"NASAAN SI YUKA?!"
Halos magwala si William habang tinatanong ang mga security guards. Pagbalik niya ay wala na siyang naabutan na Yuka sa garden. Halos halughugin na nila ang buong mansyon pero wala ito. Naiwan si Riri at Liliy sa garden kaya malakas ang loob niya na nawawala si Yuka, lalo't natagpuan nilang bukas ang gate.
"Sir, nakita po namin sa cctv na may umaya sa kanya na isang babae na may balabal na scarf sa ulo niya. Hindi ho kita sa cctv ang itsura kasi tila alam niya kung nasaan ang mga cctv."
Napasabunot sa buhok si William habang hindi mapakali. Para siyang masisiraan ng ulo sa pag-aalala kay Yuka.
"William, ano nang gagawin natin? Baka mapano si Yuka kung lumabas nga siya ng mansion at sumama doon sa babae? Diyos ko, baka maulit muli ang nangyari sa kanya."
Napaiyak naman si Yaya Pen sa sobrang nerbyos at pag-aalala kay Yuka. Ayaw na nilang danasin muli ni Yuka ang nangyari rito noon.
"Tatawag ako sa private investigator ko. At review-hin niyo muli ang cctv at baka may makita na sa mukha ng babae. Walang titigil sa paghahanap hangga't hindi nakikita si Yuka."
Nang magtanguan ang lahat ay agad na umalis si William para puntahan ang private investigator niya na friend ni Charlie. Halos napakadiin ng hawak niya sa manibela sa sobrang inis at pag-aalala kay Yuka. Naiinis siya dahil kung hindi niya iniwan ito sa labas ay baka nasa tabi pa niya ito. At nag-aalala siya dahil sari-saring esksena ang lumalabas sa isip niya. Tama si Yaya Pen, hindi maaalis sa isip nila na baka mangyari muli ang nangyari rito noon. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili oras na may mangyaring masama rito.
Sa office ni Charlie siya nagpunta. Nagulat ito sa pagdalaw niya dahil wala naman siyang schedule ngayong araw dahil kakatapos lang ng awarding.
"Oh, William, anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ay sa bahay ka lang para makasama ang asawa mo?"
Lumapit siya sa sofa at naupo, "Nawawala si Yuka. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung sino ang umaya sa kanya na babae. Hindi ko alam ang gagawin, Charlie. Nag-aalala ako kay Yuka."
Napahilamos siya ng mukha dahil hindi siya mapakali kahit nakaupo na.
"Gusto mong ipahanap siya kay Private investigator Rochoa?"
Tumingin siya rito, "Please, Charlie. I need his help. Please tell him to find her as soon as possible."
"I'll try to call him. Sa gaya ni Inspector ay baka busy siya sa dami palagi ng client niya."
Tumawag si Charlie kay Jay Rochoa. Ilang sandali lang ay sinagot din nito.
[Inspector Rochoa speaking.]
"Sir, 'yung alaga ko ay may nais na ipahanap sa 'yo." panimula ni Charlie.
Tumayo si William at lumapit kay Charlie. Hiningi niya ang cellphone nito kaya binigay naman ni Charlie. Tinapat ni William ang cellphone sa tainga para makausap si Inspector.
"Sir, this is William Dela Torre. Do you remember me?"
Tumawa ito, [Of course. Sino ba hindi nakakakilala sa isang William Dela Torre. Maging teenager kong anak ay iniidolo ka."]
Napangiti naman siya pero agad na bumalik sa seryoso ang mukha niya.
"Sir, gusto kong ipahanap sa inyo ang asawa ko. Si Yuka Laxamana Dela Torre."
[Okay. Bigay mo sa akin lahat ng detalye na kailangan ko.]
"Okay, Sir. Please, pakihanap agad siya bago pa dumilim. She's a special girl."
[I will.]
Binigay niya lahat ng detalye na kailangan nito. At kahit na tumawag na siya at hihintayin na lang ang resulta ng paghahanap nito ay hindi pa rin siya mapakali. Tumawag din siya sa mansion para i-update agad siya kung makabalik si Yuka. At sinabihan din niya ang lahat na 'wag na 'wag sasabihin kay Sir Eduardo ang pagkawala ni Yuka. Nasa amerika ito para mag-undergo na sa operation. Ayaw niya na mag-alala ito. At ayaw niya rin malaman nito na pumalpak siya sa pagbabantay kay Yuka.
