Para pa rin akong nasa loob ng isang panaginip. Tila bangungot itong nangyari sa akin, hanggang sa mga sandaling ito. Hindi pa rin magawang maiproseso ng aking utak ang nangyari kay Lester. I’m still shocked when I’m saw him unconsiously. Para akong tinakasan ng sarili kong hininga nang makita ko siya sa ganung estado ng kaniyang buhay. Hindi ko rin maiwasan na mawalan ng malay habang binabasa ang sulat na nakalagay sa maliit na box kasama ang gamit niyang cell phone. Pasalamat na lamang ako at kasama ko sa aking bahay ang kaibigan king si Francis na siyang umalalay sa akin hanggang makapunta kaming dalawa sa ospital na nakasulat sa papel. Habang papasok kaming dalawa, hindi ko magawang mapakalma ang aking buong katawan. At hanggang sa mga oras na ito, narito pa rin ang takot, kaba, pa

