Chapter 18: Idlip

1045 Words

Hindi namalayan ni Sandra na tuluyan na pala siyang nakaidlip sa balikat ni Adriano. Siguro ay makalipas ang may tatlumpung minuto nang maalimpungatan siya. "Oh my, I've slept. What time is it?" tanong niya kay Adriano na nakatanaw sa dagat. Bigla itong bumaling sa kaniya. "Well, its 3 the afternoon. Want to have some snacks? Before we go back in our hotel." "Okay." sang-ayon na lang niya dahil nakaramdam na rin siya nang gutom. Nang maunang tumayo si Adriano ay inalalayan siya nitong makatayo. Napatda si Sandra nang hawiin ng binata ang mga buhok niyang tumabing sa kaniyang mukha gawa siguro ng hangin kanina. "Thank you." nakangiting sabi na lang niya rito para pawiin ang kilig na naramdaman. "Shall we?" yaya ni Adriano sa kaniya. Gaya kanina ay magkaholding hands silang naglakad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD