(Trap) “Mabuti naman at buhay pa kayo,” usal ni Zee. “Sina Crepssin?” tanong ni Marcial. “Nakaalis sila, kasama nila iyong kapatid ni Kyle, saka iyong lalaki,” sagot ni Zee. “Si Krishmar,” dugtong ni Jessa. “Oo.” “Ha?! Kasama niya, Bebe ko?” Nanlaki ang mga mata ni Marcial sa kaniyang narinig. Napahinga ng maluwag si Kyle sa kaniyang nakita. Tila nabunutan siya ng tinik sa kaniyang dibdib. “Mabuti pa umalis na tayo rito bago pa tayo abutan ng mga Zombies,” usal ni Wang. Mabilis nga silang umayon sa sinabi ni Wang. Sabay-sabay na silang naglakad upang maghanap ng matataguan. Swerte sila at walang mga zombies sa kanilang mga dinaraanan sapagkat naipon lahat sa loob ng building. “Pagod na ako, pwede bang magpahinga na muna tayo, dito na muna tayo sa bahay na ito,” usal ni Marcial ng

