Sino kaya yung lalakeng yun? Natarayan ko pa siya kanina ako naman pala talaga yung mali at hindi pa ako naka sorry sa kanya.
Ano pa kayang mangyayare sa susunod na mga araw ko? Malapit na din mag pasukan hayysttt.
Nagising ako kinaumagahan dahil ang ingay ni mommy natutulog yung tao ehhh! Nakakaasar talaga siya!!
"Nak! Gising na may pupuntahan tayo" pambubulabog ni mommy dito sa kwarto ko.
"Mom bat ba ng ingay nyo? San po tayo pupunta?" sagot ko kay mommy sabay talukbong ulit ng unan.
"Nak bumangon ka na dyan dalian mo na at mag empake ka ng mga gamit mo" sabi niya habang aligaga.
Napabangon ako sa narining ko ano raw mag empake?
"Mom? Pinapalayas niyo na po ba ako? Wag naman po ganun huhuhu bumangon na po ako wag niyo po akong papalayasin kasi wala na ako ibang mapupuntahan pa" sabi ko habang yakap yakap yung kama ko maliit lang kasi yung kama ko kaya kayang kaya ko siyang yakapin good for one person lang pero malaki kwarto ko kasi yung walking closet tyaka yung cr ang nakapalake and yung study table ko.
"Gaga! Pupunta tayo ng batangas kahit kailan talaga napaka OA mo! " sabi ni mommy sabay batok sakin.
"Mommy naman sabi nyo ho kasi mag empake eh so yun agad ang unang pumasok sa isip ko to naman si mom batok agad" sabi ko habang himas himas ko yung binatukan ni mommy.
"Bilisan mo na dyan may naghihintay na satin ano ba! Tagal mo pa naman kumilos sige iiwan ka namin! " sabi niya habang naglalakad papunta sa may pinto ng room ko.
"Sino po naghihintay satin?" I said habang naghihinat hinat pa dito sa kama ko.
"Nandyan sila tita Catherine mo and yung ibang family members ng daddy mo kaya dalian mo na dyan at mag fafamily reunion tayo sa batangas" she said then she close the door of my room, si tita catherine yung panganay na kapatid nila dad na doctor sa New York so important pala talaga itong reunion kasi umuwi pa yung taga new york don na din kasi sila naka base ng family niya may sarili na din siyang family.
Bumangon na ako at naligo ng mabilisan kasi kung reunion lang naman ehh maliligo lang din naman kami mamaya sa batangas. Every year we celebrates family reunion on both side's pero wala siyang exact date at biglaan lang din tong reunion na to. Kahit antok na antok pa ako ay sumama na ako sa kanila no choice din naman ako pipilitin din naman nila ako pag nagdahilan pa ako.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretsyo na ako sa walking closet ko at dahil alam kong matagal akong maligo ay ang ginawa ko pinatugtug ko yung music ng phone ko then 2 songs are enough. Habang naghahanap ako ng damit ko kinuha ko na din yung back pack kong color black at nag empake na din ako sabi mag empake ehh di mag empake pero kunti lang ang dadalhin ko 3 dresses, 2 hangings, 1 T-shirt, 4 shorts and feminine uses lang and yung MacBook ko lang then phone at headset. Pagkatapos kung mag ready bumaba na ako, pagkababa ko ay sinalubong agad ako ng mga family members ni daddy like yakap, beso and pisil sa pisngi ko pinang gigilan nila yung chubby cheeks ko disadvantage ng chubby cheeks pero at least kahit wala na si dad ganto pa din nila kami itrato kaysa sa iba dyan kahit buhay pa yung family hindi na nagpapansinan.
Ang sinakyan namin ay 2 van's kasi hindi kami kaysa sa 1 lang. Habang nagbabyahe ay natulog na lang ulit ako dahil sa sobrang antok.
"Skyler ano ba! Tulog ka nanaman bumaba ka na nga dyan ikaw na lang ang natira dyan! " pang gigising ulit ni mommy sakin.
Pagmulat ko ako na nga lang yung natira dito sa van at nasa labas na silang lahat at si mommy ay nasa may pintuan ng van habang pinapagalitan nanaman ako na kesyo tulog ako ng tulog na dapat daw i entertain ko yung ibang family members namin ang ginawa ko ay sinuot ko na lang yung headset ko at nagpatugtug ng napakalakas para hindi ko na siya marining pa at nag simula na maglakad papunta sa may garden at dahil sa ingay ni mommy ay hindi ko agad napansin ang magandang Palace parang Hokong Disneyland ang design ang ganda! Hindi pa ako nakapunta sa Hongkong Disneyland simula pa nung bata ako pero ngayon parang sa disneyland nila ako dinala may place pala ditong ganto.



