MAAGANG nagising si Zairah upang mag-asikaso papasok sa kaniyang trabaho. Mabuti na lang at may ipinahiram na damit sa kaniya ang binata kaya hindi na siya dadaan ng kaniyang boarding house. Nag-iwan na rin siya ng note para kay Zack sa side table nito. Hindi nito nilo-lock ang connecting door upang agad siyang makapasok. Nakita niyang mahimbing pa ang tulog nito kaya marahan lamang ang kaniyang hakbang. Gwapo pala kapag tulog. Pero kapag gising naman, ang sungit! Napailing siya saka niya nakitang nasa ibaba na ng tuhod nito ang comforter. Naiinis siya sa sarili niya ngunit nang maalala niya ang sitwasyon nito at mga pinagdadaanan, dinudurog ang puso niya. Mabilis lang siyang maawa sa mga bagay na tulad sa kalagayan ni Zack. Marahan niyang ini-angat ang comforter upang kumutan ang buong

