CHAPTER 2

1985 Words
(Present time, year 2039) It's been hours since I cried and slept. Tinanghali na rin ako ng gising. Memories of the past are starting to come back again kaya nag-workout ako at nagbasa ng mga libro para libangin ang sarili ko. Nang matapos ay nilibot ko ang buong bahay dahil sa sobrang inip. Ngayon ay hindi na masyadong mugto ang mga mata ko kumpara nang bumangon ako mula sa pagtulog. Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko mula sa bulsa. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa'kin ang pangalan ng tumatawag. Tita is calling. Mukhang alam ko na kung ano ang dahilan ng pagtawag niya sa'kin. I gained up all my strength to answer her call. "Hi, Tita!" bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag. I tried to sound happy para hindi niya ako mahalata. "Did it went well?" tanong niya. Pumikit ako ng mariin. "Yes, Tita. Everything went well. You don't have to worry about me. I'm fine." Good thing she can't see me. "Well, I'm glad to hear that. I already miss you, Andria." I smiled sadly. Nakakapagod nang umiyak. Parang ayoko na. I hate crying over and over again. "I also feel the same thing, Tita. Don't worry. I'll visit you soon." "You can think about that for some other time, but you have to do your plans first. Go ahead and have fun with your friends." Friends. I have friends, but I don't think we're close enough. They're all busy. At napakalayo rin nila sa'kin. Impossible. "Go and travel from place to place. Do whatever you want. Let people think about things they want to think about you, because they don't really know you. Even if you explain, they will never understand it. Be free, hija. Spread your wings and fly. No one will stop you," pangaral pa niya. "Yes, Tita. I will do that. Thanks for understanding me." I don't want to lie but I don't want her to worry too. I don't want her to worry about me kaya iyon nalang ang sinabi ko. She's very busy at ayoko na siyang abalahin. I really miss her, though. "I don't want to disturb you, Tita. I know that you're very busy." "You will never be a bother to me, Andria. Always remember that." Uminom muna ako ng tubig bago siya sinagot. I want to calm myself down. I don't want to cry. "Thanks, Tita." "Where is he?" Saglit akong natigilan. Alam na alam ko na kung sino ang tinutukoy niyang he. I pouted while my eyebrows are kinda furrowed. Hay nako. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Hindi man lang tumawag o nag-text. Nagtatampo na ako sa kanya. Iniwanan niya agad ako dito nang maihatid niya ako pero alam ko naman na hindi lang sa'kin umiikot ang mundo niya. He is very busy. And I can't blame him for that. Trabaho niya 'yon. Buhay niya iyon. Hindi ko hawak ang buhay ng lalaking 'yon kahit na madalas ko siyang nakasama sa ibang bansa. "He's not here, Tita. He left immediately when he delivered me here." "It seems like I already know what he's doing." "Where is he, Tita? Is he doing something else besides work?" "Don't worry about him, hija. I will take care of him. He will also come back to you when he has done what he needs to do," Tita assured me that. I sighed. Maybe he's doing something personal that's why it's a secret. "Okay, Tita. As you wish." Parang may narinig akong boses ng ibang tao sa kabilang linya. Hindi iyon masyadong malakas kaya hindi ko narinig kung ano ang sinabi. Nagtagal pa ng ilang segundo bago sumagot sa'kin si Tita. "My free time is over, Andria. I will attend something. I'll just call you again next time." "Bye, Tita." "Bye," aniya bago binaba ang linya. I sighed again. I don't want her to know what really happened. She's very busy. Kahit na sinabi niya na 'I will never be a bother to her', wala akong balak na sabihin sa kanya ang sitwasyon ko ngayon. It's better this way. Uminom ako ng tubig nang maubos ko na ang pagkain ko. Luminga-linga ako sa buong dining area para hanapin si Manang Minda pero hindi ko siya nakita. Well, baka nasa labas. Tumayo ako at kinuha ang pinggan ko para dalhin 'yon sa kusina pero bago pa ako tuluyang nakapasok do'n ay narinig ko na ang mga boses ng ilang kasambahay. Nagtago ako sa isang sulok para mas marinig pa ang usapan nila bago bahagyang sumilip para makita kung sinu-sino ang mga nagsasalita. "Bakit kaya ganun ang ugali ni Ma'am Alexandria? Ang sungit. Sayang pa man din ang ganda niya! Nakakatakot pala siya. 