Dalawang araw na simula ng dumating si Bianca, Paolo at Lucas sa Pilipinas. From the airport dito na sila agad pumunta sa resort kung saan ikakasal si Nicole. Lucas is loving the water at maya’t-maya ang ligo nito. His skin turned a little darker dahil kahit tirik na tirik ang araw ay lulusong talaga ito sa dagat para maligo. “So… Kamusta naman kayo sa Amsterdam?” Tinanong siya ng Mommy ni Paolo na kasama niyang nakabo sa isang sun lounger na nasa beach side. “Okay naman po. Tahimik ang buhay at masaya.” “Kailan niyo balak sundan si Lucas?” Muntik ng mabulunan si Bianca sa kinakain niyang sliced pineapples ng narinig ang sinabi ng Mommy ni Paolo. “Mommy naman! Ayan tuloy. Alam mo namang hindi sanay si Bianca sa mga ganyang topic e.” Saway ni Nicole sa ina. “Bakit? Masama ba a

