Rhian pov
Matapos kong puntahan ang pamilya ko sa hospital, tumawag si boss
Nag tataka kayo kong bakit may boss ako.
Because i am a secret agent. Tama kayo ng nabasa isa akong agent
Nag simula ito ng pag alis ko sa condo ni shon, umiiyak ako noon hindi ko alam kong saan ako pupunta. Naipon ko man ang binigay nyang pera sakin pero hindi sapat.
Pinag aral ako ni boss ZiON sya ang nag dala sakin sa US binihisan pinag aral at Habang nag aaral kami ng mga kasabayan ko tini-train nila kami sa pakikipag laban.
Hanggang sa natuto kami sa lahat ng larangan sa pakikipag laban.
Bawat missions na ibibigay samin or sa akin million ang kapalit nito, kaya ako nakapag patayo ng mall dito sa pilipinas dahil sa laki ng bayad sa amin
***
Pinaimbistigahan ko si shon, at nalaman kong isa pala syang mafia, tss naging mafia ang loko ang dali lang naman patayin
Siguro kong ordinaryong tao lang ako at hindi agent matatakot ako sa awra nito,
Dahil madilim ang awrang bumabalot sa kanya. Sanay na ako sa mga ganong awra dahil maski ako ganon din minsan
Sinadya ko talagang halikan at tawaging tanda ito nung nasa laban kami. Nagulat pa nga ako dahil nandon sya, buti na lang agad akong nakabawi
Hindi ako mahihirapang mag higanti sayo tanda ngayon alam kona kong sino at ano ang kaya mong gawin,
Hindi naman kita papatayin, ipaparanas ko lang sayo yung pinaranan mo sa akin nong mga panahong kailangan kita
Buti na lang nakilala ako ni boss zion noon kong hindi baka mahina pa rin ako hanggang ngayon
Sakay ang ducati ko binabaybay ko ang daan papunta sa hide out. Pinapatawag kami ni boss tss
Ayaw pa naman ni boss ng late hay bahala sya kong ayaw nyang mawalan ng magandang agent mag hintay sya haha
Ng makarating, agad kong pinarking ang baby ko at nag madaling umakyat
Pag pasok ko salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin haha sabi na ee
"Agent R kong hindi lang ikaw ang isa sa pinaka magaling na agent na hawak ko hindi ako mag tityagang mag hintay sayo" iritableng sabi nito haha
" Woooh Boss ngayon lang yata humaba ang sinabi mo ahh" manghang sabi ni eula sya si agent E
Ang first letter sa name namin ang code namin, alangan naman sa bakbakan isigaw ng isa ang realname namin patay na haha maaga kaming mabibisto haha
Kasama ko madalas sila agent eula and agent kaira, sila din ang naging matalik kong kaibigan. Kapatid na ang turingan namin
"Shot up" anito haha pikon
Siguro galit nanaman si ate Lira sa kanya ang init ng ulo ee haha
Tumayo si boss at may inabot kay agent E,
"Nakalagay jan ang pangalan ng mga babaeng Nawawala" anito
Napakunot ang noo ko, nawawala
"Bakit nawawala boss? nag layas ba?" Curious kong tanong
Baka kasi nag layas, mahirap hanapin ang taong ayaw mag pakita haha
"Nope! They were kidnapped" he said
"Nakalagay sa papel ang sindikatong kumuha sa kanila" dagdag na anito
Napatingin ako sa papel na hawak ko, red empire ang kumukuha sa mga babae tss
" Ee boss mag kano bayad? " Ngiting tanong ni agent eula haha pag dating sa pera talaga hindi mo yan mauutakan
"Basta pera talaga mabilis ka agent E" ani boss haha
"Malaki ang binayad sa akin 5M tatlo kayo, malaking sindikato ang kakaharapin nyo" anito kaya naman napangisi ako
Mukang mapapalaban nanaman kami ahh, masaya to
***
Shon pov
Abala ang lahat sa isang malaking pag diriwang
"Boss mayaman pala talaga ang mga Sebastian!" Manghang sabi ni troy
Makikita mo sa mga gamit at design pang malakasang party
"sa pag kakaalam ko isa sya sa mataas sa pagiging mafia" sagot ko
Kong ako mafia boss sya mafia lord, walang kaawa awang kumitil ng buhay ang isang Sebastian base na nakalap kong information,
Kapanig namin ang Sebastian iisa ang organisasyong nais ng aming samahan, ngunit ang isang to malupit.
Isa sya sa bumubuo ng black empire.
