CHAPTER 1

2001 Words
(Present time, year 2039) Nilagok ko ang panglimang baso ng wine ko bago ito ibinaba sa lamesa. Pumikit ako ng mariin nang maramdaman ang pag-agos ng aking mga luha. Kasabay nito ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. (Flashback, year 2029) "Andria, who's the new guy?" tanong sa'kin ni Francine, kaibigan ko. Nakaupo kami sa veranda habang pinagmamasdan ang mga lalaki. Isa na doon ang tinutukoy niyang si Azi. Nakatayo siya at nakikihalubilo na sa mga kaibigan nina Kuya. "Kapatid ni Kuya Derrick," tugon ko bago nag-iwas ng tingin. Napalingon sila sa'kin dahil sa aking sinabi. "In fairness. Guwapo rin," wika ni Danna, kaibigan ko rin. "Bakit pa ba tayo magtataka? In runs in their blood," si Francine. Nilingon niya ako. I pouted. Muli kong sinulyapan ang kinaroroonan ni Azi. Lumingon siya sa direksyon namin kaya nag-iwas ulit ako ng tingin. "Uhm, do you want to watch a movie? You two can stay in my room," pag-iiba ko ng usapan. Pumayag naman sila kaya pumasok na kami sa loob kung saan nakaupo sina Kuya. Marami naman kaming guest room kaya dito na rin sila matutulog. Ang iba sa mga kaibigan nina Kuya ay uuwi at ang karamihan naman ay dito muna. I crossed my arms while looking at the boys. Bumati sa'min ang mga kaibigan nila at ganun rin ang ginawa namin. Maliban kay Azi na nakatingin lang sa'min. "By the way, girls! I want you to meet my brother. Dylan Azariah Villafuerte. Kauuwi lang niya galing US," wika ni Kuya Derrick habang inaakbayan ang kapatid. "Hi! It's nice to meet you! I'm Danna," sabi ni Danna bago nakipagkamayan sa kanya. Ganun rin ang ginawa ni Francine. "My name is Francine. Staying for good?" wika ni Francine sa palakaibigang tono. "Yeah," maikling sagot ni Azi. Ngumiti siya nang bahagya bago lumingon sa akin. I swallowed hard. Inalok niya ang kamay niya sa'kin pero nagtagal pa bago ko iyon tinanggap. "Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita. I'm sorry for that. Can we be friends?" wika pa niya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. I gave up a small smile. Nahihiya pa rin talaga ako dahil sa nangyari. Hindi ko naman kasi alam na kapatid pala siya ni Kuya Derrick. Hindi ko na rin naman masisisi si Manong Guard dahil nangyari na naman. "Sure. Mr...?" patanong ang tono ng huling salita ko dahil hindi ko naman talaga alam ang itatawag sa kanya. We're not even close. "Dylan. Just call me Dylan." My smiles grew bigger. Tumango ako sa kanya bago lumingon kay Kuya Adrian. "Kuya, punta lang kami sa kwarto ko. Dun kami manonood ng movie," paalam ko sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago ngumisi. "Oh, okay," aniya habang nakangiti pa rin. "Enjoy, girls!" wika ni Kuya Derrick sa pang-bading na tono. Natawa kaming lahat dahil sa inasta niya. "Will you stop that, Kuya?!" ani Dylan habang kunot ang kanyang noo. Biglang nagdilim ang ekspresyon ni Kuya Derrick. Nilingon niya ang kapatid. "Tigilan mo nga ako, Azi! Huwag ako!!" aniya bago nagpakawala ng mapanuyang ngiti. I rolled my eyes and smiled bago hinila ang mga kaibigan ko papunta sa aking kwarto. Maingay pa rin sila nang makaalis na kami do'n. (Present time, 2039) Biglang nag-ring ang phone ko dahilan kung bakit ko ito nilingon. Ibinaba ko ang mga kubyertos na hawak ko bago sinagot ang tawag. "What?" tamad kong bungad kay Kuya. "Tumawag ako para humingi ng tawad. I'm sorry... I'm sorry kung pinagtaasan kita ng boses—" "I don't need your apology," malamig kong tugon sa kanya. Pinaalala na naman niya sa'kin ang nangyari. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. "Look, I want to fix this problem with you. I want to make it up to you—" "Shut up! You don't have to do such things—" "You're still my sister no matter what. Hindi magbabago 'yan." I rolled my eyes because of what he said. Biglang nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Pumikit ako ng mariin para mapigilan ang mga nagbabadyang luha pero hindi ko nagawa. