Habang pinagmamasdan ko ang sigarilyong hawak-hawak ko na unti-unting nauupos. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nangyari sa aming dalawa ni Vincent. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa paglalaro sa aking isip ang mga pangakong nabitwan ko kay Vincent habang nahuhulog ako sa kaniyang init. Ngayong nakapagbigay na ako ng pangako, paano ko pa masasaktan ang anak niyang si Cheska? Ang anak ng babaeng matagal ko nang kinamumuhian? Wala akong pakialam kung magkadugo kaming dalawa. Inagaw niya ang lalaking pinapangarap kong maging asawa. Inalisan ako ni Eunice ng karapatan na mahalin si Vincent. Oo nga’t nawala na siya sa buhay ng lalaking iyon. Pero hinding-hindi ko magawang alisin at burahin siya sa puso at isip ni Vincent. “Hanggang kamatayan mo, Eunice. Hanggang kamatayan mo – paulit-

