“Cheska, anong ginagawa mo rito sa labas ng bahay? Wala ba sina Manang Dory at Manong Ernie?” Agad na tanong ko ng makita kong nakaupo ang aking anak sa labas ng aming bahay.
Awtomatiko naman itong napatingin sa akin ng bigla nitong narinig ang aking boses. “Papa!” Tumigil ako sa aking paglalakad at marahan na lumuhod upang salubungin ang aking anak. “Papa, bakit ngayon lang po kayo umuwi?” Tanong nito sa akin.
Marahan ko naman itong binuhat at binigayn ko siya ng isang banayad na halik sa kaniyang noo. “Maraming ginawa si Papa mo sa trabaho kanina. Pasensya na kung natagalan ako sa pagbalik.” Nagsimula na akong maglakad habang buhat-buhat ko ang aking anak.
Habang naglalakad ako at buhat siya, bigla ko na lamang narinig na nagtanong ito sa akin. At dahil sa tanong niyang iyon, wala sa sarili kong napahinto ako. “Papa, are you happy when you get married with Tita Bianca?”
Napabuntong-hininga naman ako sa aking anak bago ko ito sinagot sa kaniyang tinatanong sa’kin. “Why so sudden to asked me that kind of question, Honey? Masyado ka pang bata para sa bagay at usapin na ito,” ani ko rito.
“Papa, honestly, I don’t like Tita Biance to be my new Mama. It seems that she didn’t want me, too.” Bakas sa mukha ng aking anak ang pagkadismaya nito kay Bianca. “She hates me so much. Tita Bianca always gets mad at me when I’m around, I don’t know why.” Pagpapatuloy nito.
“Cheska, baby, how often Tita Bianca did that to you, like what she did yesterday? Is she hurt you again?” Hindi ko maiwasang maitanong ang bagay na ito sa aking anak.
Ilang segundo pa ang aking hinintay ng makatanggap ako ng sagot rito. Isang mabagal na pagtango ang aking nakita sa aking anak bilang sagot nito sa akin. “Papa, please don’t tell Tita Bianca about this. She might angry with me again.” Pagmamaka-awa nito sa akin.
Marahan kong hinipo ang kaniyang ulo at muli kong binigay si Cheska ng isang halik sa kaniyang noo. “Papa will promise that he won’t tell this to Tita Bianca.” Tinaas ko ang aking kanang kamay na senyales na nangangako ako sa aking naging pangako sa kaniya.
Matapos ang tagpong iyon sa aming mag-ama, habang naglalakad ako at nananatili pa rin ang aking anak sa aking bisig, hindi ko maiwasang matuwa habang nagkukuwento ito sa akin ng mga pangyayari sa kaniya rito sa bahay kapag wala ako.
“Nariyan ka na pala, Vincent? Tara na at maupo ka na.” Agad akong inaya ni Manang Dory na maupo sa hapag ng makita ako nitong papaunta sa kusina.
Imbes na tumanggi pa sa alok ng matanda, agad akong naupo sa aking puwesto at roon, ay hinintay ko na mailagay ni Manang Dory ang aking mga kakainin. “Vincent, si Cheska?” Bigla nitong tanong sa akin.
Napalingon naman ako kay Manang Dory habang inilalapag nito isa-isa ang mga pinggan sa aking harapan. “Dinala ko na ho sa kaniyang kuwarto, Manang. Masyado pong napagod ang bata sa pagkukuwento sa akin ng maabutan ko siya sa labas ng bahay.”
Napahinto naman si Manang Dory sa kaniyang ginagawa ng marinig nito ang aking sagot. “Nagpaalam kasi sa akin ang bata, na mauupo raw siya sa labas. Pinayagan ko naman, baka kasi naiinip rito sa loob ng bahay.” Saad ni Manang Dory sa akin.
Napatango na lamang ako sa naging pagsasalita ni Manang Dory sa akin. “Manang, matanong ko lamang po. Narito po ba si Bianca kaninang wala ako?” Tanong ko sa matanda.
Nang matapos si Manag Dory sa kaniyang hinandang hapunan sa akin, ay agad itong naupo sa aking harapan. “Oo, Vincent. Narito siya kanina. Bakit mo naman naitanong?” Balik na pagtatanong nito sa akin.
“Manang, madalas po bang saktan ni Bianca si Cheska? Madalas rin po ba kayong pagalitan ni Bianca?” Sunod-sunod na pagtatanong ko rito.
Base sa mga tingin at reaksyon na ipinapakita sa akin ni Manang Dory. Isa lamang ang aking nakumpirma, totoo nga ang sinabi sa akin ni Cheska. “Vincent, hayaan mo na lamang si Bianca. Basta, huwag n’ya lamang masasaktan ang bata. ‘Di bale na kaming dalawa ni Ernie. Basta, ‘wag lamang si Cheska.”
“Ano po bang ginawa ulit ni Bianca sa bata, Manang? Nagsumbong po ulit sa akin ang anak ko,” nag-aalala kong tanong sa matanda. Nakita ko naman itong napayuko sa akin ng tanungin ko ito tungkol sa ginawa ni Bianca sa aking anak.
Habang kumakain ako, narinig kong napabuntong-hininga sa aking harapan si Manang Dory. “Hijo, ayoko man ng gulo sa pagitan ninyong dalawa. Ngunit, kailangan mo ring malaman ito. Pasensya na at wala kaming magawa ni Ernie para protektahan ang bata kay Bianca.”
Hindi muna ako nagsalita. Hinintay ko ang susunod na sasabihin sa akin ni Manang Dory. “Madalas n’yang pagalitan si Cheska. Minsan, naririnig ko na sinisigawan n’ya ang bata. Kung minsan naman, sinasabi n’ya sa paslit na, umalis ang kaniyang Ina at naghanap ng ibang lalaki.”