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Tapos ka na bang magsalita?" nang-aasar kong tanong sa kanya. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na humikbi. "Andria..." He sighed again before he continued. "I want you to come with us. Bisitahin natin ang ilan sa mga resorts ni Dad. Please..." pagmamakaawa niya. Saglit kong tinakpan ang aking bibig para hindi niya mahalata ang aking pag-iyak. Uminom ako ng tubig para mapakalma ang aking sarili. "Andria... Please?" pagmamakaawa pa niya. I sighed. "Pag-iisipan ko." "Hihintayin kita." Hindi na ako nagsalita pa at pinatay ko na agad ang linya. Tumayo ako at agad na lumabas ng dining area. Padabog kong sinara ang pintuan ng kwarto ko bago tumalon sa kama ko at nagtago sa ilalim ng kumot. (Flashback, year 2029) Pasukan na naman. Ang bilis ng panahon. Tinanghali ako ng gising kaya heto ako ngayon at mabilis na naglalakad papunta sa building kung nasaan ang classroom ko. Ang dami kong dala. "Oh!" Dahil sa pagmamadali ay aksidente kong nasagi ang isang lalaki na nagmamadali rin. Katulad ko ay may mga hawak rin siyang libro. Lumuhod ako at kinuha ang mga libro ko. Nasagi ko siya kaya nagkalat rin sa sahig ang mga gamit niya. Lumuhod rin siya at tumulong sa pagkuha. "I'm sorry." Hindi ko siya tinignan at pinulot nalang ang mga libro ko. Ramdam ko ang pagtitig niya sa'kin pero hindi ko pa rin siya nililingon. "It's you again?" Napatingin ako sa nagtanong. I blinked twice. Siya ang nasagi ko! "OMG! Sorry talaga!" Nakakahiya! I bit my lower lip. Bahagya siyang natawa. "No, it's fine." Tinulungan niya 'kong makuha ang huling librong nasa sahig. "Salamat." Sabay kaming tumayo. Medyo kumunot ang noo niya. "Nagkita na tayo pero hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa'yo." Nagulat ako sa sinabi niya. Oo nga pala! Hindi ko nasabi ang pangalan ko. Hindi man lang ba sinabi sa kanya ni Kuya?! Tsk! Ngumiti ako. "My name is Alexandria Elle. My friends call me Andria." The sides of his lips rose. "Well then, can I call you Elle?" "Sure!" Friendly naman pala siya. Not bad. "Sorry nga pala. A-About the clothes fork," nahihiya kong sabi. "Wala na 'yon. Okay lang." Matagal kaming nagtitigan dahil sa kanyang sinabi. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Lumaki nang magkasama sina Kuya Adrian at Kuya Derrick. Bata pa lang ako ay si Kuya Derrick na ang madalas kong makita sa bahay na kaibigan ni Kuya dahil pamilya na ang turing namin sa mga Villafuerte. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Minsan na rin niyang nakuwento sa'kin na may kapatid siya na nasa sa ibang bansa. Hindi sila magkasamang lumaki kaya naisip ko na baka magkaiba sila ng ugali. Pero mukhang nagkamali ako. Mabait rin pala siya. "Grabe! Ang hirap ng math!" reklamo ni Francine. Hinihimas niya ang kaniyang sentido habang ako naman ay nakapangalumbaba. Si Danna naman ay tuwid ang pagkakaupo habang pilit na iniintindi ang lesson. "Kaya nga," tugon ko. Oras na ng recess at nandito pa rin kami ngayon sa classroom. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Kanina pa tapos ang math class namin kaya halos lahat ng mga kaklase namin ay nasa labas na. Ang iba ay dito na kumakain. Ang karamihan naman ay nasa canteen. "Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko kay Danna. Seryoso niya akong tinignan. "Mauna nalang kayo kung gusto niyo. Aaralin ko na muna ito," tugon niya bago muling ibinalik ang atensyon sa libro. "Oh! Okay then, bibilhan ka nalang namin ng pagkain," wika ni Francine. Hinawakan niya ang kamay ko. Tumayo na rin ako at nagpadala sa hila niya. Hindi na sumagot si Danna sa kanya. "Kumain ka na muna! Mamaya na 'yan," sabi ni Francine kay Danna. Pagbalik kasi namin ay ganun pa rin ang ginagawa niya. Ngumuso si Danna kay Francine. "Huwag ka magpalipas ng gutom," dagdag pa niya. Danna sighed. Sinarado niya ang makapal niyang libro at nilagay sa bag ang mga gamit. Kinuha niya ang kaniyang tumbler at uminom. "Salamat