Chapter 17: Date

1055 Words

Kagaya ng sinabi ni Edward ay sinamahan ni Adriano si Sandra na magpunta sa Alpha Bank ilang minuto ang layo sa hotel na kanilang tinutuluyan. Wala silang kibuan sa byahe kanina. Bukod sa nagkakahiyaan pa ay pawang mga pagod din sa naging byahe kaninang umaga. Nang makarating sa bangko ay tinulungan siya ng binata makipag-negosasyon sa teller ng bangko. Ipinagpasalamat niyang naroon ito kasama niya kung kaya't napadali ang proseso ng pagpapadala ng kaniyang remittance sa Pilipinas. Bago sila lumabas ng nasabing establisimyento ay sinubukan ni Sandrang mag-overseas call sa Pilipinas. Ala-una noon sa Greece dahil katatapos lang nilang mag-lunch kanina sa hotel kaya natitiyak niyang alas-siyete na noon sa kanila sa Pilipinas. Tamang-tama at nandoon tiyak lahat sa kanila pati ang kaniyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD