Inalalayan siya ni Adriano na makababa mula sa barko. Unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya nito. Subalit naroon pa rin ang takot kay Sandra. Nais niyang mas kilalanin pa ito bago niya ito sagutin. Hindi sapat na may nararamdaman na rin siya para dito. Nang makaalis na silang lahat sa barko ay lumakad na sila sa isang terminal na naroon sa port. Naghihintay na roon ang shuttle na sasakyan nila na siyang maghahatid sa kanila sa tutuluyang hotel sa Santorini. May naka-reserve na silang hotel roon care of ng kanilang kompanya. Mamaya na lang siya tatawag sa Pilipinas, ang sabi ni Sandra sa isip niya. Maghuhulog din kasi siya ng pera na ipapadala niya sa kaniyang mga magulang sa Pilipinas. Nang makasakay na sila ng shuttle at tabihan siya ni Adriano ay noon lang naramdaman ni Sandra na

