Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang pagkabigla noong nakita ko si Manang Dory sa bahay kung saan ko inihatid si Cheska. Maraming katanungan ang bumabagabag sa akin hanggang sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin ko para maiwaksi ko sa aking isip ang mga nakita ko kanina. Ano bang ginagawa roon ni Manang Dory? Si Vincent pa rin ba ang kaniyang kasama sa bahay na iyon? Kung siya nga, bakit wala siya noong dumating kami? “Anak mo ba talaga si Cheska, Vincent? Ano bang ginagawa ni Manang Dory sa bahay na iyon? Bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa batang si Cheska?” Sunod-sunod na aking katanungan sa aking sarili. Nagulat na lamang ako ng bigla ko na lamang narinig ang aking ina na nagsalita. Hindi ko napansin na nasa nakaupo na pala ito sa aki

