Chapter • Four
Napadaing ako nang maramdaman ang pagpatong ng malamig na bimpo sa aking noo. Kasabay ng pilit kong pag-ikot sa higaan ay ang paggapang ng matinding kirot mula sa aking kanang balikat.
"I think she's finally awake..." Untag ng isang lalake. Hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko pero nararamdaman kong nasa malapit lang siya.
Ilang yapak ang umalingawngaw sa silid. Pilit kong ikinurap ang mga mata ko nang maramdaman ang paglubog ng isang parte ng kama sa aking tabi.
Naaninag ko ang isang lalakeng nakasuot ng asul na polo at itim na pantalon. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang matamang nakamasid sa akin.
"How are you feeling, Miss Savanah?" malumanay niyang tanong.
Unti-unti nang luminaw ang paningin ko. The guy sitting near me looks a couple of years older with his thick glasses. Matamis ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi.
Gusto kong sumagot pero naramdaman ko ang matinding panunuyo ng lalamunan ko. Hinawakan ko ang aking leeg saka pilit lumunok. Mukha namang napansin niya kung anong problema ko. Kaagad niyang dinampot ang baso ng tubig sa mesang katabi ng kama. Uhaw na uhaw kong nilagok ang laman nito.
Pagkalapag ko sa baso ay pinasadahan ko ng tingin ang silid. The whole room has red and gold wallpapers. Ang makakapal na kurtina ay kulay pula at puti. Napakagara ng silid maging ang mga gamit na nasa loob nito.
"You've been unconscious for two days. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong muli ng lalake. Biglang nabaling sa kanya ang atensyon ko.
"N-nasaan ako?" halos pumiyok pa ang boses ko.
"You're at the Alpha's home, Savanah. He saved you from the attack. Can't you remember that night?" malumanay nitong paliwanag.
Hindi kaagad ako nakakibo. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nangyari noong gabing iyon. Ang mga lalaki, ang pagbangga ng sasakyan, si Ethan, ang wala nang buhay na si Sophie,
ang halos muntik ko na ring pagkamatay...
Muli kong naramdaman ang paghapdi ng gilid ng aking mga mata. Muling gumapang sa sistema ko ang matinding takot.
Wala sa sarili akong umurong sa dulo ng kama at niyakap ang mga tuhod. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ako sa eksenang malapit na akong mamatay.
"No, no, no. Don't cry. Ligtas ka rito. I promise you." untag niya saka lalapit sana nang lalo akong umurong papalayo.
"Huwag kang mag-alala. Ako si Dr. Clifford. Ako ang resident doctor ng ruler family. You have nothing to worry about, Savanah. I'm here to help." untag niya saka hinawakan ang braso ko pero bigla na lamang nagbalik sa alaala ko ang paghablot sa akin ng lalaki.
Takot na takot akong nagpumiglas at tumalon pababa ng kama. Kaagad akong tumakbo palabas ng silid. Nakakabingi ang t***k ng puso ko.
"Savanah, wait!" sigaw niya pero nagpatuloy ako sa pagtakbo. Nang lingunin ko siya ay pilit niya akong hinabol.
Sa dulo ng pasilyo ay bigla na lamang akong bumangga sa isang matigas na dibdib. A familiar scent automatically lingered in my nose. Mula sa itim na shirt na suot niya, unti-unti kong inangat ang luhaan kong mga mata. His eyes narrowed at mine when he saw the traces of tears on my cheeks.
Hinawakan niya ang aking braso saka tumingin sa lalaking humahabol sa akin. Nang makalapit ang lalaki ay kaagad akong nagtago sa likod ni Layco. Damang-dama ko ang walang tigil na pagbayo ng dibdib ko.
"What happened? Why is she running away?" seryosong tanong nito sa lalaki.
Habol ang hininga, pilit na sumagot ang lalaki. "She just freaked out. I think na-trauma siya sa nangyari. That's normal. She's human. Hindi siya sanay sa mga ganoong bagay."
Nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Layco bago siya umikot paharap sa akin. Kagat-kagat ko ang isa kong daliri at pilit pinipigil ang paghikbi. Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagpatak.
The way he looks at me right now is different from the way he did two nights ago. Kung noon ay puno ng iritasyon, ngayon ay may bahid ng awa at pag-aalala ang kanyang kulay abong mga mata. Bahagya siyang yumuko sa akin. "It's alright. Come on. Let's get you something to eat." malumanay nitong sabi.
