Habang hinihintay ko si Vincent na makabalik sa kaniyang kwarto. Inabala ko muna ang aking sarili na tumingin ng mga bagay-bagay sa kaniyang kwarto. Unang tinignan ang aming mga litrato na nakadisplay sa side table ng kaniyang kama. Habang pinagmamasdan ko iyon, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaibang kilig dahil sa aking nakikita. Sa mga litratong iyon, isa roon ang kuha namin noong nasa high school pa lamang kaming dalawa. Hindi ko aakalain na naitago niya pa ang ganitong litrato ng sobrang tagal. Hindi ko rin inaasahan na makukuha niya pa itong isama at idisplay sa side table ng kaniyang kama. Ang iba namang litrato namin ay kuha nitong recent events na aming pinupuntahan. Matapos ako doon, dahan-dahan akong naglakad papunta sa closet ni Vincent. Nang buksan ko iyon, nakita ko

