“Kumusta ang mga proposals? Inaayos na ba ng mga Department Heads ang business proposals nila?” Sunod-sunod na pagtatanong ko kay Elice. Hindi pa naman ito tuluyang nakakapasok ng agad ko itong tanungin.
Nang tuluyan ng makapasok si Elice sa aking opisina, maingat nitong isinara ang pintuan ng aking opisina. “Ayan nga po ‘yong pinunta ko rito, Sir,” agad itong lumapit sa akin at may kung ano itong iniabot sa aking mga papel.
Napakunot-noo naman ako sa mga papel na kaniyang iniabot sa akin. “Sir, ayan po ‘yong mga letters ng bawat Department Heads. Nakalagay po d’yan ang progress sa kanilang mga business proposals.” Ani nito sa akin.
Napatango na lamang ako habang pinapakinggan ang sinasabi ni Elice sa akin. “Is there anything should I know, Ms. Ybañez?” Bigla kong tanong rito.
Dahil sa ginawa kong pagtatanong rito, nakita ko naman ang pagkabigla nito sa kaniyang mukha. “Sir, nothing. Kaso po, may isa tayong empleyado na umalis na walang paalam. What do want me to do to him, Sir?” Balik na tanong nito sa akin.
Napa-isip naman ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Kaya naman, “No. Let him/her be. Humanap ka na lamang ng bagong papalit sa kaniya. ‘Yong mas katiwa-tiwala at mahal ang trabaho. Maaasahan ko ba iyon, Ms Ybañez?”
“Opo, Sir!” Akmang babasahin ko na ang mga letterheads na ibinigay sa akin ng Elice, nang bigla ko na lamang itong narinig na muling nagtanong sa’kin. “Saan ko po hahanapin ang taong pinapahanap ninyo sa akin, Sir Vincent?” Ani nito.
Dahil sa aking narinig, agad akong napatingin ng masama kay Elice. “Problema ko pa ba iyon? Tsaka, ako talaga ang kailangan na tanungin mo ng ganiyan? Alam ko ba kung saan ako makakakita n’yan?” Sarkastiko kong pagsasalita rito.
Napakamot na lamang ito sa kaniyang ulo, habang napa-iling na lamang ako sa taong ito. “Sige po, Sir. Tuloy na po ako.” Hindi ko na sinagot pa ang pagpapaalam na iyon sa akin ni Elice. Tanging isang tango na lamang ang aking ginawa bilang sagot sa kaniya.
Ilang buwan matapos naming ikasal na dalawa ni Eunice. At ngayon, ay dala-dala n’ya na ang batang bunga ng aming pagmamahalan. Hindi ko inaasahan na mabibiyayaan ako ng isang anak at mapagmahal na asawa tulad ni Eunice.
Sa tagal na panahon naming magkasamang dalawa, tuluyan ng nahulog ang aking puso sa kaniya. Tuluyang siya na ang kinilala ng aking puso na mamahalin ko habambuhay. Dahil sa kabaitan, pag-aasikaso, at sa natural na pagkataong taglay ni Eunice.
Ang mga iyon ang siyang naging dahilan kung bakit nahulog ng husto ang aking loob. Wala akong masasabi sa ugaling ipinapakita sa’kin ni Eunice. Pati ang mga magulang nito, ay maganda at maayos rin ang pakikitungo sa akin.
“Mahal, ano pala ang gusto mong ipangalan natin sa magiging anak natin?” Napalingon na lamang ako kay Eunice ng bigla itong nagtanong sa akin.
Napataas naman ako ng aking kilay dahil sa biglaang tanong na iyon sa’kin ni Eunice. “Ikaw, ano ba ang gusto mong ipangalan sa magiging anak natin? Basta, kung ano man ang naisin mo. Ayon na rin ako.” Marahan ko itong hinalikan sa kaniyang noo at naramdaman ko namang ngumiti ito.
Narinig ko namang napabuntong-hininga si Eunice na siya namang ipinagtaka ko. Hindi ko alam, ngunit may kung ano sa loob ko na nais malaman ang dahilan ng kaniyang paghinga ng malalim.
“Vincent, am really sorry. Dahil sa akin, nasira ko ang relasyon mo sa taong totoong mahal mo talaga. Until now, nagagalit pa rin ako sa sarili dahil sa panghihimasok ko sa buhay mo.”
Agad akong napatingin kay Eunice nang bigla itong nagsalita mula sa kawalan. Habang tinatanaw namin ang mga bituin sa terrace ng aming bahay. Hindi ako nito nagawang lingunin. Patuloy lamang siya sa ginagawa niyang pagtingin sa kalangitan.
“Bakit mo naman nasabi ang bagay na ito? Eunice, matagal na kaming tapos ni Jake. Matagal ko na siyang nakalimutan, simula nu’ng makilala kita. Ang mahalaga ngayon, ikaw na ang mahal at asawa ko, na siyang nagdadala ng magiging anak ko.”