dahil binilhan niyo 'ko ng pagkain. I appreciate it." We smiled at her. "Ikaw pa ba?" mayabang na wika ni Francine. Biglang kumunot ang noo ko. "What's the purpose of drinking water before eating snacks? Last month ko pa napapansin 'yan," nagtataka kong sabi kay Danna. "I'm on a diet," aniya sabay lagay ng tumbler niya sa bag. Nalaglag ang panga namin ni Francine. Diet?! "Payat ka na, beshy! Okay ka na," wika ko sa kanya. Nilingon niya ako. She blinked twice. "Malapit na ang intramurals," aniya. Siya kasi ang muse ng buong grade 8. Player rin siya ng volleyball. "Ikaw bahala," tugon ni Francine. Nagkibit-balikat nalang ako at kumain. "Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng panibagong aralin patungkol sa Florante at Laura," masiglang wika ng aming guro sa Filipino. Tahimik kaming lahat na nakikinig sa kaniya. "Hmmm.... Mayroon ba kayong mga ideya patungkol sa ating aaralin?" tanong niya. May mga ilang nagtaas ng kamay ngunit hindi niya sila pinansin dahil madalas silang sumagot. Nagtagal pa bago siya nakapili ng iba. "Subukan natin ang ating muse. Si Ms. Tan." Nilingon ko si Danna. Kumunot ang noo ko nang hindi siya tumayo. Tulala siya at tila walang naririnig. "Ms. Tan." "Danna..." bulong ko sa kanya. Tulala pa rin siya. "Hey!" Ganun rin ang ginawa ni Francine pero hindi pa rin siya namamansin. Tulala lang talaga siya. "Ms. Danna Lorena Tan!!!" Our lecturer's voice thundered all around the classroom, the reason why she got back to her senses. She blinked her eyes twice. Agad siyang tumayo. "Y-Yes, M-Ma'am?" nanginginig niyang tanong, tila natakot sa biglang pagsabog ng aming guro. Kumunot ang noo ni Ma'am. "Kanina pa kita tinatawag. Lutang ka naman. Anong problema?" "Wala po," aniya bago kinagat ang pang-ibabang labi. "Oh, sige. Sagutin mo ang tanong ko. Mayroon ka bang ideya patungkol sa Florante at Laura?" "Ang Florante at Laura po ay isang awit at korido na isinulat ni Francisco Baltazar o mas kilala bilang Balagtas." Napangiti ang aming guro sa kanyang sagot. "Mahusay! Ang kailangan mo nalang ay ang pakikinig ng maayos sa akin. Ayoko ng lutang sa oras ng klase ko. Ang sinumang lulutang-lutang ay makakalabas na," mabait niyang tugon habang pinapasadahan kaming lahat ng tingin. Hindi pa umuupo si Danna kaya muli niya itong nilingon. "Umupo ka na." "Salamat po," wika ni Danna sabay upo. Nagpatuloy si Ma'am sa pagtuturo na parang walang nangyari hanggang sa natapos na namin ang pang-huling klase. "Kuya..." tawag ko kay Kuya noong hapon. Pareho kaming nasa sala. Nakaupo ako sa mahabang sofa at nagbabasa ng libro habang siya naman ay nakaupo sa single sofa. Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot. Tulala siya sa unan na nakapatong sa kanyang hita. "Kuya Adrian!!!" Nilakasan ko ang pagtawag sa kanya, dahilan kung bakit siya nagulat. Kumunot ang noo ko. Kanina si Danna, ngayon naman si Kuya?! Tsk! "Bakit?" I pouted. "Kanina pa kita tinatawag," taka kong tugon sa kanya. "Anong oras uuwi sina mom?" Kumurap siya ng maraming beses bago sumagot. "Hindi ko alam. Bakit?" I sighed. "Hindi kasi ako sanay na wala sila dito tuwing hapon." "They're busy. Get used to it." "Okay," sagot ko sabay tayo. "Punta muna ako sa library." Aakyat na sana ako sa hagdanan nang biglang tumunog ang phone niya. Agad na rin siyang tumayo. "Aalis na muna ako. Tawagan mo nalang si Manang kapag may kailangan ka." Lumapit siya sa'kin at ginulo ang buhok ko. Napanguso ako dahil sa ginawa niya. "I'll be back before dinner." "Okay po, Kuya." He smiled at me, but it didn't reached his eyes. "Bye." "Bye," aniya saka lumabas na ng mansion. Naghanap ako sa library ng pwedeng mabasa. Umupo ako sa may study table nang makahanap. Pagkabuklat ko ng libro ay nagkita ako ng isang quote na nakasulat sa isang maliit na papel. Kumunot ang noo ko dahil mukhang Spanish ang language nito. "Vivir sin desafíos es casi no vivir tu vida en absoluto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD