NABULABOG NAMAN SI Geoff mula sa pagkakatulog ng mamutawi ang ingay ng doorbell niya sa pinto. Sunod-sunod na doorbell 'yon kaya bumangon siya. Pinagbuksan niya ang taong nasa labas at nagulat siya ng bumungad si William. Hinawi siya nito kaya sandali na natigilan siya.
"Yuka!"
Sumunod siya rito at agad na pinigilan ng ambang papasok na ito sa kwarto niya.
"William, natutulog na si Yuka. Bukas na lang."
Napaatras siya ng hawiin nito ang kamay niya at hinarap siya.
"Iuuwi ko na si Yuka. Nasa iyo lang pala pero hindi mo man lang magawang ihatid agad."
"Oo, ihahatid ko sana siya, pero siya mismo ang may sabi na sasamahan niya ako rito at dito siya matutulog."
Nakita niyang sumama ang timpla ng mukha nito at tumalikod muli para kunin si Yuka pero pinigilan niya muli ito. Nabigla siya ng harapin siya nito at sinapak kaya napaatras siya at muntik ng matumba.
"'Wag na 'wag mo akong pipigilan. Asawa ko siya at karapatan ko kung iuuwi ko siya o hindi."
Umayos siya ng tayo at hinarap ito, "Ako naman dapat ang magiging asawa niya, kung hindi mo lang ako inunahan. Alam mo, wala ka sa lugar magselos. Wala naman akong gagawing masama sa kanya para maging ganyan ang reaksyon mo tila hindi mo ako pinagkakatiwalaan kay Yuka."
"Wala nga ba akong dapat ikaselos, ha?" Hindi siya makasagot kaya ngumisi ito, "Geoff, lalake ako, kaya alam ko kung may gusto ka o wala sa asawa ko. Sana malaman mo rin, kung kailan ka dapat dumistansya kung alam mong may asawa na."
Tinalikuran siya na nito kaya naiwan siyang sumama ang tingin kay William.
AGAD NA PUMASOK si William sa kwarto ni Geoff at nakita niya si Yuka doon na natutulog. Agad na nilapitan niya ito at napahinto ng makitang suot pa nito ang damit ni Geoff. Binuhat niya ito kaya nagising ito at napakusot ng mata.
"William!"
Agad na niyakap siya nito sa leeg kaya binaba niya ito at niyakap pabalik..
"Huhuhu.. Hanap mo ako."
"Of course hahanapin talaga kita." umalis siya ng yakap rito at tinignan ito, "Ano bang pumasok sa kokote mo at umalis ka ng bahay, ha?"
Pinitik niya ito sa noo kaya napasimangot ito na kinangiti niya.
"Aray ko po! Huhu.. Bad ka!"
"Sorry." hinalikan niya ito sa noo kaya napatigil ito.
"Ay! Si Doc Pogi?"
Napatigil siya pero agad na pinigilan niya ito ng ambang pupuntahan si Geoff. Hinawakan niya ito sa mukha at hinalikan sa labi kaya napatigil ito.
"I-Ihhh!"
Napabitaw siya ng umiwas ito.
"Bakit mo ako kiss?"
Pinisil niya ang pisngi nito, "Dahil na-miss kita. Tara na nga."
Hinawakan niya ito kamay para hatakin na ngunit huminto siya at tinignan ang suot nito.
"Nasaan ang mga damit mo?"
Napaisip ito, "Hindi ko alam. Si Doc Pogi pabihis ako, e, tapos kuha niya damit ko," napatiim-bagang siya, "Hala! Bakit ka galit? Galit ka sa akin?" umiling-iling ito, "'wag ka na galit. Hmp! Pangit naman damit ko, e. Ganda nito." turo pa nito sa damit ni Geoff.
"Iniinis mo ba ako?" galit na sabi niya na kinalaki ng mata nito.
"H-hindi.. Kala ko galit ka damit ko, e. Galit ka din damit Doc Pogi?"
"Oo. Ayokong suot mo 'yan."
Napatakip naman ito ng katawan akala mo hubad, "Huhuhu. . . Ayoko uwi hubad."
Ngumisi naman siya, "Hindi ngayon, mamaya." namula ito kaya lalo siyang ngumisi, "tara na nga."
Hinawakan niya ito sa kamay at hinila na palabas ng kwarto ni Geoff. Nakita niya si Geoff na nakaupo sa sofa at napatingin sa kanila.
"Salamat at ikaw ang nakakuha sa kanya. Aalis na kami."
Tumango ito.
"Doc Pogi, 'wag ka na po lungkot, ha?"
Ngumiti si Geoff at tumango bago tumayo, "Oo naman. Salamat, Yuka."
Napatikhim siya kaya napatigil si Yuka sa paghagikhik. Tinanguan niya lang si Geoff at hinila si Yuka paalis ng condo nito.
-
"KUMAIN AKO LUTO ni Doc Pogi. Ang sarap. Gusto ko ulit kumain, e, aya mo agad ako."
Tumingin si William kay Yuka habang nagmamaneho pauwi.
"So, ayaw mo umuwi dahil gusto mo pang kumain ng luto niya, ha?"
Napanguso ito, "Bakit galit ka ulit?" umiling ito agad, "hindi ko gusto luto Doc Pogi."
Napaangat ang sulok ng labi niya, "Nagseselos ako. Paano ang gagawin mo?"
