HAPON na ngunit hindi pa rin bumababa sina Zack at ang bisita nito. Nagpahatid lang ito ng pagkain sa itaas kaya hindi naman siya nito tinawag. Sina Aling Lukring, Ann at Fe lang ang pumapanhik sa second floor. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya nito kailangan. Pero ayos lang, mas mainam na rin. Nakapagpalit na rin siya ng damit dahil tapos na ang kaniyang trabaho. Ilang sandali pa ay tumunog ang cell phone. Sakto naman naroon siya malapit sa kaniyang computer table at nakapatong lang ang cell phone niya roon. Sinipat pa niya ang caller sa screen at nakalagay doon ang number ni Raven. Tumatawag si Attorney? Bakit kaya? Dinampot niya ito at sinagot. Hindi pa siya nakapagsalita ay inunahan na siya ng binata. “Nandito ako sa sala sa baba. Magbihis ka at may pupuntahan tayo.” “H