“Masaya ako, dahil nabigyan kita ng anak. Pero, Vincent, sa tuwing naaalala ko ang lahat ng sinabi sa akin ng mga magulang mo. Hindi ko lubos maisip na – parang ako ang dahilan kung bakit tuluyang nasira ang relasyon ninyong dalawa. Hanggang ngayon, hindi ko maiwasang makonsesya sa ginawa ko.”
Marahan kong hinawakan ang kamay ni Eunice. At sa ginawa kong paghawak sa kaniyang kamay, doon lamang n’ya ako tinapunan ng tingin. “Eunice, hindi mo kailangan maramdaman pa ang mga bagay na ito. Matagal na kaming tapos ni Jake. Wala ng kahit ano pang namamagitan sa aming dalawa.” Ani ko rito.
“Hindi pa, Vincent. Hindi pa tapos ang relasyong iniwan mo. Dahil d’yan sa puso mo, si Jake pa rin ang itinitibok at isinisigaw. ‘Wag kang mag-alala. Hindi naman ako magagalit. Masaya ako, dahil balang araw, may papalit sa’kin at magiging katuwang mo sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak natin.”
Sa mga narinig kong iyon mula kay Eunice, hindi nakaligtas sa aking ang unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. At sa nakikita ko, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Hindi ako makagawa ng kahit na anong salita.
Patuloy lamang akong magsisinungaling kay Eunice at sa sarili ko, kung patuloy kong itatanggi na wala na kaming dalawa ni Jake. Taliwas sa aking mga sinasabi, hanggang ngayon, may malaking parte pa rin sa puso ko si Jake.
At kahit kailan, hindi siya nawala sa isip ko kahit isang gabi, minuto o segundo man lang. Matapos iyon, bahagya akong napayuko sa harapan ni Eunice. Wala akong masabi sa kaniya na kahit na ano, ngunit agad kong naramdaman ang marahang paghawak sa aking balikat ni Eunice.
“Vincent, kahit hindi mo sabihin sa akin ang lahat ng nararamdaman mo. Basang-basa ko iyon sa mga mata mo. Hindi mo man sabihin at itanggi, wala naman akong magagawa, dahil siya ang naunang minahal mo,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita.
Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong inakap ng sobrang higpit. “Wala akong pinagsisisihan na ikaw ang lalaking minahal ko. Kahit na, alam kong hindi ako ang nasa puso mo – But, am still thankful and greatful for having you in my life. ‘Wag ninyong pababayaan ang anak natin, Vincent, ha? Mahalin ninyo si Cheska.”
“Cheska…?” Maikling kong tanong rito.
Tumango naman ito sa akin bilang pagsang-ayon n’ya habang may malawak na ngiti sa kaniyang labi. “Cheska ang naisip kong ipangalan sa ating anak. Napakagandang pangalan, hindi ba? Isang anghel na magbibigay ligaya sa ‘yo balang araw, kahit wala na ako…”
Nawala ang mga ngiti sa aking labi, ng marinig ko ang huling sinabi sa akin ni Eunice. “Ano ba ‘yang mga sinasabi mo, Eunice? Ayos ka lamang ba?” Sunod-sunod na pagtatanong ko rito. Ngunit, tanging ngiti lamang n’ya ang kaniyang isinasagot sa aking mga tanong.
Habang tinatahak ko ang daan pauwi sa aking bahay, ‘di kalayuan ay may kung ano mga boses akong naririnig na nagsisigawan. At habang papalapit ako sa aking bahay, doon ko lamang napagtanto, na doon pala nagmumula ang mga boses na nagsisigawan.
“Ma’am Bianca, ‘wag ninyo pong saktan ang bata. Bata pa siya, hindi pa n’ya alam ang ginagawa n’ya.” Rinig kong pagmamaka-awa ni Manang Dory kay Bianca.
At dahil sa mga naririnig ko, agad akong nagmadali na bumababa ng aming sasakyan upang tignan ang nangyayari sa aming bakuran.
“Wala akong pake, Dory! Cheska deserves more! Mas maagang malaman n’ya, na hindi ako katulad ng Mommy niyang si Eunice na mahina at talunan. Hindi ko kailagan kunsintihen ang ugaling baluktot ng batang ito.”
“Ano po bang ginawa ko sa ‘yo, Tita Bianca? Wala naman po akong ginagawang masama sa ‘yo, bakit ka po nagagalit sa akin?”
“Dahil, napupunyeta ako sa tuwing inaagaw mo ang atensyon sa akin ni Vincent. Ito ang tatandaan mo, bata ka. Pag akin ang oras ni Vincent, akin lang. Huwag ka nang umepal pa, naiintindihan mo ba!?”
Akmang sasaktan na ni Bianca ang aking anak na si Cheska, nang agad akong nagsalita rito. At nang marinig ako ni Bianca na nagsalita, bakas sa kaniyang ekspresyon ang gulat at takot.
“Wala kang karapatan saktan ang anak namin ni Eunice. Bitawan mo ang anak ko, Bianca. Hangga’t nakikita ko pa na maliwanag ang paningin ko. I won’t let you hurt my daughter, because you are not her Mom.”