Ilang linggo na ang lumipas simula nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa ni Lester. Aaminin ko, hindi rin naging madali para sa akin ang ganung trato namin sa isa’t isa. Isa pa, lalong ayoko nang maulit muli ang nagyaring iyon sa aming dalawa. Ayoko rin na nakikita ang sarili ko na nahihirapan at nasasaktan ng dahil sa pagmamahal. Ayoko ring nakikita si Lester na nasasaktan ng dahil sa akin. Ipinangako ko noon sa aking sarili na; hangga’t kaya kong ayusin ang mga bagay-bagay, pipilitin ko iyong ayusin sa abot ng aking makakaya. “Anak…” Naputol na lamang ang aking pag-iisip ng marinig ko ang boses ng akin ina na nakaupo na sa aking tabi. “Ayos ka lamang ba? Parang ang lalim kasi ng iniisip mo.” Pagtatapos nito. Isang nakangiti kong pagtango ang aking ginawa b