Sa mga narinig kong pagtatapat sa’kin ni Manang Dory, hindi ko akalain na magagawa at masasabi ni Bianca ang mga ganung klaseng bagay sa aking anak. Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao. Marahil ay sa mga nalaman ko mula kay Manang Dory, bahagya akong nakakaramdam ng inis at galit sa kaniya.
“Manang Dory, kappag wala ho ako rito sa bahay. Puwede po ba na, tignan ninyo ng maigi ang bata? Kung kina-kailangan na sagutin ninyo si Bianca, gawin po ninyo. Ayoko lamang po masaktan ang anak ko.” Pakiusap ko kay Manag Dory.
Tumango naman ang matanda bilang pagsang-ayon sa aking pakiusap rito. At sa pagpayag na kaniyang ginawa, nabawasan ang pag-aalala na aking nararamdaman.
Naramdaman ko naman na marahang hinawakan ni Manang Dory ang aking kamay. Kaya naman, napangiti na lamang ako sa kaniyang ginawang pagpapagaan sa aking loob. “Salamat po, Manang Dory.” Ani ko sa matanda. Na siya namang ikinatango nito sa akin.
Ilang segundo ang lumipas ng walang nagsasalita sa aming dalawa ni Manang Dory, nang bigla na lamang ako nitong tanungin. “Hijo, matanong kita. Ikaw ba ay talagang sigurado na kay Bianca?” Tulad ng pagtatanong na ginawa sa akin ni Cheska. Ganun rin ang tanong na ibinato sa akin ni Manang Dory.
At sa tanong niyang iyon, hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot roon. “Manang, honestly, hindi ko po alam. Hindi ko po alam kung bakit ako nagdalawang-isip na pakasalan si Bianca.” Ani ko rito.
“Hijo, kung nagdadalawang-isip ka, pag-isipan mo pa ng maraming beses. Mahirap ang magsisi sa huli.” Napatango na lamang ako sa naging abiso sa akin ni Manang Dory.
Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkapit ko sa kamay ni Manag Dory. At sa paghawak ko na iyon, parang kamay na rin ng aking Ina ang aking hinahawakan. “Sa totoo lang, Manang, hindi ko alam kung tama ba na magpakasal ako kay Bianca – lalo’t na sa nakikita ko, na hindi n’ya gusto si Cheska.”
“Vincent, hindi natin masisisi si Bianca, kung hindi n’ya tanggap si Cheska. Dalaga siya at ikaw ay pamilyado na. Pero, kung mahal ka ni Bianca talaga, kahit kailan ay hindi ito magiging usapin sa kaniya.”
“Ayon na nga po. It seems that Bianca doesn’t want Cheska to be her stepchild. Even if she didn’t tell me yet, but I can feel it by her actions,” huminto ako sa aking pagsasalita. Marahan kong pinagpatong ang mga pinggan na nasa aking harapan. “Pero, malaki rin ang utang na loob ko sa kaniya. She have been there at my worst. How would I refuse a person who’ve almost gave her life to me? Nahihirapan po akong gumawa ng desisyon.”
“Nauunawaan kita, Vincent. Ang masasabi ko lamang sa ‘yo, pag-isipan mo ng husto ang magiging pagpapasyang gagawin mo. Anak, nasa dulo lagi ang pagsisisi. Kaya sana, kung ano man ang mapagdesisyunan mo, sana ay hindi ka magsisi.”
Napatango na lamang ako sa sinabing iyon sa akin ni Manang Dory. At wala sa loob ko na napayakap ako sa Matanda. “Maraming salamat po, Nay Dory. Palagi po kayong nariyan kapag may problema ako. Maraming salamat po.” Ani ko.
Naramdaman ko namang hinaplos ng matanda ang aking likurang bahagi. Sa ginawa niyang iyon, pakiramdam ko ay siya talaga ang tunay kong magulang. “Wala iyon, Hijo. Basta kapag kaya kong tumulong, tutulungan kita,” humiwalay na ako sa aking pagyakap rito, ngunit nagulat na lamang ako sa naging tanong nito sa akin. “Vincent, naaalala mo pa ba si Jake? Kumusta na kaya ang batang iyon, no?”
Hindi agad ako nakakibo kay Manang Dory. Tila para bang naputop ang aking dila, dahil walang salita ang lumalabas sa aking bibig. Ilang segundo pa ang lumipas, nang tuluyan kong mahinuha ang tanong na iyon ni Manang Dory.
“Hindi ko rin po alam, Manang. Sobrang tagal na rin po na wala akong balita sa kaniya. Ayun rin ho ang gusto kong malaman, kung kumusta na siya.” Pigip hininga kong sinabi ang bagay na iyon kay Manag Dory.
Hanggang ngayon pala ay may kakaibang epekto pa rin sa akin ang unang taong minahal ko ng totoo. Ang taong kahit kailan ay hindi nalimutan ng puso ko.
“Kung sakaling magkita kayong dalawa, posible ba na muli kayong magkabalikan ni Jake?” Agad akong napalingon kay Manang Dory dahil sa deretsahan niyang pagtatanong sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ano ang maaari kong maramdaman kung sakaling dumating ang panahon na muli kaming magkita na dalawa. Masyado ng maraming nagbago ay nangyari mula sa mga nakalipas na taon.
At sigurado ako, na nakalimutan na ako ni Jake ng tuluyan. Hindi ko rin masisisi si Jake, kung isang araw ay magalit ito sa akin dahil sa pang-iiwan na aking ginawa sa kaniya. I still won’t forgive myself for leaving him behind, even though I had no words left to thim.
“Let the fate decide when is the right time for us to meet each other once again.”