Nagising na lang ako na nasa cottage na ako ni hindi ko nga alam kung pano ako nakarating dito.
Kinapa ko yung pendant na nasa bulsa ko tyaka kinuha habang hawak hawak ko yung hindi maalis sa isip ko kung pano ko ba mababalik ang pendant na sana kamay ko ngayon?
Biglang pumasok si mommy.
"Nak ano bang nangyare sayo? Bat ka nahilo kanina? Masama ba pakiramdam mo anak? Mom asked me habang hinipo yung noo ko.
"Mom hindi naman po masama pakiramdam ko baka po kulang lang talaga ako sa tulog" sabi ko habang hinawakan yung kamay niya para hindi na siya mag alala pa.
"Oh sige matulog ka na lang muna at pag nagutom ka nandyan lang ako sa katabing kwarto tawagin mo na lang ako anak magpahinga ka na lang muna" sabi niya sabay halik sa noo ko ang sweet niya at tyaka na lumabas.
Nahiga na lang ulit ako at natulog hindi naman mainit dito kahit tanghaling tapat kasi may air-con naman.
Pagkagising ko ay gabi na at nandito na ulit si jamaica sa kwato namin nanood na siya nang tv.
"Ate sky okay ka na po ba? Gutom ka na po ba? Kukuha po ako ng pagkain mo" sabi ni sky habang nakatayo sa may tapat ng kama na hinihigaan ko.
"Maica wag ka na mag abala ako na lang kukuha, dito ka na lang at okay na din naman na ako" sabi ko habang akmang tatayo na, inalalayan niya naman ako para hindi ako matumba pero kaya ko naman na tumayo.
"Pero ate sky baka po mahilo ka ulit at mawalan ng malay" pag aalalang sabi ni maica kahit kasi may state sides na siya hindi pa din siya nawawalan ng galang sa mas nakakatanda sa kanya.
"Hindi na maica kaya ko na don't worry" I smile at her para ma convince siyang okay na ako.
"Sige po ate sky pero sasamahan na po kita" she said and smile back at me.
"Wag na maica kaya ko na talaga promise" sabi ko sabay taas ng right hand ko para ma convince ko na talaga siya pero parang hindi pa din siya combinsido.
"Ah sige maica kung hindi ka talaga combinsido ganto na lang pag hindi pa ako bumalik after 1 hour tyaka mo na lang ako sundan okay? " sabi ko sa kanya sabay thumbs up.
"Sige po ate pero po sa isang condition dapat po dala niyo po tong phone niyo at kung may maramdaman kang may masakit pa po sayo tawagan mo po ako or si tita sharmaine para naman po masaklulohan ka po samin" sabi niya sakin sabay kuha ng phone ko at inabot ito sakin.
"Sige thank you maica sa concern" sabi ko sa kanya sabay yakap dahil si mommy and si Jared lang ang nagpaparamdam sakin ng concerned at dagdag na din si maica. Naglakad na ako papuntang pintuan at binuksan na yun, ang ganda pala ng view dito pag gabi na yung white sand na kitang kita pa din at yung mga ilaw dito sa cottages at sa kabilang island ang ganda lang pagmasdan yung mga ilaw. Sinarahan ko na ulit yung pintuan ng kwarto namin at ewan ko ba sa mga paa ko dahil dinala ako nito sa may tabing dagat naupo na lang ako doon at pinagmasdan ang tubig ng dagat.
"Ate ilang taon ka na po ba? " bigla akong napalingon sa batang babae na nagsalita ang cute niya ang taba niya din.
"17 ikaw ba? masigla kong tanong dun sa bata ang gaan ng loob ko sa kanya para bang magkakilala na talaga kami pero hindi ko naman siya namumukhaan.
"9 po pwede po ba akong tumabi sayo? " tanong sakin nung batang babae.
"Sige tara dito ano pala pangalan mo? " tanong ko ulit dun sa bata na nakaupo na sa tabi ko.
"Im Natalia po talia for shot po ikaw po ba ate ganda? " tanong sakin na talia habang nakangiti. Ano daw ate ganda? HAHAHAHAHA kaya ata magaan loob ko sa kanya HAHAHAHA.
Skyler not ganda HAHAHA by the way sino pala kasama mo dito? Nasan yung parents mo? Gabi na at nasa labas ka pa talia" tanong ko sa kanya habang hinihimas ko yung mga buhok niyang kulot bumagay sa kanya yun.
"Ate ganda kami po kasi yung may ari nitong resort at dito na din po kami tumutuloy. Si mommy naman po yung nagpapatakbo nitong resort namin habang si daddy po nasa ibang bansa" she said while looking at my eye. Parang hindi naman 9 years old yung kausap ko parang matanda lang ehh. Hangang sa mag 10 PM na nag uusap pa din kami at napag alaman ko din na 3 silang mag kakapatid lahat sila babae, matatanda yung mga kapatid niya sa kanya at yung pinaka panganay niyang kapatid ay nawawala kasi nung pinanganak pa lang daw yun may nurse na kumuha dito magka age lang daw kami. Yung gitna naman daw ay 16 years old at kasama lang din nila dito.