Isang hikbi ang muling kumawala sa bibig ko bago ko nagawang tumango. Muli niyang binalingan ang lalake. "Ako na munang bahala. She seems terrified with other people's presence. Tatawagan na lang ulit kita." untag nito sa lalaki. Nagbow lamang ito sa kanya.
Hinawakan niya ako sa likod saka siya nagsimulang maglakad. Wala akong nagawa kun'di ang magpatianod.
Sa dulong bahagi ng kabilang pasilyo kami dumiretso. Isa itong kusina at hindi kagaya ng ilang parte ng kastilyo, mababakas ang pagiging moderno ng kusina. Kumpleto sa gamit mula sa ref hanggang sa blender. Doon ay naabutan namin ang isang babaeng tantya ko ay nasa late thirties. Itim na itim ang kanyang buhok at payat ang pangangatawan. Kagaya ng iba ay nakasuot ito ng itim na uniporme.
Pinaupo ako ni Layco sa isang stool bago siya umupo sa stool na katabi ko.
"Give her something to eat and as for me, a bottle of beer will do." utos nito sa babae. Tumango lamang ito at ginawa na ang inutos niya.
Matapos ang ilang minuto ay may fried fish at rice na sa harap ko. Kumalam kaagad ang sikmura ko nang maamoy ang pagkain. Nahihiya kong binalingan si Layco na abalang tumungga sa kanyang beer. Nang mapansin ang pagtingin ko ay ibinaba niya ang bote sa mesa saka ako seryosong tinignan.
"Eat. I don't like people staring at me." mariin nitong sabi bago muling ibinalik ang atensyon sa iniinom.
Lumunok ako bago ibinaling ang tingin sa pagkain. Sandali kong sinulyapan ang babaeng naghanda ng pagkain para simpleng pasalamatan. Isang matipid na ngiti lamang ang naiganti niya sa akin.
Nahilot ko ang aking tiyan nang matapos akong kumain. Kaagad na nagsalin ang babae ng orange juice sa baso saka iyon ibinigay sa akin.
"Salamat po." untag ko saka kinuha ang juice.
Patapos ko nang inumin ang juice nang isang lalake ang dumating at may ibinulong kay Layco. Mayamaya'y kunot ang noo siyang bumaling sa akin. "Done?" tanong niya.
Lumunok ako bago mahinang tumango.
"Good." untag niya saka bumaba ng stool. "Tara. I think someone's here for you." dugtong niya bago tuluyang lumakad palabas ng kusina.
Natataranta kong dinampot ang pinggan ko para dalhin sa lababo at mahugasan nang pigilin ako ng babae. "Ako na pong bahala rito. Sumunod na po kayo kay Alpha bago pa siya mainis." nakangiti nitong sabi. Wala na akong nagawa kun'di ang tumango.
Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol. Masyadong malalaki ang mga hakbang na nagagawa niya dahil sa kanyang tangkad.
Sa sala ng kastilyo siya dumiretso. Kumunot ang noo ko nang makita ang likod ng isang pamilyar na babae ngunit nang lumingon siya sa direksyon namin ay nakahinga ako ng maluwag.
"Emily!" Nakangiti kong sabi bago tumakbo palapit sa kanya ngunit laking gulat ko nang isang malakas na sampal ang bigla na lamang niyang idinampi sa aking pisngi.
Puno ng takot at pagtataka kong ibinalik ang tingin sa kanya. Nagngingitngit ang mga ngipin niya sa galit. Naningkit ang kanyang mga mata nang pasadahan niya ang itsura ko.
"Dalawang araw ka nang hindi umuuwi ng walang pasabi! Akala ko pa naman trabaho ang ipinunta mo rito. Hintay kami ng hintay sayo ni Markus 'yon pala nagpapakasasa ka na rito?!" nanggagalaiti nitong ipinukpok sa ulo ko ang hawak na pamaypay.
Tuluyang tumulo ang luha ko. Palagi niya naman 'tong ginagawa pero sa pagkakataong 'to, mas nasasaktan ako.
Pinalis ko ang luha sa aking pisngi. "N-nagkakamali ka. Inata--"
"Anong akala mo sa'kin, bobo? Hoy! Ang tatay mo isinugod na naman sa ospital kahapon dahil sa sakit niya sa puso. Aba? Alangan namang ako lang ang kikilos para sa mga gastusin?!" Bumabakat na ang ugat niya sa leeg dala ng matinding galit.
