Ilang araw na ang nakalipas simula noong nagkausap kaming dalawa ni Manang Dory tungkol sa pagkakakita niya kay Jake. Hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang maiproseso ng aking isip na nagpakita si Jake kay manang. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos matanggap na nangyari ang bagay na iyon. Mas lalo akong hindi napalagay dahil siya ang taong tumulong at nag-aruga sa loob ng napaka-igsing panahon sa aking anak. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga napag-usapan naming dalawa ni Manang Dory noong gabing iyon. Hawak-hawak ni Manang Dory ang aking kamay habang bahagya niya itong minamasahe. “Hijo, Vincent, alam ko na nabigla ka sa sinabi ko sa iyo. Kahit ako, ay nagulat rin nang siya mismo ang naghatid sa bata.” Saad ni Manang Dory sa ‘kin. Nananatili pa rin akong tulala sa mg

