Chapter 5

1538 Words
Chapter • Five Para bang nag-eecho sa isip ko ang mga huling salitang binitiwan niya bago siya tuluyang umalis. I don't like weak people... Naibagsak ko ang sarili sa higaan saka napatitig sa puti at pulang kurtinang dekarasyon ng kama na nakakabit sa kisame. Aminado akong mahina ako. But his actions contradict his words. He's telling me he hates weak people yet I'm here, about to work for him. Be around him until God knows when. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit inalis ang mga bagay na 'yon sa isip ko. Hindi na ako pwedeng umatras pa. Binayaran na niya si Emily. Tumayo ako saka lumabas muli ng silid. Pinuntahan ko ang maid's quarters. Doon ko nahanap ang mayordomang si Mrs. Perkins. Kulay puti na ang karamihan sa kanyang buhok at may mga guhit na rin sa kanyang mukha dala ng katandaan pero mababakas na malakas pa rin siya. "Saan po ba ako pwedeng maglinis?" untag ko. Ngumiti ang matanda saka ako iginiya palabas ng maid's quarters. "Ang bilin ng Alpha ay paghilumin na muna ang sugat mo sa balikat bago ka magsimula. Kahit isang linggo, magpahinga ka na muna tutal iyon naman ang bilin ng Alpha." Kumunot ang noo ko saka nahihiyang nagkamot ng gilid ng ulo. "Pwede po bang dito na lang din ako magstay? Nakakahiya po kung doon pa ako sa magarang kwarto magsstay eh katulong na rin naman po ako rito." Mahinang natawa ang matanda. "Naku hija. Ang Alpha lamang ang pwedeng magdesisyon sa bagay na 'yan. Ang mabuti pa ay siya na lang ang kausapin mo." -- Buong maghapon ay hinintay ko si Layco na umuwi. Sa may labas ng kastilyo ako tumambay para siguradong makikita ko siya kaagad. Tumayo ako nang isang puting mini cooper ang pumarada sa harap. Tainted ang mga salamin kaya hindi ko masabi kung siya na ba ang dumating. Mayamaya'y bumukas ang pinto at lumabas ng sasakyan si Chleo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Kaagad niyang isinara ang pinto ng kanyang sasakyan saka tarantang lumapit sa akin. "Bakit ka nandito sa labas? You should go back to your room and rest. Sariwa pa ang mga sugat mo. Layco's gonna be furious if he'll see you here. Come on, I'll walk you to your room." untag niya saka hinawakan ang aking braso. "Pero Miss Chleo, gusto ko sana siyang makausap tungkol sa trabaho ko." tugon ko. Napahinto siya at kunot-noo akong tinignan. "Trabaho? What do you mean trabaho?" "Kasi po sabi niya magtatrabaho na ako para sa kanya." untag ko na lalong nagpakunot sa noo ni Chleo. Mayamaya'y napailing na lamang siya habang may ngiti sa labi. "I don't know what he's up to but don't worry. Sasabihin ko sa kanyang gusto mo siyang makausap. For now, let's get you back to your room. Hindi magandang maabutan kaniyang nakatambay sa labas. The other lycans might see you." Hindi na ako kumibo. Sumama na lang ako kay Chleo hanggang makarating kami sa kwarto. Pangalawang silid ito at katabi ng silid na pinagkuhanan ko ng box. Hindi ko na ito napansin kanina dahil sa kakatakbo ko palayo sa lalake. Pagdating namin sa silid ay naupo ako sa kama habang si Chleo ay nanatiling nakatayo at tila may tinawagan. "Where are you? Savanah's waiting for you." untag nito habang nakapamewang. "Okay, sasabihin ko na lang sa kanya." ani Chleo bago tuluyang ibinaba ang tawag saka bumaling sa akin. "Sorry, Layco's in a meeting with the council. Don't worry. He'll be home by seven." Ngumiti na lamang ako saka nagpasalamat. Nang biglang tumunog ang kanyang phone ay muli siyang bumaling sa akin. "I have to go. Please, if you need anything, just let the maids know, okay?" Tumango na lamang ako sa kanya bago siya tuluyang lumabas. Napabuga ako ng hangin nang tuluyang lumapat ang pinto. Everyone seems to treat me more than someone who owes their master a lot. This is really a weird place. Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama. Alas tres pa lang ng hapon. Sa tabi ng orasan ay may isang note tungkol sa pag-inom ng gamot. Nagsalin ako ng tubig mula sa pitsel na naroon din saka kumuha ng isang tableta ng gamot. Matapos kong mainom ang gamot ay pakiramdam ko'y tinatangay ako ng matinding antok. Humiga ako sa kama at hinayaan ang sariling makatulog. -- Naalimpungatan ako nang ilang kalabog ang narinig mula sa kabilang kwarto. Tunog ng mga gamit na tumatama sa pader at nababasag, at pagbagsak ng mabibigat na bagay sa sahig. Natataranta akong tumayo ng kama at lumabas ng silid. Hawak ko ang aking dibdib habang maingat na lumalakad palapit sa bahagyang nakaawang na pinto. Dahan-dahan akong sumilip. The whole room is in complete mess. Napakaraming bubog sa sahig at kung ano-ano pang mga wasak na gamit. Kinakabahan man, may kung anong humahatak