Tila huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi niya. Nanlambot ang mga tuhod ko. Kaagad akong kumuha ng suporta sa likod ng upuang malapit sa akin. Nasapo ko ang aking noo. "S-si Papa? K-kamusta siya?"
Matalim akong tinignan ni Emily. "Ayon! Kailangan maoperahan. Saan naman ako kukuha ng ibabayad ko, aber?"
Muling rumagasa ang luha sa magkabila kong pisngi. Pilit kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling bumigay. Huminga ako ng malalim bago siya muling tinignan. "G-gagawa po ako ng paraan."
"Aba dapat lang!" untag niya saka humakbang para lumapit sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang aking braso saka ako kinaladkad palabas na akala mo walang nakakakita sa aming dalawa. "kaya uuwi ka nang malandi ka at magtatrabaho ka sa bar ng kaibigan ko tutal may taglay ka namang kalandian gaya ng nanay mo--"
"Enough!" umalingawngaw ang malakas at baritonong boses ni Layco sa buong lugar. Bigla kaming napahinto at napatitig sa kanya. Napakadilim ng ekspresyong nakaguhit sa kanyang mga mata. His jaw clenched in a dangerous manner as his eyes narrowed at Emily.
Mayamaya'y mabilis siyang humakbang palapit sa amin. Marahas niyang binawi ang braso kong hawak ni Emily saka siya gumitna sa amin. Puno ng pagtataka at gulat ko siyang pinagmasdan nang ipwesto niya ako sa kanyang likod.
Nanlalaki ang mga mata at halos hindk makapaniwalang tumitig si Emily kay Layco. "Salamat sa pagkupkop niyo sa malanding 'yan pero iuuwi ko na 'yan." untag niya saka ako pilit na inabot pero kaagad umatras si Layco at mahigpit na hinawakan ang aking braso.
"She's not going anywhere." mariin niyang sabi kay Emily.
Naningkit ang mata ni Emily sa narinig. Itinupi niya ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib. "At bakit ko naman 'yon hahayaang mangyari, aber?!"
"She'll work here, for me. I'll pay her triple. Name your price." seryosong sagot ni Layco.
Tila nagningning ang mga mata ni Emily. "Dalawampung libong piso kada buwan. Kaya mo ba?" nanghahamong pahayag nito.
Mahinang humalakhak si Layco. Mayamaya'y itinupi niya ang kanyang matitipunong braso. "Don't insult me. I can pay her ten times more than that. How does a hundred thousand a month sounds?"
Nanlaki ang mga mata ni Emily. Malaki ang ngisi nito nang lumapit kay Layco. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Galante ka naman pala. Deal."
Imbis tanggapin ang kamay ni Emily ay tinitigan lang ito ni Layco. "Quen! Get me my cheque book." sigaw ni Layco. Mayamaya'y pumasok sa sala ang isang lalake dala ang parker pen at cheque book. Sandaling nagsulat si Layco saka iyon iniabot kay Emily.
"That's an advance payment. Now leave before I rip your throat out."ani Layco bago tinalikuran si Emily at tamad na naupo sa sofa.
Matamis lamang na ngumiti si Emily bago ako tinalikuran. Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ang sasakyan niyang umalis.
Nabaling ang tingin ko kay Layco na seryosong nakatingin sa akin. Muli siyang tumayo at nakahalukipkip na lumapit sa akin. Napayuko ako nang ilang hakbang na lang ang naging pagitan naming dalawa. Naramdaman ko ang pag-alis ng ilang kasama namin kanina.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Why didn't you fight back? Don't you know how to defend yourself?" may bahid ng inis ang kanyang tono.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Nanatili ang titig ko sa carpet. "Hindi na kailangan. Ayoko siyang bastusin."
Mahina siyang natawa. "She doesn't deserve your respect, Savanah."
Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Tuluyang bumagsak ang mga balikat ko. "Yeah. But my father does. Mahal siya ng papa ko at kapag binastos ko si Emily, para ko na rin siyang binastos."
Muli siyang humalakhak. Ngayon, mas malakas na. "Well then your father is the most stupid man on Earth..." untag nito bago naglakad paalis.
"Wait..." I muttered before taking a glance at his back.
Tumigil siya sa paglalakad pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.
"Bakit mo ginawa 'yon?"
Hindi siya kaagad kumibo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Because you're too weak to do it yourself..." He looked at me over his shoulder. "I don't like weak people."