bang ginagawa natin sa magarang lugar na ‘to? Tsaka sino ba ‘yang batang iyan?” Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Elice habang patuloy kami sa paglalakad na tatlo. Hindi ko alam na darating si Elice at pupuntahan niya pala ako sa aming bahay ngayon araw. Kaysa naman paghintayin ko siya, isinama ko na lamang muna siya sa paghatid sa batang si Cheska sa kanilang bahay. “Ssshhh! Ano ka ba, Elice? ‘Wag ka ngang maingay,” pagsaway ko sa aking kaibigan. “Kailangan nating ihatid si Cheska sa kanilang bahay. Alam ko naman na sobra nang nag-aalala ang kaniyang mga magulang.” Pagpapatuloy ko. “Teka!” Napahinto ako sa aming paglalakad ng bigla na lamang akong pigilan ni Elice. “Paano mo nga ba nakuha ang batang iyan? Tsaka, bakit sa inyo natulog?” Taka nitong tanong sa akin. Napahinga nama