Nasa opisina lamang siya ni Charlie para hintayin ang balita ni Inspector. Sana ay mahanap agad si Yuka, dahil kapag lumipas pa ang araw at gabi na hindi nakikita si Yuka ay siya na mismo ang susuyod sa buong lugar para lamang mahanap ang asawa.
-
IYAK NG IYAK si Yuka sa isang lugar kung saan siya bumaba. Hindi niya alam o hindi siya pamilyar dahil ngayon lang naman siya napunta sa lugar na walang kasama. Sanay siya na si William ang parati niyang kasama kahit saan siya magpunta.
"William, Daddy, Yaya Pen, huhuhu, gusto ko na uwi. Ayaw ko na dito."
Gutom na gutom na din siya dahil hindi pa siya nanananghalian. Lumalapit siya sa mga tao pero hindi siya pinapansin.
"Yuka! Yuka!"
Hinanap niya ang tumatawag sa kanya at lalo siyang napaiyak ng makilala kung sino 'yon.
"Doc! Huhuhu.." agad na tumakbo siya palapit dito at yumakap rito.
"Anong ginagawa mo rito? Sino ang kasama mo? Bakit mag-isa ka lang at umiiyak?"
Gulat na gulat si Geoff dahil hindi niya akalain na makikita niya sa train station si Yuka. Galing siya ng hospital dahil may inoperahan siya. May dala siyang sasakyan pero nasiraan siya kaya pinadala niya sa talyer pero malabong magawa agad dahil malaki ang sira. Galing siyang Manila Medical Center kaya sasakay siya patungong pasay. Ang hindi niya maunawaan paanong nakapunta dito sa U.N Avenue si Yuka.
"Babae... 'Yung kumiss kay William. Aya niya ako sabi laro daw kami. Tapos aya niya ako sakay dito, kaso iwan siya kasi sara na pinto.. Huhu.. Gusto ko na uwi. Gutom pa ako."
Tila naman nahabag siya sa nangyari rito. Mabuti at nakita niya ito. Tiyak na nag-aalala na ang nanay niya kung nawawala si Yuka.
"Okay. Kakain muna tayo, bago ka umuwi."
Humihikbi na tumango ito habang nakayakap sa kanya, kaya hinaplos niya ang buhok nito at napahinga siya ng malalim.
INUWI NI GEOFF si Yuka sa condo unit niya. Pinahiram din niya ito ng damit dahil narumihan na din ang damit nito.
"Maupo ka muna d'yan at maghahanda lang ako ng pagkain mo."
"Okay po." naupo ito sa sofa ng maayos kaya ngumiti siya at iniwan na ito.
Pinagluto niya ito ng alam niyang favorite nito. Ngayon lang siya ulit nakapagluto ng marami at pagkaing tao dahil kay Yuka. Minsan kasi ay umo-order lang siya dahil siya lang naman mag-isa sa condo niya na kumakain.
Marami siyang niluto kaya napatagal siya. Nang ayos na ay nilapag niya lahat sa lamesa at nang matapos ay inalis na niya ang apron sa katawan at lumabas ng kitchen para puntahan si Yuka.
Tatawagin niya sana ito ngunit napatigil siya ng makitang nakahiga ito sa sofa at nakatulog na. Nilapitan niya ito at lumuhod siya para mas makita ang mukha nito. Hindi niya mapigilang haplusin ang mukha nito dahil para itong anghel na natutulog.
"Hindi ka dapat hinahayaan nila William na mag-isa. Mabuti na lang at ako ang nakakita sa 'yo. Kung sana ako ang pinakasal sa 'yo, baka iba pa ang mangyari."
Tumayo siya at kumuha ng kumot. Kinumutan niya ito at naupo siya sa single sofa at pinagmasdan lamang ito habang natutulog.
Hindi niya mapigilang mapangiti ng kumikislot-kislot ang ilong nito tila may inaamoy. Napapakibot din ang mga labi nito tila nakakapanaginip na kumakain.
"Yuka, gising.."
Napadilat ito at napakusot ng mata. Bumangon ito at napahawak sa tiyan ng kumalam iyon ng malakas.
"Gutom ako."
