Ilang araw matapos ang paglayas na ginawa ng aking anak. Sobra akong nag-alala ng husto. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may masamang nangyari sa aking anak. Si Cheska na lamang ang mayroon sa buhay ko. Tanging siya na lamang ang bagay at ala-ala na iniwan sa akin ni Eunice. Kagabi, habang wala ako. Nagulat raw si Manang Dory dahil nakauwi sa bahay si Cheska ng ligtas. Dalawang tao raw ang kasama ng aking anak na nagpunta rito. Sayang lamang at hindi ko sila naabutan kahapon para makahingi ng pasasalamat sa kabutihang naitulong nila sa aking anak. Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin para sabihin ang pasasalamat ko sa kanila. Bibihira na lamang sa panahon ngayon ang magpapatuloy ka ng taong hindi mo kilala sa loob ng bahay mo. Pero, ang taong iyon, hindi siya nag-alinla

