Muli akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at mariin akong tumitig sa kaniyang mga mata. Bago ako nagsalita, isang malalim na paghinga ang aking ginawa. “Wala!” wika ko, “walang nangyaring ganun behind your back. And I promised that I will help succeed this plan. Saka, wala namang kinalaman sa atin si Lester. “He’s just a toy of you, we can beat him badly para ipakita sa kanila na hindi ka basta-basta kinakalaban. After that, we can do and execute our real aim. Kung gusto mo, isunod nating dukutin ang anak ni Vincent.” Matapos kong magsalita sa kaniya, nakita ko itong tumatango sa akin. Nang magtama ang aming mga tingin, naramdaman ko ang nag-aalab nitong galit sa kaniyang mga mata. “Talagang nakagawa ka ng isang kongkretong plano, Dennis. Anyways, kailan natin balak gawin ito?” balik n