"Nagseselos ka?" muntik na siyang matawa dahil galit ang tono nito, "m-may gusto ka kay Doc Pogi?"
Napapreno siya dahil sa sinabi nito. Tinignan niya ito at bigla siyang natawa.
"Ano na naman ba lumilipad sa utak mo, ha?" pinitik niya ito sa noo kaya lalong humaba ang nguso nito.
"Huhu.. Lagi mo ako pitik. Susumbong na talaga kita kay Daddy!"
"Wala akong gusto do'n."
Napatigil ito sa paghimas sa noo nito, "Wala? Bakit nagseselos ka?"
Ngumiti siya at tumitig rito, "Kasi, ikaw ang gusto at mahal ko. Nagseselos ako kasi binibida mo si Geoff."
Napangiti ito, "Yehey! Akala ko gusto mo si Doc Pogi."
Natawa siya at ginulo ang buhok nito. Muli na siyang nagmaneho pauwi sa mansion at pagkauwi nila ay agad na tumakbo si Yuka kay Yaya Pen.
"Huhu. . . Yaya, wala ako. Hindi na ulit ako layas, promise."
"Bakit ka nga ba umalis ng mansion? 'Di ba kabilin-bilinan ko na hindi ka lalabas ng gate ng walang kasama?"
Ngumuso si Yuka, "E, may kasama po kaya ako. 'Yung kumiss po palagi kay William sa t.v. Sabi po niya laro kami. Tapos po pasunod niya ako hanggang dating kami sa broom-broom. Tapos sakay ako sa broom-broom pero iwan ko si Ate kasi sara agad pinto. Takot ako, Yaya. Daming tao tapos hindi ko alam uwi bahay."
Habang kinukwento ni Yuka 'yon ay nagkatinginan si Yaya Pen, William, at si Inspector Richoa na nandoon na pagkarating nila.
"Yaya Pen, kayo ho munang bahala kay Yuka. May pagbabayarin lang ako." matigas na sabi ni William.
"Oo, Hijo. Patutulugin ko na si Yuka."
Tumango si William at inaya si Inspector Richoa.
"Yaya, saan po punta si William? Bakit hindi niya ako sama?"
Humarap naman si Pen kay Yuka at kinurot ang alaga sa singit.
"Aba't! Nais mo pang lumayas, ha?"
"Yaya! Bakit kurot niyo po ako?" nagpapadyak na tanong nito habang umiiwas sa kurot niya.
"Dapat lang na kurutin kita dahil napakalayas mo. Simula ngayon ay hindi ka aalis sa tabi ko, maliwanag?"
Napanguso si Yuka pero inakay na ito ni Pen sa kwarto nito para linisan at patulugin na.
-
SA LABAS NAMAN nag-usap sina William at Inspector Rochoa. Para walang makarinig sa sasabihin ni William.
"Alam ko na si Priyanka ang tinutukoy ni Yuka. Imbestigahan mo siya at kapag totoo ang hinala ko ay gusto ko siyang ipakulong dahil kidnaping ang ginawa niya kay Yuka."
"Kung ganoon ay aalis na ako. Bukas na bukas rin ay may resulta na ako sa pinag-uutos mo."
Tumango siya at nakipagkamay sa inspector. Pagkaalis nito ay pumasok na siya ng bahay at sa kwarto nila siya agad nagtungo. Nakita niya si Yaya Pen na pinapatulog si Yuka.
"Anong napag-usapan niyo?"
Tumayo si Pen mula sa pagkakaupo sa kama ni Yuka. Mahina lamang siyang nagsalita upang hindi magising si Yuka.
"Papatunayan ho muna kung totoo ang hinala ko ayon sa sinabi ni Yuka na kumidnap sa kanya. Oras po na mapatunayan ay hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong siya."
Napatango si Pen, "Sana nga ay maparusahan ang nagdala kay Yuka sa kawalan. Mabuti na lamang at nakita siya ng anak ko, kung hindi ay baka hanggang ngayon ay hindi pa natin nahahanap si Yuka."
Tumango siya dahil tama naman ito na malaki ang tulong na nagawa ni Geoff sa kanila. Hindi lang niya maiwasang magselos dahil malapit sa doctor ang asawa niya.
"Sige na, magpahinga ka na rin at alam kong wala ka pang pahinga mula pa kanina. Pero bantayan mo pa rin si Yuka at baka mawala na naman."
Tumango siya rito, "Salamat ho."
Ngumiti at tumango ito bago nilisan ang kanilang kwarto. Pagod na naupo naman siya sa kama at hinubad ang sapatos at medyas. Pagkatapos ay tumayo siya at hinubad rin ang damit at pantalon, naiwan na lamang ang boxer short. Inaantok na rin siya kaya hindi na niya magawang mag-shower. Tumabi siya kay Yuka at yumakap rito.
"Na-miss ko ang Honey ko." hinalikan niya ang pisngi nito na gigil na gigil. Hinawi nito ang mukha niya kaya natawa siya at sinilip ito. Nakasimangot ito tila banas na banas sa ginagawa niyang pang iistorbo rito.
Napangiti siya at siniksik ang mukha sa leeg nito bago siya pumikit. At least ngayon ay wala ng mabigat sa dibdib niya dahil sa pag-aalala nang mawala ito. Sisiguraduhin niyang mas do-double-hin ang pagbabantay para hindi na muling mawala ito.
To be continued...