Dumadami na ang tao,
"Ladies and gentlemen's We are here to celebrate 20th anniversary. lets welcome mr zion sebastian and lira sebastian" sabi ng mc
(Pasensya diko alam kong pano ipaliwanag yan haha)
***
Lumabas si zion at kasunod nito ang asawa nya, mukang bata ba ang asawa nito base sa itsura
Kasunod ng pag labas nila ay dalawang lalake at isang babae, siguro mga anak nila yon
Kakaiba ang awra ng dalawang lalake sa likod nito mukang namana nila sa ama ang pagiging cold tss
Nag palak pakan ang mga tao sa paligid.
"First of all thank you for being present today, It was one of the happiest days of my life" zion said
Kikilabutan ka sa boses nito
Habang nag mamasid ako sa paligid may napansin ako sa entrance.
May tatlong babaeng naka all black, nanlaki ang mata ko ng isa sa kanila ay si rhian. Fvck anong ginagawa mo dito tss
Sabay sabay nag lakad papuntang stage ang mga ito at nakipag beso sa asawa ni zion
"I thought you wouldn't be able to attend" nag tatampong sabi ng asawa ni zion tss
" Hindi pwedeng mawala kami sa kasiyahang ito, baka mag tampo ang asawa mong panget! " Natatawang sabi ni rhian
Kunot noong binalingan sya ni zion ngunit hindi nakapag salita ito ng mag salita ang asawa nya
" Subukan mo lang " his wife said
" Woh boss takot ka pala ee haha" gatong na sabi ni rhian
" Sweetheart" sabi naman ni zion sa asawa
Asawa nya lang pala makakapag palambot sa isang to haha
" Happy anniversary boss sana mag tagal pa kayo" natatawang sabi ni rhian
Akmang bubunot ng baril si zion ng mag salita ang asawa nya
"don't try" bantang anito
"Ma uuna na kami boss may lakad pa kami" sabi nung mahaba ang buhok
"Leave" malamig na anito
Umirap naMan yung asawa nya tss takot pala sa asawa ang tapang sa gera pag dating sa asawa parang maamong tupa
Pag baba nila napadaan sila sa harap namin
"Bos, sexy niLa noh!" Sabi ni troy
Napatingin naman sa gawi ko si rhian habang nag lalakad, para syang modelo. Napaka ganda ng hubog ng kanyang katawan fvck
"Oh hello tanda nandito ka pala!" Ng iinis na sabi ni rhian
Huminto silang tatlo sa tapat namin
Kunot noong napatingin ako sa kanya dahil parang inaakit nya ako
" Are you seducing me?" Kunot noong tanong ko
Napangisi naman ito na parang di makapaniwala sa sinabi ko
"Dream on tanda. Kong mang aakit ako hindi sa kagaya mong matanda na " ngiting sabi nito tss
" Mukang cute ang kasama mo" sabi nito sabay kindat sa kasama ko
Damn it! Fvck pinapainit mo ang ulo ko babae
Dapat ako yun hindi ang kasama ko
"Dito muna tayo" ngising sabi ng kasama nito
"okay" rhian said at tumabi kay troy damn it!
Bakit ganito ang nararamdaman ko. Gusto kong mag wala. Gusto kong pumatay,
Hindi na ako nakapag pigil at lumapit ako sa tabi nya at hinaklit ang braso nya
"what the! Ano bang problema mo tanda?" Galit na anito
Nakatitig ako sa mga mata nito, fvck bakit ba ako nag kakaganito. Napatingin ako sa braso nito ng binawi nya, namula ito at bumakat ang kamay ko, damn nasaktan yata sya
"Layuan mo sya!" Galit kong sabi
Kunot noong tumingin ito sakin, kalaunan ay ngumisi ng nakakapang insulto
"Why would I do that? " She said in a baritonic voice
"Mukang may namamagitan sa inyo na hindi namin alam rhian!" Ani ng kasama nitong mahaba ang buhok
"Shot up eula" inis na sabi nito
Eula pala ang name ng mahaba ang buhok
Tumitig ng matalim si rhian kay eula,
"Relax! Yang tingin mong yan kilala ko yan" ani ni eula
Pati ako natakot sa titig nyang iyon kahit hindi naman ako ang tinitigan nya ng matalim
"Let's go!" galit na anito
Bago ito tuluyang umalis lumapit sakin ito at bumulong
"mag ingat ka tanda" she said in a sarcastic voice
Nag lakad na sila palabas
Habang nag lalakad sila nakakaagaw sila ng attention, pano ba naman pare parehas sila ng soot tss
"boss kakaiba ang awra ng babaeng yon parang hindi sya ordinaryong babae" troy said
"sang ayon ako don boss" ani basty
"tama ka napansin ko na din yan dati pa!" sagot ko