Parang ang bilis ng mga araw. Kailan lang pinaguusapan lang ni Bianca at Paolo ang tungkol sa paguwi nila sa Pilipinas at ngayon ito sila’t nakarating na sa bansa. Masaya naman si Bianca sa desisyon nitong umuwi dahil magkakaroon ulit siya ng pagkakataon na makita at makasama ang mga kaibigan niyang naiwan dito. Pero hindi din niya maitatangi ang nararamdamang takot at kaba dahil nasa iisang lugar na sila ng taong matagal niyang iniwasan at tinakasan. He’s a man with a lot of connections kaya naman hindi malabong makarating kay Alex ang balita tungkol sa paguwi ni Bianca at ng anak nito sa bansa. “B… Okay ka lang?” Tinignan ni Bianca si Paolo at tumango. She’s as if assuring him that she’s okay. “Oo naman!” “Sigurado ka? Parang ang lalim ng iniisip mo e.” Bianca faked a smile

