Walang mapagsidlan ang tuwa na aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Tila daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa aking nakuhang alas. Hindi ko alam, pero natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak sa takot mula sa akin. Natutuwa ako kapag nakikita ko siyang nangangatog na halos ma-ihi sa kaba at takot sa akin. Sa wakas, isa-isa ko nang magagawa ang mga plano ko. At dahil sa batang ito, sigurado akong mapapasa akin na si Vincent – ang taong mahal na mahal ko. At si Jake, unti-unti ko na siyang aalisin sa buhay at pagmamahal ni Vincent. At lahat ng iyon, papalitan ko ng mga bagong alala. I will make him happy. I will give him him a child that Jake doesn’t give. We will make a decent and happy family that has a mother and a father. A family where accept and decent in the societ