Napangiti siya. Kaya ginising niya ito ay baka nga gutom na gutom na ito. Ayaw man niyang istorbohin ito sa pagkakatulog ay mas mainam na makakain ito dahil baka magkasakit pa ito.
"Nakapagluto na ako, kaya kain na tayo." aya niya rito.
"Yehey! Kakain na ako. Hmm, ang bango ata luto mo po. Takam ako."
Natawa siya na inakay ito sa kusina niya. Pagkakita sa mga pagkaing nakahain ay nanlalaki ang mga mata nito at tila nangislap sa tuwa.
"Wow! Favorite ko po lahat 'yan. Bili niyo po 'yan sa mcdo? Kasi William lagi ako bili ng ganyan, e."
Mapait na ngumiti siya dahil si William ang naisip nito sa niluto niya.
"Ako mismo ang nagluto n'yan. Kaya tiyak akong mas magugustuhan mo 'yan kesa sa mga binibili ni William."
Napatango ito at ngumuso, "Pwede na po ba ako maupo at kumain? May umiingay po kasi sa tiyan ko. Sabi Yaya Pen, kapag may maingay sa tiyan ko ay may monster daw po sa loob. Kaya 'pag hindi ako kain ay lalabas monster."
Natawa siya dahil grabe pala takutin ng nanay niya si Yuka. Hindi niya alam na may pagkapilya din ang nanay niya.
"Sige na, kumain ka na."
"Yehey!"
Excited na naupo ito kaya nakangiti na naupo na rin siya habang kaharap ito. Pinaglagyan niya ito ng spaghetti sa plato. Napansin naman niya na hindi pa nito ginagalaw agad ang pagkain.
"Oh, ayaw mo ba?"
Ngumiti ito at umiling, "Pray po muna tayo. Sabi po William, pray muna po bago eat."
Tumango siya at hinayaan ito na ito ang mag-lead ng prayer.
"Papa Jesus, thank you po kasi si Doc Pogi po nakita ko. Takot na takot po ako kasi wala ako. Tapos pakainin pa ako Doc Pogi ng food niya. Ang bait niya po, no? Siya na po pinaka the best Doctor---sabi po 'yan ni Yaya Pen."
Hindi niya mapigilang matawa. Buong akala niya opinion nito 'yon, sabi lang pala ng nanay niya.
"Ano pong nakakatawa?"
Tumingin siya rito at tapos na itong magdasal. Umiling siya habang nakangiti.
"Wala. Kumain ka na."
Excited na tumango ito at agad na kinain ang spaghetti niya. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito na kinatawa niya.
"Wow! Ang yummy po ng spaghetti niyo. Saan niyo po binili ito? Sasabihin ko po kay William doon na din bumili."
Nawala ang tawa niya at tipid na ngumiti siya, "Yuka, pwede bang 'wag na kitang ibalik kay William?"
"Po?" napaisip ito at agad na umiling, "Hehe.. Hindi po niyo ako ibabalik kay William? Naku, hahanapin po ako no'n, Doc Pogi. 'Pag po nawala ako ay ganito itsura niya," nag-angry reaction ito sabay na napahagikhik sa ginawa, "saka miss ko na si William."
Tumango siya at tipid na ngumiti, "Sige, kumain ka nang marami at ihahatid kita pauwi."
Tumango ito at nilantakan na ang pagkain nito. Nagkaroon siya ng inggit kay William. Dahil may Yuka ito na naghahanap at kabisado ang bawat ginagawa ng mga ito araw-araw. Hindi niya naranasan ang ganoon. Puro sa trabaho sa hospital ang inaatupag niya at hindi kailanman siya naging interesado sa mga babae kahit may mga nagpapahiwatig.
Naiinggit siya kay William dahil may Yuka ito. Siya dapat ang nasa posisyon ni William kung hindi lang siya inunahan nito na pakasalan si Yuka. Unang pagkakakilala pa lang niya kay Yuka ay gusto na niyang akuin ang responsibilidad na alagaan ito.
"Bakit po kayo sad? Ayaw niyo po ba sa luto niyo?"
Nawala siya sa iniisip at napatingin rito. Tapos na pala itong kumain habang siya ay hindi niya namalayan na pinaglalaruan pala niya ang pagkain niya.
Ngumiti siya at umiling, "Wala. Nalulungkot lang ako kasi mag-isa ako rito."
Nakita niyang napanguso ito, "Sad po pala kayo kasi wala kayong kasama."