(10:30 PM)
"Ate ganda papasok na po ako samin baka po mapagalitan na ako ni mommy bukas na lang ho ulit tayo magkwentuhan" sabi niya sabay tayo.
"Ahh sige Talia hatid na kita sainyo baka mapagalitan ka nga ni mommy mo ako na mag eexplain sa kanya kung bat ka naabot ng 10:30 sa labas" sabi ko naman sa kanya habang nakangiti at hinawakan yung left hand niya.
Habang naglalakad kami nakita ko si maica na nasa labas ng kwarto namin na bakas sa mukha nito ang pag alala. Oo nga pala sabi ko sa kanya pag wala pa ako sa loob ng isang oras ay tyaka niya na ako hanapin 3 hours and 30 min na din ata kami ni Talia nag uusap kanina.
"Talia pwede bang dumaan muna tayo sa cottage namin? Baka kasi nag aalala na yun sakin" sabi ko kay talia habang tinuro kung nasaan si maica.
"Sige po ate ganda" she said while smiling at sabay hila sakin papunta sa cottage namin mabuti pa tong bata hindi nawawalan ng energy baka nag eenervon to HAHAHAHAHA joke!
Habang naglalakad kami ay umaliwalas na ang mukha ni maica dahil makita niya na ako.
"Maica hahatid ko lang to si Talia sa kanila babalik ako agad at wag kang mag alala okay na talaga ako promise" sabi ko sa kanya sabay thumbs up.
"Samahan ko na po kayo" sabi ni Maica at akmang maglalakad papalabas ng corridor ng cottages nandito kasi kami sa baba ng corridor.
"Wag na maica kaya ko naman na ehh" I said while smiling at her.
"Sige po ate bumalik ka po agad" sabi niya at umupo ba lany ulit sa inuupuan niya kanina.
"Oo maica" sabi ko sa kanya at nagsimula ng maklakad ulit.
"Ate sino po siya? " tanong sakin ni Talia habang tinignan ulit si maica.
"Ahh siya si maica pinsan ko galing states" sabi ko habang naglalakad.
"Ahh kaya po pala hindi niyo po siya kamukha" sabi niy habang hawak hawak pa din yung kamay ko.
"Ahh HAHAHA kapatid ng daddy ko yung mommy niya at kamukha ko daw mommy ko kaya hindi ko kamukha si daddy. Hindi ko kamukha si daddy kaya siguro hindi ko din kamukha si Maica. Ayy teka saan pala yung bahay niyo dito? " tanong ko sa kanya dahil tumigil kami sa paglalakad.
"Ayun po yung tinitirhan namin dito pero yung bahay po namin nasa manila pa po. Pag may pasok po nasa manila kami pero pag wala dito kami nila ate at pag may pasok po ate ganda si mommy lang po ang nandito" sabi niya sakin sabay hila ulit papunta doon sa tinuro niya.
"Ahh ganun ba? Ah okay" sabi ko habang sumusunod sa kanya.
Nung nakarating na kami sa tinitirahan nila. Ang ganda nung design sa loob kahit hindi pa ako nakakapasok kitang kita naman sa labas.
"Ate ganda dito na lang po kayo kaya ko naman na po pumasok" sabi niya habang nakatingin sakin at nakangiti.
"Sure ka? Baka mapagalitan ma? " sabi ko naman sa kanya.
"Opo ate ganda thank you po, hindi po yan" sabi niya habang naglalakad na papasok.
Nung nakapasok na siya ay naglakad na ako pabalik sa kwarto namin malapit lang naman kayang lakarin habang naglalakad ako nakaramdam ako ng gutom, hindi pa pala ako kumakain mula kaninang umaga kasi nagmadali akong mag ready, nung nakarating naman kami dito kaninang tanghali ay nahilo ako at nakatulong nagising ako gabi na. Nakakita naman ako ng parang kainan malapit lang pumasok ako at umorder na. Habang kumakain ako ay nakalimutan kong magdala ng pera! Fck pano to?!
Habang kumakain ako ay may lalakeng tingin ng tingin sakin?! Problema niya?! Hinayaan ko na lang at kumain na lang ulit ako habang pinoproblema ko kung pano ako makakabayad dito.
"Waiter" tawag ko dun sa waiter ng kainan na to.
"Yes mam? Oorder pa po ba kayo? " tanong sakin nung waiter.
"Hindi na po. Tatanong ko lang po kung magkano yuny bill ko? " sagot ko dun sa waiter.
"Mam may bumayad na po sa order niyo" sagot ulit sakin nung waiter.
"Kuya sino po yung nagbayad? " nagtatakang tanong ko.
"Umalis na po mam yung nakaupong lalake po dun sa table na yun" sabi niya at tinuro yung inupuan ng lalakeng tingin ng tingin sakin kanina.
"Ah sige po salamat" pasalamat ko dun sa waiter.
