Habang inaantay ko si Jake na pumunta sa lugar kung saan ko siya sinabihan. May iilang bagay ang hindi mawala sa aking isip. Hindi ko rin maiwasan isipin kung magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon na muling makita at makausap ang taong mahal ko. Ano ba ang nangyari sa akin? Sa aming dalawa ni Jake? At sa relasyon namin. Hindi ko inaasahan na mangyayari nga ang mga kinatatakutan ko noong panahon na hindi pa rin magawang kalimutan ni Jake ang matagal nang taong nang-iwan sa kaniya sa ere. Akala ko ay magagawa kong alisin si Vincent sa utak ni Jake, at punuin iyon ng aking mga ala-ala. Ngunit hindi rin pala naging sapat ang ako sa kaniya. Kahit na nasa tabi niya ako, hindi rin ako ang nasa kaniyang isipan at puso. Ramdam ko iyon sa tuwing magkasama kami. Kita ko ang katotohan sa kaniyang

