Nagulat na lamang ako ng biglang sumulpot sa aming harapan ang aking kaibigan na si Elice. Nang madapo ang akin tingin sa kaniya, tila isa itong mabangis na hayop, na magkasalubong ang dalawa niyang kilay at walang emosyong mababakas sa mukha niya. “What the hell?! Did you really slapped me, Elice?! Who the hell are you?!” galit na pagsasalita ni Bianca, tumayo ito habang nakahawak sa kaniyang pisngi na sinampal ni Elice, “wala pang mababang tao ang gumawa nang ganung bagay sa akin. I will make sure that you’ll going to pay for what you did to my face. Mark my word, Elice.” Matapos magsalita ni Bianca, nakita kong unti-unting naglakad palapit sa kabiya si Elice. Laking gulat ko nang muli nitong sinampal sa kabilang pisngi si Bianca. “Who am I? Did you asked me who am I?! Well, I am Eli