Parang ang gandang umikot ikot ditong naka gown na parang isang princess sayang nga at hindi ko dala yung gown ko haysstt kung alam ko lang sana ay baka naka gown na ako ngayon.
Im wearing now a simple off shoulder na kulay orange then a short I more likely to be simple kaysa naman sa over na naparang clown I hate center of attention.
At dahil first time ko dito ay nagtatakbo ako na parang bata papasok, I dont care kung isipin nilang isip bata ako at least ma enjoy ko yung place na to at kahit hindi to Disneyland gusto ko pa din tong malibot kasi baka mamaya pupunta naman kami sa ibang place masasayang ko pa tong opportunity na to.
Kahit nasa loob ako ay takbo ako ng takbo excited lang talaga ata akong ma explore kung ano man ang loob nito umakyat ako then pagka akyat ko ay inisa inisa ko yung mga rooms dito ang ganda parang castle talaga ang pagkaka design nito parang gusto din ng gantong design ng bahay ko in the future. Nang natapos na ako mag isa isa ay bumaba na ulit ako at sa garden na ako nag ikot ikot ang ganda din dito sa labas kahit hindi gayang gayang yung garden sa Disneyland ay parang nilagyan nila ng twist dahil may mga parang dwarf ni Snow White dito at may wishing fountain din at dahil sa first time ko nag wish ako dun sa fountain na sana makapunta ako sa Disneyland.
Pagkatapos ko dun sa garden ay bumalik ulit ako dun sa loob at tinignan yung mga ibang design na parang antiques ata yung ibang nasa loob with a touch of the new generation design ang galing ng interior designer nito ahh dahil napagsabay niya yung ganda ng antique at yung mga bago. Sinuri ko yun isa isa at yung nakakuha ng attention ko ay yung pendant na gold I think this is also an antique ang ganda parang gusto kong bilhin pero mukhang bawal naman kasi display dito hahanap na lang ako ng ganyan sa manila.
Nag vibrate yung phone ko nag text pala si mommy.
"Skyler asan ka na ba? Sabi ko sayo 1 hour lang tayo dito may iba pa tayong pupuntahan dalian mo na" yan yung laman ng text ni mommy hindi ko naman narining na 1 hour lang kasi naka headset na ata ako nun ng sinabi niya hindi ko rin namalayan yung oras dahil sa sobrang nalibang ako dito at lagot ako nito kasi strict si mommy pagdating sa oras. Dali dali akong tumakbo palabas papuntang van as I expected sinabihan niya akong wag na magpapalate dahil nakakahiya daw sa bisita at umoo na lang ako para wala ng maraming discussion.
Next destination is museum. Madali lang yung byahe papuntang museum I think 15 minutes lang ata.

Ito yung itsyura ng museum sa labas. Maganda din siyang tignan. Nung pumasok ako ang bumungad sakin ay ang mga antiques na sa tingin ko ay mga nasa 100 years old na ang tanda na amaze ako kasi na preserve nila ang mga gamit na to sa tagal ng pahanon at sa mga generation na papalit palit.

Ito yung itsyura niya sa loob mabuti nga at pinahiram sakin ni mommy yung dala niyang DSLR para ma picture-ran to. Ang ganda nagpagkaka arrange nila dito sa baba.