"Pero ayos lang, sanay naman ako. Sige na, tapusin mo na 'yan para maihatid na kita."
Nakita niyang napaisip ito at biglang ngumiti tila may naisip ng solusyon.
"Alam ko na po.. Sasamahan ko muna kayo tapos po kapag hindi na kayo sad ay uuwi na po ako."
Napangiti naman siya, "Talaga? Sasamahan mo ako?"
Tumango ito, "Opo. Sabi po kasi Yaya Pen, kapag sad daw po isang tao dapat daw po samahan. Kaya sasamahan ko po kayo para hindi ka na sad."
Hindi niya mapigilang magpasalamat sa ina dahil sa tinuro nito kay Yuka ay naging way pa para naman makasama niya si Yuka kahit ngayong gabi lang.
Kaya pagkatapos kumain at makapagpahinga ay sinabihan niya si Yuka na matulog na sa kwarto niya. Hinintay niyang makatulog ito bago siya lumabas ng kwarto dala ang isang unan at kumot. Bago siya matulog ay tinawagan niya ang nanay niya.
"Oh, Anak, napatawag ka?"
"Nay, sasabihin ko lang po na nandito sa condo ko si Yuka."
"Dios mio! Nand'yan lang pala ang batang 'yan. Sige, papasundo ko na kay William. Kanina pa namin hinahanap 'yan."
"Nay, dito po muna daw siya matutulog. Pangako, bukas ay ihahatid ko siya d'yan."
"Pero, Anak, kanina pa nag-aalala si William at kanina pa naghahanap kay Yuka."
"Please, Nay, sabihin niyo na ihahatid ko naman bukas. Natutulog na rin si Yuka."
Sandaling hindi nakapagsalita ang Nanay niya at narinig niya ang paghinga nito ng malalim.
"Sige.. Ingatan mo lang at bantayan baka mawala na naman. Sasabihin ko na lang kay William.."
Napangiti siya, "Salamat, Nay."
Binaba na niya ang tawag at nahiga na siya para makatulog.
-
"ANO PONG SASABIHIN niyo sa akin, Yaya Pen?"
Napaidtad si Pen sa gulat ng may nagsalita sa likod niya. Napahawak sa dibdib na humarap siya kay William na halata ang pagod sa mukha.
"Hijo, 'wag mo nang hanapin si Yuka. Nasa maayos na lagay siya."
"Alam niyo na po kung nasaan si Yuka? Nasaan siya?"
Kakauwi lang ni William at halos wala pa siyang kain dahil talagang hinanap niya si Yuka buong magdamag, pero wala siyang napala. Gusto niyang manghina sa sobrang pag-aalala dahil hindi niya makita ang asawa. Pero nang marinig kay Yaya Pen ang balitang nakita na si Yuka ay parang bumalik ang sigla niya at lahat ng pagod at gutom ay nawala.
"Na kay Geoff. Pinakiusapan niya ako na doon muna si Yuka dahil nakatulog na din daw si Yuka. Kaya sinabi ko na bukas na bukas ay ihatid niya si Yuka."
Para namang biglang uminit ang ulo ni William ng malaman na kay Geoff si Yuka at hindi man lang hinatid sa mansion, gayong alam nitong nawawala ito.
"Hindi, Yaya Pen. Pasensya na po pero susunduin ko rin ngayon si Yuka."
Aalis na sana siya ng pigilan siya nito, "William, hindi naman masamang tao ang anak ko. At sinabi naman niya na ihahatid din niya bukas na bukas si Yuka."
Napahinga ng malalim si William, "Yaya Pen, asawa ko si Yuka. Tingin niyo po maganda na tignan na nakikitulog siya sa bahay ng isang lalake gayong may asawa na siya?"
Natigilan si Yaya Pen at binitawan siya. Napailing siya at agad na umalis para puntahan si Yuka at iuwi.
Habang nagmamaneho ay hindi siya makapaniwala na hindi man lang magawang ihatid agad ni Geoff si Yuka. Talagang pinaabot pa na doon matulog ang asawa. Batid niya na may gusto si Geoff kay Yuka, kaya naiinis siya dahil tila gumagawa pa ito ng paraan para makasama ang asawa niya.
Alam niya ang condo unit nito kaya binilisan niya ang pagpunta doon kahit medyo malayo.
To be continued...