Hindi ko maiwasang mapangiti habang patuloy sa pagsagi sa aking isipan ang mga naganap sa aming dalawa ni Bianca kagabi. Muli, ngayon ko lamang naramdaman mula sa babaeng iyon na talagang totoo siya sa kaniyang sinabi sa akin – sa mga naging pangako niya sa akin. Ilang araw ang nagdaan. Ilang araw ko siyang hindi nakita at nakausap. At alam ko sa mga araw na iyon, ay talaga namang nagsisisi na siya sa mga maling magawa niya sa aking anak. Ayoko lamang na kapag natuloy ang aming kasal na dalawa, ay may hidwaan sa kanilang dalawa ng aking anak. Parehas silang mahalaga sa akin. Parehas silang mahal ko at ayokong mawala sa akin. Naputol na lamang ako sa aking pagbabalik-tanaw nang bigla ko na lamang naramdaman ang tapik sa aking balikat ni Elice. “Sir, ang ganda ata ng ngiti ninyo? Anong m

