May mga iilan akong boses na naririnig na ‘di kalayuan mula sa aking kinalalagyan. Muli kong sinubukan ang magpumiglas mula sa aking pagkakadena sa akin ng mga tauhan nila Bianca at Dennis. Ngunit, bigo ako na makawala dahip sa higpit at ilang kadena ang nakapulupot sa aking katawan. Naramdaman ko ang isa sa kanila na lumapit sa akin at nagsalita ito. “Hoy, gago!” pagsigaw sa akin ng lalaki at marahas kong naramdaman ang malakas na pagbatok nito sa aking ulo na siya namang nagpabagsak sa akin sa sahig. “Kahit ilang beses mong subukan na kumawala d’yan, hinding-hindi matatanggal ‘yan. Sinigurado namin na mahigpit ang pagkakatali sa iyo.” Pagpapatuloy nito. Habang nakahandusay ako sa sahig, naramdaman ko ang dalawa sa kanila na marahas akong hinawakan at pabalibag akong iniupo sa bangko k

