Chapter 13

1079 Words

MAAGANG nagising si Zairah upang mag-asikaso sa kaniyang work from home schedule. Mabuti na lang na-iuwi niya ang computer mula sa opisina at hindi pa niya alam kung paano mag-uumpisa dahil iyon ang kauna-unahang magtatrabaho siya sa bahay lang. Nasilip pa niya sa kabilang kwarto na tulog pa ang binata kaya nagmamadali na rin siyang maligo. Napaangat pa siya sa wall clock at pasado alas-sais pa lang naman nang umaga kaya kampante siya. Pagkalabas niya ng banyo, dali-dali rin siyang nagbihis. Ilang sandali pa ay tumunog ang local telephone sa side table ng kama niya. Agad niyang tinakbo ito upang sagutin ang caller. Muntik pa siyang matalisod sa pagmamadali dahil iniisip niyang baka ang binata iyon. “Hello?” sagot niya. Nagbubutones siya habang inipit niya sa kabilang tenga ang telepono.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD