PASADO alas-nuebe na ng gabi at nasa pool side pa rin sila. Nakailang baso na rin siya ng wine na iniinom nila at ramdam na niyang bumibigat na ang talukap niya sa mga mata habang nakasandal siya sa pool chair kasama ni Raven. Nasa gitna nila ang mga alak at pulutan habang hindi pa rin nauubusan ng kwento ang binata sa kaniya. “May girlfriend ka ba, Attorney?” lakas-loob niyang tanong dito. Nilagok muna nito ang laman ng basong hawak saka nito sinagot ang tanong niya. “I have—before.” “Marami ka ng na-ikuwento sa akin ngunit hindi mo pa na-ikuwento ang tungkol sa love life mo. Sorry kung naglakas-loob na akong nagtanong sa'yo. Pero kung hindi mo naman ito sasagutin ay ayos lang.” “It's okay. It's been two years na rin naman kaya ayos lang.” Tumingala ito. “She's a sweet woman wearing a

