Hanggang sa mga sandaling ito, hindi ako makapaniwala na sasabihin sa akin ni Vincent ang bagay na iyon. Hindi ko mapigilang masaktan sa salitang iyon. It was my first time hearing those words came from him. Para akong inihulog sa balon dahil sa narinig ko sa kaniya. “Are you really sure with this, Vincent? Ito ba talaga ang nakikita mong solusyon sa problema nating dalawa?” sunod-sunod na pagtatanong ko rito habang ang aking luha ay nagsimula nang tumulo mula sa aking mga mata. Sa mga oras na ito, hindi ko maipaliwanag ang hapdi at sakit na nararamdaman ko. Marahil ay sadyang mali lamang ang pagbibigay interpretasyon ni Vincent sa nakita niya kanina. Gayunman, bakit ganito niya ako tratuhin? Na para bang nagtaksil ako sa aming relasyon? Na parang napakalaking pagkakamali ang nagawa ko