Sino kaya yung lalakeng yun? Parang familiar yung mukha niya pero hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Nung natapos na akong kumain ay lumabas na ako at bumalik sa kwato namin. Nung nakarating na ako sa kwarto ay naabutan kong natutulog na si maica sa kama niya 11:15 na pala hayysttt. Linock ko na yung pintuan ng kwarto namin. Naghilamos muna ako tyaka humiga sa kama ko 2 kasi ang kama dito. Habang nahiga ako ay kinuha ko yung phone ko tyaka chineck yung mga messeges wala namang naligaw na text sa inbox ng phone ko, dahil sa bord na ako at hindi pa ako maka tulog dahil natulog ako kanina ay nag log in ako sa f*******:. May message si jared sakin 11 messages.



Pagka send ko nag log out na siya ano ba yan nilog outan ako ng mokong na to hindi pa naman ako inaantok. Nag check na lang ako ng notifications puro lang naman likes yung laman haystt nakaka bord talaga. Chineck ko naman yung friend request hindi ko naman kilala yung mga nag add sakin kaya hinayaan ko na kang.
Kinuha ko na lang yung Macbook ko at nanood ng KDrama at yung headset ko para hindi magising si maica.
~~~~~~~
Kinaumagahan ay nag almusal muna ako tyaka naligo sa beach kahit 5:45 AM pa lang ay nagtampisaw na ako sa dagat, kahapon kasi ay hindi ako nakaligo kaya ngayon ako mag eenjoy kahit ako lang mag isa. 8 AM ay umahon na ako dahil mainit na maligo, kahit hindi ako marunong lumangoy ay nagtatampisan ako kanina at langoy aso lang talaga yung kaya ko HAHAHAHAHA. Pagkatapos ko ay tyaka na ako bumalik sa kwarto para magbanlaw ng katawan, naabutan ko naman si maica na natutulog pa din.
Nung natapos na ako magbanlaw ay lumabas na ulit ako at nag libot libot, nakarating ako sa ibang part ng resort na to ang ganda nasa kabila kasi to malayo ng konte sa cottage namin.

Nag sun bathing ako kahit naka dress ako HAHAHAHAHAHA iba din trip ko ehh no? HAHAHAHAHA.
Biglang tumunog yung phone ko. Si maica pala yung nag text.

Yan yung laman ng text message niya, ako na naman pala yung hinihintay hasyyttt bat ba kasi kung kailan ako nag eenjoy tyaka naman sila naka isip na umalis na. Naglakad na lang ako nag mabilis baka kasi mapagalitan na naman ako ni mommy. Nung nakabalik na ako mabuti nga nag aalmusal pa lang sila kaya hindi ako napagalitan.
"Ate sky pwede po bang pahiram ng headset? Nasira po kasi yung akin" sabi niya habang hawak hawak yung phone niya. Andito na kami sa van nakasakay at magkatabi kami sa may passenger set.
"Sige maica ito ohh" sabi ko sa kanya sabay abot ng headset.
Napasigaw na lang ako nung muntik na kaming may mabangga. Hindi naman napansin yun ni maica dahil busy siya sa phone niya at habang yung iba ay nasa likuran namin.
Bumaba kaming lahat at lumapit dun sa babaeng muntik na naming mabangga. Sa tingin ko ay ka age ko lang siya kasi bata pa ang itsyura niya. Napag alaman namin na ang pangalan niya ay Scarlett at tama nga ako na bata pa siya 16 years old pa lang siya at nakiusap na kung pwede daw ang sumama siya samin dahil wala na siyang mapupuntahan dahil yung parent's niya ay patay na at siya na lang yung bumubuhay sa sarili niya. Wala na daw siyang matutuluyan, pumayag naman si mommy na sumama siya samin dahil kawawa naman daw at napag disesyunan na sa aamin muna siya tutuloy. Sa manila na lang daw pag uusapan kung ano ang magiging kasunduan kung tutuloy siya samin. Naupo siya sa pinaka dulo ng van dahil may space pa dun dahil hindi naman napuno itong van. Habang nasa byahe kami pabalik sa maynila ay eninjoy ko na lang yung view ng dinadaanan namin ang ganda pala dito sa batangas. Hapon na kami nakarating at bukas ay pasukan nanaman at tapos na ang bakasyon.
Pumasok na lang muna ako sa kwarto ko para maghilamos sa banyo.
Habang nasa banyo ako ay nalala ko yung nangyare kagabi kung sino ba yung lalakeng nagbayad nag kinain ko? kung bakit pinatuloy ni mommy si Scarlett sa bahay namin kahit hindi naman namin ito kilala? At kung ano ang mangyayare bukas sa first day of being grade 12 student ko?
At dahil hindi ako naka update kahapon ay dalawa ang i uupdate ko ngayon sorry kung ngayon lang to kasi busy ako kahapon. Yung isang chapter mamaya ko na i uupdate.
Abangan natin kung sino ba si Scarlett? At kung sino ba yung lalakeng nagbayad sa kinainan niya at kung anong mangyayare sa kanya sa first day niya.