Alas-otso pa lang gabi ay tuloy pa rin ang pagkakasiyahan ng grupo nina Sandra. Maalinsangan na rin ang kaniyang pakiramdam kaya napagpasiyahan niyang makisali na kina Cindy na masayang naglalangoy doon sa pool. Nag-iinuman pa rin sina Adriano kasama ng iba pa nilang ka-trabaho. Nagpaalam siya rito na magpapalit dahil gusto na niyang magswimming. Nag-offer pa itong samahan siya pero tumanggi na siya. "Okay lang, dito ka na lang. Kaya ko na." sabi ni Sandra. "Okay, take care." Nagmamadali nang pumanaog sa kanilang hotel room si Sandra at saka nagpalit ng swim suit. Isang black one-piece iyon na hapit na hapit sa kaniyang katawan kaya lalong na-emphasize ang magandang kurba ng kaniyang katawan. Nabili niya iyon sa Mexico nang minsang doon sila napadpad. Sinipat niya ang hitsura sa salamin

