Sa mga reyalisasyon na aking nagawa, hindi ko lubos maisip na magagawa ito sa aming lahat ni Bianca. Noong una, wala akong ideya na siya ang nasa likod nitong kaguluhan na nangyayari sa aming lahat. Dahil ayokong magbintang ng walang basehan at sapat na ebidensya laban sa akusasyon sa kaniya. Ngunit, unti-unti kong napagtutugma ang bawat pangyayari. Ang lahat ng ito ay nag-ugat sa galit at matinding selos ni Bianca. Ako ang mas malaking kasalanan sa kaniya. Nang dahil sa akin, humantong si Bianca sa ganitong punto ng kaniyang galit at pagkamuhi sa amin – sa akin. Dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya, nagawa niya ang ganitong bagay sa akin at sa mga taong itinuring ko ng mga kaibigan at pamilya. Dahil sa kaniyang galit at selos, unti-unti kong napagtugma ang bawat pagtatagpo naming t

