(Ang Tahanan) Dahan-dahang kinapa ni Marcial ang kaniyang tagiliran at nahawakan ang isang malamig na kamay. “Aaah!!! Ilayo niyo iyan sa akin!” sigaw ni Marcial saka tinapon iyon sa kanilang harapan. Muli ay gumalaw ito upang bumalik sa kanila. Bigla na lamang kinuha ni Marcial ang samurai kay Kyle at pinagpira-piraso ang mga kamay ng Zombie. “Walang hiya ka, papatayin mo ako sa atake sa puso, dudurugin kita ngayon! Ha! Ha? Lalaban ka?! Laban, ano?!” usal ni Marcial habang patuloy na tinataga ang kamay. “Marcial, tama na durog na oh!” sigaw ni Kyle subalit hindi tumigil si Marcial. “Hindi! Buhay pa eh. Gagalaw pa!” Tumayo ito at pinagtatadyakan ang mga pirasong paa. “Tama na! Mag-iingay ka lang eh. Hindi titigil ang mga Zombies sa labas kung mag-iingay pa tayo!” si Wang na ang sumi

