Hindi ko maiwasan ang matawa habang naglalakad ako papasok sa abandonadong gusali. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent na wala akong kahit na anong alam pagdating sa business na kaniyang ginagawa. Ang buo kong akala ay matalino at wais siya sa lahat ng desisyon na kaniyang ginagawa. Mukhang nagkamali ata ako ng character profile sa kaniya. He even don’t know me yet he approved my proposal as his new business partner. And I will do everything to make him fall from the top where he in now. Hindi niya deserve ang manatili sa itaas, habang ako ay narito at patuloy na nangungulila kay Eunice. Nang muling sumagi sa aking isip iyon, hindi ko maiwasan ang mga panahon na magkasama kami bago ako iniwan ni Eunice at sumama kay Vincent. Noong mga sandaling iyon, hindi ko alam kung ano ang aking ga