'Di pa rin ako maka-get over do'n sa pagsigaw niya sa'tin nang dumating siya dito," sabi ng isang kasambahay na nagpupunas ng mga basang pinggan. "Kaya nga, eh! Maganda nga, masama naman ang ugali. Ano kaya ang nakita sa kanya ng mga tao at ganun nalang katindi ang kasikatan niya?" wika naman ng kasambahay na nagbabanlaw ng mga plato. "'Yong mukha niya, malamang!" "Kaya nga. Nakakapanloko." "Ang sama naman ng ugali." I let out a heavy sigh. Kaya nila ako nagagawang husgahan ay dahil sa inasta ko mula nang manatili ako dito sa Batangas. The reason why they're talking behind my back is because they're scared that they might lose their jobs if they do it again in front of me. I think they're scared of me. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa inasta ko sa kanila nang araw na iyon kasi may punto naman si Manang. Dapat hindi ko na binuhos sa kanila ang galit ko. Kahit na wala akong pakialam sa sinasabi ng iba ay dapat ay humingi man lang ako ng tawad sa ginawa ko. Alam kong hindi ko kailangang magpaliwanag sa ibang tao para lang may mapatunayan pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ko na rin kailangang mag-sorry. Kahit na nangyari na iyon at hindi na maibabalik pa ay mas maganda pa rin na humingi man lang ako ng paumanhin sa kanila kasi iyon ang tama. "Huwag niyo nalang husgahan si Ma'am. Malay niyo may pinagdadaanan," sabi ng kasambahay na katatapos lang magpunas ng countertop. Inilagay niya ang basahan sa isang tabi bago muling nilingon ang dalawang kasama. "Pupunta na muna ako sa labas. Tutulungan ko lang sina Manang," aniya bago dumiretso papuntang hardin. Muling nagpatuloy sa ginagawa ang dalawang natira habang nag-uusap pa rin patungkol sa'kin. I leaned my back against the wall and held my dishes very tight while listening to their chitchat. "Mabait naman sina Ma'am at Sir, di'ba? Ganun rin si Sir Adrian," sabi ng nagpupunas ng basang pinggan. "Bakit kaya iba ang pakikitungo sa'tin ni Ma'am Alexandria?" tanong pa niya. "Baka hindi naturuan ng tamang asal?" tugon naman nung isa. "Spoiled?" "Baka--" Agad silang natahimik nang makita ako na papalapit sa pwesto nila. Taas noo akong naglakad kahit na ramdam ko ang pagtitig nila. Agad silang napaatras nang ilapag ko sa sink ang aking dala. Kumuha ako ng apron sa isang cabinet at sinuot ito. Walang salita kong pinagpatuloy ang ginagawa ng kasambahay na naghuhugas ng mga pinggan kanina. Hindi naman na 'yon gano'n karami dahil binabanlawan nalang kaya sinimulan ko na ang pagsasabon sa mga dinala ko. Luminga-linga sa paligid ang dalawa nang makita nila ang aking ginagawa, halatang hindi alam ang gagawin. Bahagya silang lumapit sa'kin. "M-Ma'am, kami na po ang bahala--" Tinapunan ko ng madilim na tingin ang babaeng naghuhugas kanina ng mga pinggan nang bigla siyang magsalita kaya hindi niya natapos ang sinasabi. Pinagtaasan ko ng kilay ang dalawa. Nagkatinginan tuloy sila. Tila iyon ang naging paraan nila para tanungin ang isa't isa. "Continue with your chitchat. Makikinig ako," tamad kong sabi bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtakip nila ng kanilang mga labi, halatang nagulat dahil sa aking sinabi. Muli ko silang nilingon. Biglang kumunot ang noo ko. "What? I said, continue with your chitchat," kalmado