sa akin para pumasok. Pilit akong pinipigil ng utak ko pero tila may sariling isip ang aking katawan na humakbang papasok. Sa tabi ng malaking salamin ay nakatayo siya. He's upper body is in full glory. Beads of sweat is trailing on his back. Marahas ang bawat pagtaas baba nito na tila ba malalalim ang kanyang nagiging paghinga. Sa kanyang kanang kamay ay isang bote ng alak na halos malapit nang maubos. Sinuklay niya ang kanyang may kahabaang buhok gamit ang kanyang daliri habang tinutungga ang bote ng alak hanggang sa tuluyang naubos ang laman nito. Napapitlag ako nang bigla na lamang niyang ihinagis ang bote sa pader malapit sa pinto. Pakiramdam ko'y muntik nang tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko dahil sa gulat. Mayamaya'y bigla ko na lang naramdaman ang paghablot niya sa akin. Ang likod ko'y nakakalso na sa pader habang ang magkabila kong braso ay mahigpit niyang hawak. His eyes stared at me lazily. Para bang antok na antok na ang mga ito. Ilang hibla ng kanyang buhok ang dumikit na sa kanyang pawisang noo. Nanlaki ang mata ko nang unti-unting lumapit sa aking leeg ang kanyang mukha. His hot breath fanned my bare skin. The tip of his nose started touching the sensitive part of my neck as if he's smelling me.Hindi ako makagalaw dahil sa ginagawa niya. Lalong nagwala ang dibdib ko nang maramdaman ang paglapat ng kanyang labi sa aking balat. Pakiramdam ko ay tumigil ako sa paghinga. The way he brushed his lips against my neck drives my sanity away. "S-sir L-layco..." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa panginginig nito ngunit imbis na lumayo ay lalo pang tumindi ang paghalik niya sa aking leeg paakyat sa aking panga hanggang sa tuluyan niyang narating ang aking labi. Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagtulo ng luhang hindi ko inakalang mayroon na pala kanina pa. I can taste thr alcohol in his mouth everytime his lips move to claim mine. Naramdaman ko ang pagbitiw niya sa aking braso. Ang mga kamay niya'y unti-unting pumulupot sa aking bewang. Ang isang kamay ay humawak sa aking likod. He pushed my body closer to him until there's no more space left between us. Bigla na lamang niya akong binuhat at ihiniga sa kama. He was on top of me, hungrily claiming my lips. Tuluyang kumawala sa bibig ko ang isang impit na hikbi nang maghiwalay ang aming mga labi. Bigla siyang napatitig sa akin. Kumunot ang kanyang noo at ang mata niya'y biglang nanlaki na tila natauhan. "s**t!" Napabangon siya at halatang naiinis na hinilot ang batok. "I-i'm so sorry. I thought you were Jai-- I thought you're someone else... Tss. Damn it. Ano ba kasing ginagawa mo rito?" bakas ang iritasyon sa kanyang tono. Hindi kaagad ako nakagalaw. Nanatili akong nakahiga sa kama at habol habol ang hininga. Pilit kong pinunasan ang luha ko saka bumangon. Inayos ko ang bahagyang nalislis kong damit. Nanatili ang tingin ko sa aking mga tuhod. "N-nag-alala lang po ako. B-baka kung anong nangyari s-sa inyo." nanginginig ang boses kong tugon. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago lumakad papunta sa isang pinto. Paglabas niya ay may suot na siyang pang-itaas pero hindi ko pa rin siya matignan sa mata. That was the second time he kissed me because he thought I was someone else... "Next time, don't come here uninvited. Ayokong may basta na lang pumapasok sa kwarto ko ng walang pasabi." may bahidng galit nitong sabi. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Humugot ako ng malalim na hininga saka nahihiyang tumango. Pilit kong nilakasan ang loob ko para tumayo at lumakad palabas ng pinto. Pakiramdam ko'y sasabog na ang dibdib ko. Ang mukha ko'y sobrang init na dala ng matinding hiyang nararamdaman. Ilang hakbang na lang bago ako tuluyang makalabas ay muli niyang hinawakan ang aking braso. Nadako ang tingin ko sa kanyang mga mata. Naroon pa rin ang galit pero may iba pang mababakas sa mga ito. Something I'm wasn't sure. "I-I'm so sorry... I'm not what you think I am." malungkot nitong sabi. Bumuntong hininga ako saka pilit na ngumiti bago tumango. "Naiintindihan ko po. Kung sinoman 'yong Jaimie na palagi niyong nababanggit, maswerte siya. Sana lang magkita na kayo ulit dahil alam kong siya ang dahilan kung bakit kayo nagwawala." Malungkot siyang huminga ng malalim saka binitiwan ang braso ko. Ibinaon niya ang kanyang mga palad sa bulsa ng kanyang pantalon saka tumalikod sa akin. "I'm afraid that's never gonna happen." he murmured before releasing another sigh. Kumunot ang noo ko. "Bakit naman po?" Marahas na nagtaas baba ang kanyang mga balikat. "Because Jaimie is dead..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD