MAINGAT na nilagyan niya ng bendahe ang kaliwang palad nitong may kaunting hiwa ngunit may dumadaloy pa na dugo. Naampatan na rin niya ito ng alcohol at betadine habang tahimik na namang nakikiramdam si Zack. Ang mga bubog naman at mga piraso ng nabasag na vase ay nalinis na ni Aling Lukring kanina. Nanghihinayang siya sa nabasag na halos katumbas na ng perang nakuha niya mula sa binata. Hindi niya talaga maintindihan ang mga mayayaman. Sila nga kahit platong antique na tuwing fiesta lang inilalabas oras na mabasag ay abot hanggang langit ang galit ng kaniyang ina. “Dahan-dahan,” wika nito sa kaniya. “Dahan-dahan? Halos patayin mo na nga ang sarili mo tapos sasabihin mong dahan-dahan!” inis niyang tugon dito. “Wala ka ng pakialam doon. Magbabasag ako ng gusto ko!” Nag-uumpisa na naman

