boss mukang alam nilang nandito tayo!" Sabi ni troy ang isa sa pinag kakatiwalaan ko
"Humanda kayo papasukin natin" sabi ko
Nag handa ang lahat at nag simulang pumasok, ngunit nakasara ang malaking gate, Napakatahimik ng paligid.
Wala akong magagawa kondi pasabugin ang gate, nag simulang mag kagulo
Umalingawngaw ang putok ng baril, pag pasok namin agad naging alerto ang kalaban, nag papalitan ang putok ng mag kabilang panig
Marami na din ang nakabulagta sa sahig
Naagaw ng attention ko ang babaeng naka maskara, napaka liksi ng bawat galaw nito. Pulido ang bawat pag atake nya dahil sa ulo ang puntirya nya. Talagang walang makakaligtas sa tama nya
Tila na focus ako sa pag kilatis sa kanya,
akmang babaling ito sa akin,
Tinutok nito ang baril sa akin at kinalabit ang gatilyo hinintay kong tumama ang bala sa katawan ko dahil hindi ako nakakilos, ilang sandali pa wala akong naramdamang tama ng baril
Pag tingin ko sa likod ko may tao dun na nakabulagta sa kanya tumama ang baril ng babaeng nakamaskara
Napakabilis ng bawat galaw nito, ng makabawi sa pag kabigla ay nakipag palitan ako ng putok, ibig sabihin ka panig namin ang babaeng nakamaskara.
Kakaiba ang mga atake ng babaeng ito nakamasid ako sa bawat galaw at atake nito
Maihahalintulad ko sya sa isang agent base sa kilos at galaw nito
Napangisi ako,
Nagulat na lang ako ng sumigaw ito
"Yuko" sabi nito kaya agad kong sinunod.
Sunod sunod Naman ang pag papaputok nito sa likuran ko at pag lingon ko nakita kong may apat na lalaki ang naka bulagta doon
Kong nag kataon patay na ako tss
Unti unting lumapit ito sa kinaroroonan ko habang pinag babaril ang mga kalaban ganon din ang ginagawa ko
Ng mag kalapit na kami ay mag katalikod kami habang patuloy sa pag patay sa mga kalaban
"Kong wala ako patay kana!" She said coldly
Napaka lamig ng boses nito, kinilabutan ako sa boses nyang kasing lamig ng yelo
Unti unti ng nauubos ang mga kalaban, napatay namin ang taong gusto akong pabagsakin.
"Boss tapos na!" Sulpot na sabi ni troy pero sa kasama kong babae nakatingin
Akmang aalis na ang babae ng mabilis ang pag kilos kong lumapit sa kanya ngunit napaka alerto nito at naramdam ang prisensya ko,
Kaya imbis na tanggalin ang maskara nito ay nahuli nito ang mag kabilang kamay ko,
"Don't try to see my face. you might not like what I'm going to do to you" sabi nito
Nag babaga ang mata nitong nakatingin sa akin, yung mata nyang kulay abo naging kulay pula. Parang nakita kona dati ang mga matang yan
Napaka lamig ng awrang bumabalot sa kanya,
Tinutukan ni troy ang babaeng may hawak sa leeg ko
" Hindi mo pa nakakalabit yang baril mo patay kana! " sabi nito kay troy, at nag babaga ang matang nakatingin sa kasama ko
Nakita kong sumilay ang takot sa mata ni troy sa sinabi ng babae
"What I hate the most is when a gun is pointed at me" she said in a baritonic voice
Damn you woman, bakit ganyan ang awrang meron ka sino kaba
Ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng kagaya mo sa ilang taon ko sa pagiging mafia
Binitawan ako nito at nag simulang humakbang palayo,
Hindi pa man ito nakakalayo ng tuluyan ng tutukan ito ng baril muli ni troy
" Put down your gun, If you don't want to die first" sabi nito
Fvck paano mo nalaman na nakatutok ang baril sayo gayong nakatalikod ka
Humarap ito at nag lakad palapit sa kinaroroonan ko, naging alerto naman ang mga kasama ko sa susunod na gagawin ng babae
Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakamaskara sya fvck
gusto kong tanggalin ang maskara nito pero nauunahan ako ng takot
'damn you shon kelan kapa na takot' pagalit ko sa sarili
Unti unting lumapit ang babae sa akin hanggang sa isang dangkal na lang ang layo ng kanyang mukha sa mukha ko sh*t yung mga labi nya parang kaparehas ni..
Hindi ko naituloy ang iniisip ko ng mag salita ito
"Good job tanda" bulong nito sa tenga ko
Bigla na lang lumapat ang labi nya sa akin na lalong nag palambot ng tuhod ko, hanggang sa nag lapat ang labi namin pero agad din nyang pinutol
Tila natuod ako sa ginawa ng babaeng to, yung halik nya parang may kaparehas
Fvck parang narinig ko na yung salitang yun pero hindi ko matandaan kong kanino, damn
Hinalikan muli ako nito sa pangalawamg pag kakataon at nakarinig ako ng salitang galing sa kanya
"Bang" sHe said and pointed his gun at me
Tila natauhan ako sa salitang lumabas sa bibig nito,
Tila nag enjoy ako sa halik na ginawad nya kaya nawala ako sa sarili
" Until we meet again" sabi nito at tuluyan ng umalis
Again? Ibig sabihin mag kikita pa kami
Hindi na ako makapag hintay,
Palayo na ito ng ngumisi sya na parang demonyo, kinilabutan ako sa paraan ng pag ngisi nyang iyon fvck
"Boss marupok ka pala haha!" Pang aasar ni troy sa akin
"Ouh nga boss isang halik lang nawala kana sa wisyo haha" gatol na sabi ni Louis
"shot up you moron" inis na sabi ko
"ee boss salamat kay sexy napadali yung mission natin haha" tuwang sabi nito
Malalaman ko din kong sino ka babae