Nung umakyat kami ito ang bumungad agad samin ang ganda din dito lalo na yung terrace na nakikita ang mga dumadaan sa kalsada nasa harapan kasi nitong museum ang kalye. Parang ang ganda din dito tumira kaso parang may multo ata dito HAHAHAHA.
"Sky halika dito groupfiee tayo" sabi ni tita catherine habang nasa may terrace tumapit naman ako kahit kasi papano na miss ko na din to si tita cathie nung buhay pa kasi si dad sobrang close sila at close din naman kami ni tita kasi daddy's girl ako nun pagkasama ko si daddy minsan kasama din si tita pero everything had changed simula nung namatay si daddy.
(12 year's ago)
"Baby Sky ano gusto mong laruan? Yung doll or dollhouse na lang nak? " daddy asked me habang kalong kalong niya ako I still remember na pag galing siya sa work niya mag lalaro kami or kakalungin niya ako hangang sa makatulog na ko nun hindi pa din nawawala yung quality time naming mag ama nun kahit sobrang busy siya.
"Daddy can you buy me both? Please daddy I will do my best to be the first honor this Year" I answered his questions habang nagpapacute, cute pa ko nun bata pa eh pero ngayon ewan ko lang.
"Okay nak natapos mo na ba yung homework mo nak? " he asked me again.
"Not yet daddy pwede mo po ba akong turuan? Nalilito po kasi ako sa multiplication" sagot ko ulit sa kanya. Ewan ko ba bat ayaw ko talaga sa math nung bata ako pero ngayon yun na ang favorite ko.
"Nasan ba yung math notebook ng princess ko? Madali lang naman yung math nak basta wag mo lang isipin na mahirap, kasi yan yung nasa utak mo pero kung isasapuso mong madali ang math ay madadalian ka lang" pagtuturo niya sakin habang tinuturo kung saan banda yung puso ko siguro kung hangang ngayon buhay pa si daddy siguro mas naging close kami.
"Sky are you fine? Bat ka umiiyak? " tanong sakin ni mommy habang katabi ko na pala siya ngayon, naiyak na lang pala ako habang inaalala si daddy yung masasayang araw ko sa kanya, kahit close kami ni mommy ngayon alam ko sa sarili ko na mas close kami ni daddy nun nung buhay pa siya.
"Okay lang po ako mommy naalala ko lang po si daddy sige po muna pupunta muna ako mom sa van" paalam ko sa kanya habang pinupunasan yung mga luhang nasa pisngi ko. Dirediretyo na lang akong bumaba at pumunta sa van. Nung nasa van na ako kinuha ko na lang yung MacBook ko at nagsimulang manood ng KDrama para naman mabawasan yung lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Natapos ko na yung isang episode tyaka lang ulit sila bumalik sa van. Habang nasa byahe kami ay nanood lang ako ng krama.
Natapos ko na ulit yung isa pang episode at nakarating na kami sa beach resort bumaba na ako at tyaka iginala yung mga mata ko. Ang ganda din dito tyaka parang boracay pero mas malapit ang dami palang magagandang tanawin dito sa batangas ang ganda.
Naglakad lakad ako tyaka may nakita ulit na pendant kaparehas nung nasa palace ang design niya at kulay. Pinulot ko tyaka tinignan ng mabuti at nabuksan ko yun may picture ng dalawang babae na mag nanay iginala ko yung mga mata ko kasi baka nandito lang din yung may ari at hinahanap yung pendant na nahulong.
"Ate sky dito po di po dyan mainit po dyan" sabi ni Jamaica na anak ni tita catherine. 12 pa lang siya pero ang tangkad, mas matangkad pa nga siya sakin ng konte. Binulsa ko muna yung pendant tyaka sumunod kay maica, nakarating kami sa mga cottage na magkakadugtong.

"Dito na lang tayo mag overnight para maka night swimming na man tayo" sabi ni mom habang sumusunod sa babaeng binayaran namin ng entrance fee at ng cottage fee.
"Sige Sharmaine para mas matagal tayong makakabonding" pag agree naman ni tita cathie.
Nung nakapasok na kami sa cottage namin ni Jamaica kasi dalawang tao lang ang magkasama sa bawat kwarto ay niyaya ko siyang mag libot libot dito. Si mommy naman ay ka share ni tita cathiee.
"Maica dun tayo sa may mga bato tyaka picture tayo" sabi ko sa kanya habang tinuturo yung bato pumayag naman siya.
"Sige po ate tara na po" sabi niya tyaka naglakad na habang ako ay sumusunod lang.
Nung nasa may bato na kami ay nagpicture taking na kami close din naman kami nito ni maica kaso nga lang ay nag migrate na sila sa New York kaya minsan na lang kami nagkabonding nung pabalik na kami sa cottage ay biglang nang dilim yung paningin ko at hindi ko na alam yung sunod na nangyare.
Nagising na lang ako na nasa cottage na ako ni hindi ko nga alam kung pano ako nakarating dito.
Kinapa ko yung pendant na nasa bulsa ko tyaka kinuha habang hawak hawak ko yung hindi maalis sa isip ko kung pano ko ba mababalik ang pendant na sana kamay ko ngayon?
Abangan natin kung sino ba may ari ng pendant na yun? kung bakit biglang nandilim yung paningin niya? At kung papano siya naka punta sa cottage nila.....