Sa mga pagtatapat na ginawa nina Karyle at Zammy sa akin, para akong tinakasan ng sarili kong hininga. Hindi ko rin magawang makapagsalita, dahip sa mga samu’t-saring isipon ang kasalukuyang tumatakboy sa aking isip. Nang muling madapo ang aking paningin sa kanila, bakas sa mga tingin nila ang matinding pag-aalala. Upang maibsan iyon, ngumiti na lamang ako sa kanipa upang maalis ang pangamba nila. Umupo ako sa aking puwesto, napahinga na lamang ako ng malalim sa maaaring mangyari sa mga sandalin ito. “Ano ba kayo? Ayos lang ako, saka wala namang katotohanan ‘yong mga ipinaparatan nila sa akin. I’ll be okay don’t worry,” wika ko sa kanila. “Pero, Jake…” biglang pagsasalita ni Zammy, napatingin naman ako sa kaniya, “hindi namin maiwasan ang hindi mag-alala sa iyo. Kahit na ngayon pa lang