kong ulit sa kanila. "P-Patungkol p-po saan, M-ma'am--" Nagsalita iyong isa pero hindi ko rin siya pinatapos. Patuloy pa rin ako sa ginagawa kahit na nagsasalita. "Huwag niyo nang ipagkaila. Go ahead. Continue. I'll listen carefully into every word you'd say," seryoso kong sagot sa kanya nang hindi sila tinitingnan. Hindi pa rin nila ginawa. Nanaig ang katahimikan sa buong kusina hanggang sa natapos ko na ang natitirang mga hugasin. Ni hindi man lang sila kumibo. Nakatayo lang sila sa may gilid ko, tila nag-iintay ng aking iuutos. I crossed my arms and leaned my back against the countertop while staring at them. Nakayuko sila at tinititigan ang sahig habang ang mga kamay ay nasa kanilang likuran. "Bakit hindi niyo ginawa?" tanong ko sa kanila. Pinagtaasan ko ulit sila nang kilay nang hindi sila sumagot. I sighed. "Look at me." Dahan-dahan nilang inangat ang kanilang mga ulo ngunit iniiwas pa rin nila ang kanilang mga tingin. "I said, look at me," utos ko nito sa pangalawang beses na kalaunan naman ay sinunod rin nila. Suminghap ako bago muling nagsalita. "I am really really sorry for what I did. You don't have to say something bad about me behind my back. Ayos lang kung husgahan niyo ako nang harap-harapan. I'm willing to listen. You don't have to hide it. Alam kong napipilitan lang kayo na magtrabaho dahil sa pera." I sighed softly. "Kung gusto niyong umalis--" They cut me off. "M-Ma'am! Huwag po! Maawa po kayo," anila. Paiyak na ata sila. "Sinabi ko ba na mawawalan kayo ng trabaho?" Natahimik sila dahil sa tanong ko. "Hawak niyo ang desisyon kung aalis kayo o hindi. Kayo ang bahala. So, care to share your judgements about me?" kalmado kong tanong sa kanila. Hindi sila nagsalita. "Wala?" tanong ko pa sa kanila. Sabay silang umiling. "'Yong narinig ko lang ba ang mga iniisip niyo patungkol sa'kin?" tanong ko ulit. "Ma'am, sorry po--" I cut them off again. "Sagutin niyo ang tanong ko. Mayroon pa ba?" Sabay silang umiling. I sighed. Hindi man ako naniniwala sa sagot nila ay sinukuan ko na rin sila. You don't have to ask or do everything just to prove a point. Alam ng Diyos ang lahat ng ginagawa mo at sapat na 'yon. Hindi mo na kailangang patunayan ang sarili mo sa ibang tao para lang maging maganda ang image mo. Just be true to yourself ika nga nila. "Okay then! Kung wala na kayong sasabihin patungkol sa'kin, ako na ang magsasabi ng sa tingin ko ay nararapat lang sa inyo." Muli silang yumuko. I sighed. "Ayoko ng plastik. Kung gusto niyo akong husgahan, gawin niyo nang harapan. Pwede niyo akong tanungin kung may problema kayo sa'kin. Kung gagawin niyo 'yan, hindi ko kayo tatanggalin." Muli nilang inangat ang kanilang mga ulo dahil sa huli kong sinabi. "Ayoko sa mga taong plastik. Ang gusto ko ay iyong mga taong totoo. Kung hindi niyo kayang gawin 'yon, pwede na kayong umalis." "Ma'am, ayaw po namin--" "Eh, 'di gawin niyo ang gusto ko. Sabihin niyo sa'kin nang diretso ang mga judgements niyo patungkol sa'kin. Handa akong makinig. May tainga akong nagagamit. Ang kailangan niyo lang gawin ay sabihin. Sa ganoong paraan tayo magkakasundo. Understand?" Pinagtaasan ko sila ng kilay. "Opo, Ma'am." I sighed. Hindi na ako nagsalita pa. Inalis ko ang apron bago binato sa basket. Tinalikuran ko na sila at iniwanan sa kusina. Hindi ko sila pinagsabihan para lalo silang matakot sa'kin. I just want them to know that what they're doing is wrong. And one more thing, I realized that we're in the same roof. Kailangan kong makisama sa kanila. Sanay na akong mahusgahan pero mas gusto ko talaga kapag ginagawa nila iyon ng harap-harapan. Ako iyong tipo ng tao na hindi takot sa judgements ng iba patungkol sa'kin, tama man o mali. Sa tagal ko nang nakakarinig ng mga ganyan, masyado na akong manhid para masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD