Dumating ang araw ng pagdaong nila sa Mykonos Port sa Greece. Iyon ang first time ni Sandra na makakatapak sa lupain ng Gresya. Mula sa Mykonos Port ay tutunguhin nila ang Santorini ilang oras ang layo doon sa Port. As usual ay excited na naman siya dahil natitiyak niya ang naggagandahang lugar roon na dati-rati ay sa f*******: o pictures lang niya mga nakikita. Isa pa sa nakadagdag excitement niya makakasama niya sa pamamasyal roon si Adriano. Patuloy pa rin sa panliligaw ang binata sa kaniya. Wala pa ring palya ang mga ka-sweetan nito sa kaniya. Subalit hindi pa ganoon kahanda ang puso ng dalaga kaya nananatili sila sa ganoong estado nilang dalawa. Masaya naman sila parehas at gaya naman ng sinabi sa kaniya ng binata ay hindi siya nito ipe-pressure na isa sa mga ipinagpapasalamat niya.

